Share

Chapter 4

Chapter 4- The Mall

Clea POV

Iyak ako ng iyak dahil sa mga kaunting natamo nina kuya

Mga gas gas lamang iyon pero ako parin ang may kasalanan kung bakit sila ng kaganto

10 pm na ng maka uwi sina kuya galing sa pakikipag away

May naamoy rin ako sa kanila na amoy alak

Gulat ako nang makita ang mga kasama nilang mga lalaking nakipag away rin kanina

Nasa tansiya ko ay nasa mga 30 na katao ang mga naritito

Napakarami talaga nila nag kukumpulan sa labas ng dorm para lang kamustahin sina kuya

Agad naman pinaalis ni kuya Cleon ang mga lalaki. Agad naman nag sialisan ang mga iyon

"Nako kanina pa iyak ng iyak ang kapatid niyo" sabi ni Kai kina kuya

"I'm sorry, hindi ka namin nabantayan ng maayos" sabi ni kuya Cleon at niyakap ako

"Kuya, ang dami mong mga gasgas sigurado kabag ayos kalang? Mukha kasing masakit iyan" sabi ko at itinuro ang mga gasgas sa ibat ibatmg parte ng kanyang katawan

"Ayos lang ako wag mokong alalahanin Clea" sabi pa niya at ginulo ang buhok ko

"Maaga tayong aalis bukas" naka ngiting sabi sakin ni kuya Cleo

"Bakit kuya saan ba tayo pupunta?"

"Secret" sabay sabay na sabi nilang lahat

Pinaninkitan ko sila ng mata dahil sa sumi-secret na sila ngayon ah

Maaga nga kaming natulog dahil sa sinabi samin ni kuya

Nag sorry rin ako dahil sa biglang pag hila sakin at sa pagsama roon sa isang lalaking diko naman kilala

Mukhang kilala iyon nina kuya dahil sa malulutong na mura ang ibinigay nila doon sa lalaking ng hinasakin

At ang tungkol kay Hans hindi na sila ng salita tungkol roon. Pero nakakapag taka lang ang pag ngisi niya kanina napa ka creepy sa totoo lang

***

"Clea gising na" rinig kong sabi sakin ni kuya Cleon habang niyugyog ang aking balikat

"Hmmm, kuya bakit?" Tanong ko kahit naka pikit pa ako ay alam kong nandito pa siya sa loob ng kuwarto habang ako naman ay yakapyakap ang unan

"Gising na mag tatanghali na, Hindi ka ba sasama sayang naman, tsk, Aalis pa naman tayo" rinig kong sabi ni kuya at tinapik tapik na ang ulo ko para magising

Agad na akong bumangon dahil sa sinabi niya

Oo nga pala aalis nga pala kami. Maaga raw kaming aalis, at na excuse na ako nina kuya sa mga Teacher's ko

Ngayon rin kasing araw na to ay wala si pinuno, Kaya napag pasyahan nina kuya na ngayong araw na to ay susulitin namin

Pag tayo ko ay ng inat na akong mga buto

"Dalian mo Clea at kapag ikaw ay mabagal iiwan ka na namin dyan" sabi ni kuya at lumabas na ng kuwarto

"Oo na kuya basta hintayin niyo ko" naka ngusong sabi ko

Mabilis rin akong natapos sa pagligo naka pagbihis na rin na ako kaso ang kulang nalang ay ang wig tuwing gabi ay tinatanggal ko ito dahil sa hindi ako kumportable tuwing matutulog

"Kuya palagay na nito" sabay abot ko sa kanya ng wig

Agad naman niya inilagay ito at sinuklay suklay para maging maayos naman

"Tara na" excited na pag kakasabi ko at hinila pa ang mga braso nila palabas ng dorm namin

Isang t-shirt na malaki at isang black na short. Short na na hanggang ubabaw ng tuhod

Nadadaan pa namin ang iilang mga istudyanteng papasok sa paaralan akmang dadaan na ako sa may Short cut ng hablutin ni kuya Cleon ang braso ko

"San ka pupunta?" Takang tanong niya sakin at inakbayan ako

"Sa Short cut" sagot ko at tinangala siya dahil sa tumatawa siya hindi lang siya kundi sina kuay Cleo at sina kai rin

"Short cut yon pag papasok sa school, pero pag palabas ng dorm dito ang daan" sabay turo sa isang daanan na sa tingin ko ay palayan hindi pala palayan kundi gilid ng palayan

Sakto naman ang isang kotse rito pero one way lang ito

Hanggang sa mapunta na kami sa isang van. Ang pag kakaalala ko ito yung van na sinakyan namin noong nag punta kami rito

Kaya naman sumakay na kami katabi ko ngapala si kuya Cleon sina Jl at Kai naman ay nasa harapan si Kuya Cleo at si Migz naman ay sa likod

Habang umaandar ang sasakyan ay tumitingin tingin lang ako sa bintana

Talagang nasa palayan pala ang school na namin

Halos lahat naman yata ng school eh nasa malapit na palayan

Pero depende parin ito sa school na pinapasukan.

