"Tinatanong pa ba 'yan?" Hindi siya umimik kaya naman muli akong nagsalita. "Ikaw na ang nagsabi sa'kin, kabilang din naman ako sa business industry. Kaya dapat alam ko na ang rason. So dapat, alam mo na rin ang dahilan ko kung bakit kita pinakasalan.” Hindi naman nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Nanatili itong walang kangiti-ngiti at tila hindi kumbinsido "I am still your bestfriend's widow." Nailing na lamang ako. Kung alam lang sana niyang iyon ang pinakaunang rason kung bakit ko siya pinakasalan. "Business is separate from personal matter, Rius. Ano ngayon kung asawa ka ng bestfriend ko? Hindi maaapektuhan no'n ang desisyon ko." Nag-iwas ako ng tingin. Tila humapdi ang puso ko sa binitiwan kong salita. Kahit kailanman ay 'di ko magagawang ipagpalit ang friendship namin ni Ciara sa kayamanan. Kahit pa siguro ang kapalit ay maging pinakamayaman akong tao sa mundo. "Sabi ng Daddy mo, idea raw niya ang kasal. Kaya napaisip lang ako kung tumutol ka ba sa kasal." Na
Sa west wing. Tama! Doon ako dapat magsimula. Kahina-hinalang ipinagbabawal ni Oryrius ang magpapasok roon. Maaaring may itinatago siya roon. Baka nando’n ‘yong mga ebidensiyang hinahanap ko. Kaya kailangan na kailangan ko nang makapasok sa west wing. Pero ang tanong, paano at kailan? Iyan ang mga tanong at isiping bumagabag sa akin pagkagising na pagkagising ko kinabukasan. Katulad nang nakaraang umaga ay nagising akong wala na si Oryrius Delacorte sa tabi ko. Parang naulit lang ang nangyari dahil pagkabangon ko ay dumeretso agad ako sa bintana upang pagmasdan ang mga magagandang bulaklak sa hardin. Ang kaibahan nga lang, wala na 'yong malaking aso. "Lora." Awtomatiko akong napalingon sa pintuan kung saan nagmula ang tinig. Bumungad sa akin si Oryrius na kakapasok lamang ng silid. Presentableng-presentable ang hitsura nito sa suot niyang dark blue three piece suit. "I will be attending an important meeting today and I might go home late." Awtomatikong napataas ang isang kilay
Nanginginig ang kamay kong hinugot ang susi sa bulsa ng suot kong short. Nanuyo ang lalamunan ko nang simulan kong subukan ang susing hawak ko. Lumakas ang kabog ng puso ko nang hindi sumakto ang unang susi na napili ko. Muli pa akong sumubok ng isa pa. Ang isa ay naging dalawa hanggang sa nasundan at muli pang nasundan. "Please naman, makisama ka naman." Butil-butil ang pawis kong nagpalingon-lingon. Sana lang, wala sa mga katulong ang mapadpad dito. Muli pa akong sumubok ng isa pa. Gano'n na lamang ang kabog ng puso ko nang sumakto ang susi. Nanuyo ang lalamunan ko nang pihitin ko iyon. Tila lalo ring lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan ko ang doorknob at pihitin iyon. "Wala na talagang atrasan 'to, self." Lakas loob kong pinihit ang doorknob at tinulak ang pinto. Sa pagbukas ng pinto, tila ba nag-slow motion ang paligid. Bumungad sa akin ang kadiliman at katahimikan. Napalunok na lamang ako. "Kung sino man po ang may-ari ng room na 'to, sorry na po agad. Pasok p
Tumunog ang sikmura ko. Takte naman! Bakit ngayon pa? Alanganin akong napabaling kay Oryrius Delacorte. Nasalo ng aking mga mata ang magandang uri ng mga mata nito. Argh! Nakakahiya! For sure, narinig niya 'yon. "C'mon, let's have our lunch." Nanatili itong walang kangiti-ngiti kasabay ng pagpapatiuna nito sa paglalakad. Tila balewala sa kanya ang narinig niya kaya naman napasunod na lamang ako sa kanya. Naging tahimik ang tanghalian. Sobrang gutom ako kaya nasa pagkain talaga ang atensiyon ko. Tila balewala naman kay Oryrius kahit mukha akong patay gutom. Nahuhuli ko siyang pasulyap-sulyap pero nanatili naman siyang no comment. Bahala siya kung gusto niya akong husgahan sa utak niya. Kahit naman maging bad shot ako sa paningin niya, wala akong pakialam tutal ang ending naman namin ay ang pagiging mortal enemy. Muli akong nagpatuloy sa pagkain. Hinayaan lang niya ako. Hindi katulad kagabi na sweet-sweetan ang peg niya. Ngayon, kahit isang butil ng kanin ay 'di niya magawang ia
