Share

Chapter 5

Chapter 5- Chinese Restaurant

Clea POV

Lumabas kami sa mall at papunta sa parking lot kung saan naroroon ang mga sasakyan na daladala nila

Si James at si Pinuno ay may sariling dalang sasakyan. Sina Darwin at iyong Justine na nag tulak at nag utos na itulak ako ay nakisabay doon sa isa pa nilang kasama na diko kilala

At kami naman ay sa van kung saan kasya kaming lahat kina kuya

"Kuya hindi ba nakakakahalata si punino kasi-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng putulin niya iyon

"Hindi iyon makakahalata hanggat gamit mo ang pangalan na Lei" kalmadong sabi niya

***

Wala na akong ibang ginawa kundi ang pag laruin ang tissue na nandito sa lamesa namin

Habang sina kuya ay may hawak hawak na menu at pumipili ng kanilang oorderin

Naka order na rin ako at hinihintay ko nalang ang pag kain ko at nina kuya para sabay sabay kaming kakain

Pero ganon nalang ang gulat ko ng napa karaming order ang inihapag sa lamesa namin. Halos tatlong waiter Tiyak na order lahat to ni pinuno dahil sa sinabi niya sa isa sa mga waitress na nag bigay ng mga menu sa amin

"here are all your orders sir" saad ng waiter kay pinuno. Humarap naman ang waiter ito kina kuya "have you ordered yet sir? can i take what you ordered?" Magalang na tanong niya kay kuya

Ipinakita naman ni kuya ang kanyang menu at pinag tuturo ang mga napili niyang order. Ganon rin ang ginawa ng kambal niya

"Hindi niyo ba kasama si Clea?" Biglang tanong ni James sa amin

Luh bakit niya ako hinahanap?

Napahinto sina kuya dahil sa tanong ni James

"Who is Clea?" Biglang tanong rin ng isa sa mga kasama nila

May narinig naman akong tumawa "lagi ka kasing wala Andreas kaya dimo na nakukuha ang mga bago sa school!" Sabi ni Darwin sa pangalan na Andreas

"Clea" bigkas niya sa pangalan ko "tangina may nakapasok na babae sa University!" Gulat na Biglang sigaw niya

Naibaba ko nalang ang mga kamay ko at ipinatong iyon sa aking hita. Bakit napa ka big deal naman yata nila sa mga babae

Ibinaba rin ni kuya Cleon ang kanyang kamay at hinawahan ng mahigpit ang aking kamay. Kaya naman napa tingin ako sa kanya seryoso lang siyang naka tingin sa Andreas. Tinignan ko rin si kuya Cleo na katabi lang niya masama naman ang tingin niya kay Andreas

"She's not a woman because Clea is a boy" agad rin nawala ang mga tingin nina kuya kay Andreas at napunta iyon kay Pinuno maging ako rin ay napatingin rin sa kanya "Kumain na tayo dahil gutom na ako" wala ng nagsalita pa sa amin dahil sa sakto namang nandito na ang naiorder nina kuya

Halos tatlong lamesa ang pinag sama sama nila para lang mag sama sama sila mag kakaibigan

Ang pwesto namin ngayon ay

Darwin Justine Pinuno James Andreas

Cleo Cleon Clea Kai JL Migz

Mag kakaharap lang kaming lahat pero bakit ganon nalang ang felling kong may naka masid sa akin

Palihim ko silang sinusulyapan mula kay kai, kina kuya, Jl, at kay Migz. Pero hindi sila na ka tingin sa akin

Sunod ko namang hinarap ang mga nasa harapan mula kay Pinuno, na tahimik lang kumakain. Kay James na naka harap sa kanyang cellphone habang kumakain. Kay Andreas na nakatingin sa ibang lugar ng restaurant na ito. Kay Justine na kumakain rin. Kay Darwin na-

Halos ma gulat ako ng makita siyang naka tingin at naka ngisi sa akin

Ang manyak huhuhuhu

Napa ka manyak ba naman kasi ng tingin niya sa akin. So totoo pala ang feeling ko na may naka tingin sa akin

"Napa ka ganda mo naman Lei" biglang bigkas niya

"Mambabae ka na naman niyan darwin" natatawang saad ni Justine

"Crush lang konti" masayang sabi niya at kumindat sa akin

Rinig ko naman ang pag labas ng hininga nina kuya halatang nag pipigil lang ang mga ito

"Biro lang Kambal!" Natatawang sabi ni Darwin kina kuya ng makitang niyang masama ang tingin ng kambal sa kanya

"Ka ano ano mo ba sila?" Seryosong tanong ni Andreas sa akin "Alam mo bang parang pamilyar ka sakin hindi ko lang alam kung saan kita nakita"

Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi niya "ah a-ano kase, paano mo naman ako m-makikita eh minsan lang akong lumalabas ng bahay namin" nauutal na sabi ko sa kanya "ngayon nga lang ako naka labas labas dahil puro aral ang inaatupag ko" pag sisinungaling

Wow puro aral ang aatupagin? Haha baka sa susunod niyan puro cellphone nalang ang atupagin ko. Pero siyempre hindi ko yon gagawin kailangan kong bumawi kina kuya