Ilang saglit lang ay bigla itong huminto sa di kalayuan. Kaya agad akong napalingon kina kai biglang silang bumaba ng sasakyan may inabot saakin si kuya na isang paper bag

"Suotin mo yan" yon lang ang sinabi niya at sinarado na ang pinto ng van

Inis kong sinunod ang sinabi ni kuya

Pag bukas ko ng paper bag. Ay kinuha ko ang isang white t-shirt na damit at isang jumper na dress

"Kuya tapos na ako!" Malakas na sigaw ko ng matapos na akong makapag bihis pero ganon nalang talaga ang pag ka inis ko dahil sa ang laki ba naman ng jumper na dress na to

"Oh" sabi naman nina kuya Cleo "sakto lang naman pala sayo" biglang sabi ni kuya at mahinang tumawa

"Kuya Cleon oh si kuya" pag sumbong ko dahil tinatawanan ako

"Mukha kang manang" mas lalong humagikgik si kuya Cleo dahil sa sinabi ni Migz

"Kuya si Migz oh!" Sabi ko

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mukha nga naman akong manang sa suot ko

"Ayos na yan, yan lang nabili namin ng kuya mo" sagot ni kuya Cleon

Yumakap naman ako sa kanyang bisig "pero kuya tinatawan ako ng kambal mo" sabi ko maging siya mahinang natatawa

"Pag tiisin mo nalang yan mamaya papalitan nalang natin yan"

***

"Ohh yeah!" Sunod sunod na sabi namin nina kai At Migz ng maka pasok na kami ng mall. Sina kuya naman ay tuwang tuwa rin na naka tingin sakin

"Kuya heto ba surprise niyo sakin, thank you" masayang sabi ko at niyakap silang dalawa

Niyakap rin nila ako pabalik "hindi pa yan ang pinaka surprise namin sayo" naka ngiting pag kasabi ni kuya Cleo

Hinila kami ni kuya Cleon papunta sa isang national book store. Pag katapos sa national book store ay sa isang kainan naman kami ng punta

Halos lahat ng babae ay naka tingin kina kuya. Grabeng ka gwapo naman kaya ng mga kasama ko kaya sila tinitignan ng magagandang babae

Naiwan lang ako saglit dahil sa may tumawag kay kuya Cleon si kuya Cleo naman ay salubong ang mga kilay habang naka tingin sa di kalayuan

Lumapit ako kina kai "Kai, anong tinitignan ni kuya?" Tanong ko sa kanya

"Baka mga babae" mabilis naman silang nag tawanan dahil sa sagot ni JL

Tinignan ko sila ng masama dahil sa mga pinag sasabi nila. Inabutan naman ako ni Migz ng isang milkshake

"Thank you" naka ngiting sabi ko inabot niya rin yung milkshake nina kuya kaya agad ko itong kinuha

Lumapit na saamin si kuya Cleo "Cleo bat ganyan mukha mo? Dika ba naka score" sabi ni Kai at malakas na tawanan ang tatlo

Pekeng ngiti ang ibinigay ni kuya sa tatlo at malakas niya itong pinag papalo gamit ang isang flyer na ibinibigay ng isang babae

"Kuya" suway ko sa kanya "baka sa pag palo mo sa kanila maapektohan ang utak nila" sabi ko

"Yun nga gagawin ko para maapektohan utak nila" inis na sabi niya at malakas pa niyang pinapalo ang flyer na hawak hawak niya

Habang ako tamang s****p lang sa aking milkshake

Napatingin ako sa lalaking kausap ni kuya Cleon naka talikod ito habang kausap si kuya. Halata sa mukha ni kuya na malungkot ito habang ang lalaking naka talikod at kausap ni kuya ay mataas at malaki ang katawan nito

Pag s****p ko ng milkshake ay may bilog? Yelo? Pero hindi naman to yelo. agad kong itong nailuha at inilagay ito sa kamay ko

Ganon nalang ang pag ka gulat ko ng makitang may tae? O sago?

Itim ito bilog na bilog jusmiyo parang tae ng kambing

Agad akong pumunta kay kuya Cleon para sabihin ito sa kanya. Pag lapit ko ay ganon nalang ang pag ka gulat niya sakin ng makita ako "kuya jusmiyo tignan mo ano to? Tae ba to ng kambing?" Sabi ko at ipinakita sa kanya ang bilog na itim na nasa kamay ko

Napa ubo ubo naman siya sa mga sinabi ko. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga "kausap ko si Pinuno" ang salitang binigkas niya ay ang nag pa tigas ng aking buong katawan dahan dahan pa akong humarap sa kaninang kausap niya

Jusko po ang kausap ni kuya ay si Pinuno!