Pupunta kami sa west wing? At ayos lang sa kanya? Sure ba talaga siya? "Pero bago sana tayo mag-tour sa west wing," sandali itong tumigil sa pagsasalita at pinakatitigan niya akong mabuti. "Pwede bang maligo ka muna?" Anong sabi niya? Awtomatikong nanlisik ang mga mata ko. Nanlaki rin ang butas ng ilong ko sa narinig. "C'mon, hindi ka dapat magalit. I am just concern with your hygiene." Mahinahon ang tinig nito at tila wala namang halong pang-iinsulto ngunit hindi pa rin naibsan ang galit ko. "Hoy! Para sa kaalaman mo, kahit hindi ako maligo ng one year, mabango pa rin ako." Panandaliang nangunot ang noo nito pagtapos gumuhit ang pigil na ngiti sa labi nito. "Really, huh?" Tumayo ako sa pagkakaupo at pinameywangan siya. "Kung gusto mo, paamoy ko pa sa'yo kili-kili ko." Nailing naman itong ibinalik ang tingin sa mga pagkain. Tila ba hindi ito naniniwalang kaya kong gawin iyon. Nagpupuyos ang damdamin kong humakbang palapit sa kanya. Kaagad naman siyang bumaling sa akin. Na
"Ito bang hinahanap mo?" Namutla ako sa nakita. "Ito ba, mate?" Tila nahimasmasan ako dahil sa muli niyang tanong. Napalunok ako bago magsalita. "Hindi." Mabilis akong umiling. Ramdam ko ang butil-butil kong pawis sa aking noo. Ibinaba nito ang nakataas niyang kamay. Hindi ito umimik ngunit nanatili itong nakatingin na para bang tinatantiya ako. "H-Hinahanap ko 'yong baby doggie ko." Gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil nautal pa ako. Sana naman mapaniwala ko siya. Mahina itong bumuntong-hininga bago nito inalis ang tingin niya sa akin. "Alright. I thought it was yours since Helper Sabel found it here." Mahinahon nitong turan kasabay ng pagpasok niya ng susi sa kanyang bulsa. Wala na akong nagawa kundi sundan na lamang ng tingin ang kanyang kamay. Kung pwede lang sana, kanina ko pa sana pinigilan ang pagpasok niya sa susi sa kanyang bulsa. "So, let's go?" Untag niya sa akin dahilan upang mapatingin ako sa kanya. "Ready ka na bang pumunta sa west wing?" Muli niyang
Napabalikwas ako ng bangon. Iyong susi! Awtomatikong napunta ang tingin ko sa ibabaw ng bedside table. Ngunit wala na roon ang susi. Takte! Nakatulog ako. Nang igala ko ang tingin ko sa silid ay nasalubong ko ang tingin ni Oryrius Delacorte. Nakatayo ito malapit sa pintuan ng silid. Puno ng pagtataka ang mga mata nito. Mukhang nabigla ito sa bigla kong pagbangon. "Good morning." Bati nito nang mahimasmasan sa pagkabigla. Anong sabi niya? Good morning? Tila wala sa sariling iginala ko ang aking paningin. Takte naman! Mula sa bintana ng silid ay makikita ang lumalagos na liwanag na nagmumula sa labas ng bahay. Umaga na? Ibig sabihin ay gano'n katagal ang naitulog ko? Nang ibalik ko ang tingin ko kay Oryrius ay noon ko lamang napasin na nakasuot na ito ng itim na suit. Hays. Sayang 'yong pagkakataon kagabi. "I gotta go,” wika niya. Hindi na ako nakaimik. Pre-occupied ang isip ko sa panghihinayang. Kung bakit ba naman kasi ang sarap ng tulog ko kagabi. "Your brea
Sumakit ang ulo ko sa kaiisip. Hindi ko maiugnay ang maikling tula sa mga nangyari. Mukhang wala itong maitutulong sa imbestigasyon ko. Baka sadyang malakas lang ang trip ni Chantelle Cordova o pwede ring mahilig lang siyang mag-compose. Baka bukod sa singing ay may talent din ito sa writing. Hays. Ayoko na siyang pakaisipin. Sa huli ay nagdesisyon na lang ako na itago iyon. Saka ko na lang ibabalik kapag nabawi ko na 'yong susi. Tama! Sa ngayon, ‘yong sushi muna ang dapat kong isipin. Kailangang mapasaakin ‘yon. INABALA ko ang sarili ko sa pagtulong sa gawaing bahay. Nagpumilit ako kahit ilang beses silang tumanggi. Nabuburyo na ako dito sa mansion ni Oryrius. Hindi ko naman magawang bumalik sa west wing dahil wala akong susi. Ang boredom na aking nadarama ay napalitan ng excitement nang sabihin ni Helper Sabel na tumawag raw si Oryrius at sinabing susunduin ako dahil may pupuntahan kaming party. Napili kong isuot ang isang kulay mocha na square neck ruffle dress na han