Share

Chapter 15.1

Lumipas ang mga araw ngunit tila walang nangyari. Wala akong nakita na kahit anong kahina-hinalang bagay kay Oryrius. Malaya ko ring napupuntahan ang west wing at lahat ng bahagi ng mansion. Kahit ang mga personal niyang gamit ay binigyan niya ako ng kalayaang pakialaman iyon. Pero wala pa ring nangyari. Hindi na umusad ang imbestigasyon ko.

Para akong mababaliw. Hindi nga kaya nagkamali ako ng husga? Baka nga inosente siya. Baka nga wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng mga asawa niya.

Baka nga hindi siya kriminal.

Baka nga nagkataon lamang ang lahat.

O baka nga totoo ang sabi-sabing isinumpa siya at lahat nang napapangasawa niya ay namamatay.

Hindi ko naiwasang mapalunok.

Totoo nga ba ang sumpa?

Kung totoo ang sumpa, ako na bang susunod na mamamatay?

Pakiramdam ko ay tumaas ang mga balahibo ko sa katawan.

Nakahanda na ba akong mawala sa mundo?

Umiling ako.

Hindi! Hindi pa pwede. Hindi ko pa nga nahahanap ang ate ko.

"Mate." Awtomatikong nakuha ng atensyon ko ang mahina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jovelyn Abejuela
next chapter po pls
goodnovel comment avatar
Mary Grace Soriano-Maturan Fabra
next chapter pls.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status