Kagat kagat niya ang kanyang pang ibabang labi habang nakatingin sakin "That's not poop" natatawang sabini pinuno "its pearl o tawagin ay sago"

Napatanga nalang ako dahil sa sinabi niya. Grabe seryoso ba to tuwing tumatawa siya mas nagiging gwapo siya nalagpasan na nga niya ang mga anime na mga pinapanood ko

"Wag ka nga tumawa" biglang sabi ko

Nako Clea lagot ka. Bakit ba naman kasi biglang lumabas yon sa bibig ko

Biglang nag bago ang mukha niya nag salubong ang kilay ang mga mata niya ay naging matatalim parang mas lalomg bumigat ang pag hinga niya dahil sa sinabi ko

"What" sagot niya sa sinabi ko

Maging si kuya nabigla sa sinabi ko kay Pinuno. Ano bang gagawing kong palusot

"Kase ang pogi mo pag tumatawa ka" nag kanda utalutal pa ako sa mga sinabi ko para lang maka lusot

Hinila ko naman ang braso ni kuya Cleon "kuya umalis na tayo dito" bulong na sabi ko sa kanya

"Cleon my friend kamusta ka" isang lalake ang biglang sumulpot at niyakap si kuya

"Yeah, kamusta?"

May kasama pa itong tatlong lalake na nasa likod at gilid lang ni Pinuno. Kayabi ni pinuno si James at may Dalawa pang hindi ko kilala

Wala na akong nagawa kundi ang yumuko nalang at pag laruan ang tae ng kam-este sago ng milkshake ko huhuhuhu

Sunod rin lumapit sina kuya Cleo kasama sina kai. Gulat rin sila ng makita si pinuno

Palihim kong tinignan si pinuno kung ano ang ginagawa niya. Pero ganon nalang ang gulat ko ng makita siyang naka tingin sakin naka naka ngiti nag tama pa ang paningin namin pero agad rin itong umiwas

Pumunta nalang ako sa likod nina kuya kung saan naroon sina Kai, Jl at Migz

Lumapit naman sakin si Migz "Masarap ba milktea mo?" Tanong nito sakin

Milktea?

"Anong milktea? Baka milkshake kamo" sagot ko sa kanya "atsaka bakit ganon may tae ng kambing? Pero sabi ni pinuno sago raw to" mahinang sabi ko dahil baka may maka rinig sakin

"Pffftt" malakas na itong tumawa pinipigilan pa niyang tumawa hah isususmbong kita

Hinila hila ko ang laylayan ng damit ni kuya dahil sa nandito kami sa likod niya "Kuya Cleo paluin mo nga yang si Migz" inis na sabi ko

Tinignan naman niya ng masama si Migz dahilan para tumahimik ito

Bigla nalang sumulpot ang isang lalaki na kayakapan ni kuya kanina "Hi Miss, Ang ganda mo naman, anong pangalan mo?" Naka ngising sabi ng isang lalaking kasama nina Pinuno

"Lei!" Biglang sabi ni kuya Cleon. Agad kaming napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya "Lei ang pangalan niya"

Lei, brrshhh dami naman pangalan na ibibigay bakit lei pa talagang sinakto pa ni kuya sa kaklase kong bida bida noon

"Oh, Lei nice name, I'm Darwin" pag papakilala nitong lalaking to

Pinaka titigan ko ang lalaking darwin ang pangalan para kasing pamilyar ang mukha nito sakin

Pinaningkitan ko siya ng mata hanggang sa "Ikaw!" Halos pa sigaw na pag kakasabi ko sabay turo sa kanyang pag mumukha

"Kilala mo?" Biglang bulong sakin ni Jl

Umiling lang ako "hindi eh, pero siya ang tumulak sakin kaya ako ng kapasa sa tuhod" mahinang sabi ko sa kanyan

Agad namang napa lingon sina kuya dahil sa sinabi ko

"Bakit hindi na lang kayo sumabay sa amin? Sakto at papunta kami sa restaurant ni lola"

mapa tingin kaming lahat kay pinuno dahil sa sinabi niya

Restaurant? Ng kanyang lola

Wow big time pala tong si pinuno

"Ikaw miss Lei sama ka samin" naka ngiting sabi ng kasama ni darwin. Ito tong lalaking to ang nag utos na itulak ako

Sinamaan ko lang siya ng tingin at lumapit na kay kuya Cleon

"Don't worry its my treat"

"Sama na tayo, gutom na ako" biglang sabi ni kuya Cleo

Abay patay gutom talaga tong si kuya

Napa buntong hininga nalang si kuya Cleon. Wala na kaming magagawa kundi ang sumama dahil may isa akong kuya na patay gutom

Pilit kong iniiwas ang mga tingin ko kay pinuno dahil lagi itong naka titig saakin

Ano bang problema niya

Hindi kaya nakikilala niya ako bilang Clea

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status