Share

Chapter 17

Paano ako pupuslit?

Paano ko pupuntahan ang dulo ng Hardin na walang nakakapansin sa akin?

Paano at kailan ko gagawin ang plano ko?

Iyan ang mga tanong na umuukilkil sa aking isipan habang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang malawak na hardin.

Sa lawak pa naman nito ay tiyak ay matatagalan ako bago maabot ang dulo.

Kaya hindi ko talaga maisip kung paano ko gagawin ang plano.

Halos hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng oras dahil sa kaiisip sa dapat gawin.

Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagtingala ko. Sa ginawa kong iyon ay sumalubong sa aking mga mata ang bilog na buwan at hindi ko napigilang mapahanga sa ganda ng nito. Napakalaki nito at napakaliwanag.

Hindi ko mawari ngunit nakakahalina ito sa aking paningin.

Pasado alas nuebe na rin ng gabi ngunit mag-isa pa rin ako dito sa silid. Wala pa si Oryrius. At maaaring hindi siya makauwi dahil mayroon daw itong aasikasuhin sa negosyo. Mukhang may problema yata ang lintek sa trabaho.

Muling napunta ang tingin ko sa hardin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status