Share

Epilogue

Alam kong ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko tungkol sa bagay na ‘to. Bakit nga ba ako nandito? Bakit kailangang ako? Ako talaga? Mababago ko pa ba ang kapalarang ngahihintay sa akin sa hinaharap? Pero habang mas tumatagal ako rito sa mundo nila ay tila unti-unti ko nang nasasagot ang mga katanungan sa isip ko pero hindi pa rin malinaw para sa akin. Siguro nga gaya ng sabi ni Jason at Ash na alam ko na ang sagot sa katanungang, “Sino ang itinakda para sa akin?” at siguro ayaw ko lang tanggapin ‘yon sa sarili ko dahil nga tingin ko ay napakalabong mangyari. Pero totoo naman kasing malabong mangyari iyon, siguro para sa kanila hindi malabong mangyari na siya nga ang itinakdang bampira para sa akin. Ako lang talaga siguro ang nag-iisip na impossibleng siya iyon. Pero kailangan ko iyong tanggapin dahil iyon ang katotohanan. Kaya siguro hindi ko pa tinatanggap ang katotohanang iyon ay dahil kailangan ko munang kumpirmahin talaga. Ang tanong ay… Paano ako makakasiguro na tama nga an
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status