"Kaano ano mo ba sina Cleon?" Naka cross arms pa ito at naka dandal ang likod niya sa sandalan ng upuan

Ako'y naiinis sayo Andreas

Biglang tumayo si kuya Cleo at lumapit sa akin mula sa aking likod ay hinawakan niya ang aking dalawang balikat "Dahil kapatid namin siya" titig na titig lang itong si Andreas sa aming dalawa

"Ano bang problema Andreas at bakit ganyan ka sa kapatid ko" medyo may pag ka diin ang pag kakasabi ni kuya kay Andreas

"Kuya ano ba tama na" pag papakalma ko sa kanya

Tumingin naman ako kay Pinuno pero wala lang siyang ginawa kundi ang tumingin lang kina kuya

Anong klasing Pinuno ba to at bakit ganito lang

Tumingin ako kay Andreas tahimik na ito at nag lalaro sa kanyang cellphone. Nag hihinala ba tong lalaking to pero bakit at saan?

Di pa nga ako nakaka move on kay Hans dahil sa biglang pag ngisi niya kahapon tapos ito ring lalaking to dadagdag pa

Tumahimik na nga itong si Andreas at nginitian naman ako ni kuya at bumalik na sa kinauupuan niya

Pinag patuloy namin ang pag kain at may pinag uusapan sina kuya ng kung anong hindi ko naman maintindihan

May isang matandang babae ang pumunta sa amin sa hindi ko pag kakamali eh nasa 60 years old na itong matandang babae na ito

Biglang tumayo si Pinuno at humalik sa pisngi ng matanda. Ganon rin ang ginawa ng matanda at hinalikat si pinuno sa pisngi at pinangihilan niya ito sa pisngi

"members here is my grandmother" pag papakilala niya sa kanyang lola

Teka lola pala niya kalako kung ano na. Teka bat naman ako mag iisip ng ganon ayy nako Clea

"Hello mamita" sabi ni kuya Cleo at kumaway pa

"Hello boys" pag bati naman niya at napa tingin sa amin "kamusta kayong lahat boys?" Sabi ng kanyang lola at tumingin sa akin titig na titig ito sa akin "At sino naman itong magandang babaeng ito at bakit napakaganda niya?" Naka ngiting tanong niya saakin

Ano daw

O_o

Maganda ako

Nahihiyang kumaway ako sa kanya "H-Hello po" pag bati ko sa kanya

Umayos ako ng pagkakaupo dahil sa tumingin si Punino sa akin. Ano ba naman yan bakit ganon siya maka tingin nakaktakot. Umiling naman si Pinuno at may sinabi sa kanyang lola

Tumayo sina James at Andreas para umusog dahil sa tatabi ang lola ni pinuno sa kanya

Hindi na ako nakinig pa sa mga kuwentuhan nila dahil

Wala. Akong. Maintindihan.

Joke lang sa totoo lang nahihiya ako dahil sa panay ang tingin nila pinuno saakin at lalong lalo pa ang kanyang lola

Pero siyempre pag kinakausap ako ng lola ni Pinuno ay sumasagot ako at siyempre kailangan magalang

Kumain nalang ako dahil sa ang sarap ng mga pag kain. Iba iba ang mga pinag kukuwentuhan nila minsan tungkol sa school minsan sa isang mga babae na lalong nag kakainteres si Kuya Cleo

"Anong pangalan mo hija?" Biglang tanong ng lola ni pinuno

"L-Lei po" sabi ko

"Ang ganda ng pangalan mo hija"

Maganda hayy nako sina kuya talaga kung malaman lang nila na sa Kaklase kong bida bida tong pangalan kong to

"Salamat po"

"Pweding tawagin mo nalang akong Mamita" sabay kindat sa akin

Nahihiya ko siyang tawagan na mamita "Sige po Mamita"

May mga ikinuwento naman siya tungkol kina kuya na talagang ikinatuwa ko pang lalo

Nalaman kong kinupkop pala nina pinuno sina kuya dahil sa napaalis ito sa dating school na pinapasukan nina kuya at pinag aral doon sa Falcon University

Doon rin nag simula ang kanilang pag kakaibigan

Mukhang napa haba yata ang kuwentuhan nila dahil sa mag hahapon na nga't nandito parin kami

"Mamita pag pasensiyahan niyo na kailangan na namin kasing unalis eh, May mga pupuntahan pa kami para masupresa itong si Lei" biglang sabi ni Kuya Cleo

"Ayy ganon ba, napahaba ang kwentuhan natin ngayon boys"

"Oo nga mamita, sa susunod ulit" biglang sabi ni kuya Cleon at tumayo na kaya nag sitayuan na kami

"Nako Lei sana'y makita pa kita ulit para makapag kuwentuhan, at para narin masabi pa ang maraming kakulitan ng mga kuya mo"

"Hehe oo nga po eh sana po mag kita pa po tayo" naka ngiting sabi ko sa kanya

Bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit "alam mo parang bagay kayo ni Kenzo" sabay hila sa braso ni Pinuno at tinapik tapik pa niya ang balikat nito "Itong apo ko" napapailing nalang si Pinuno sa mga ginagawa ng kanyang lola. Kinurot naman ng kanyang lola ang kanyang pisngi dahilan para kumalat ang kanyang mukha

Natawa nalang ako dahil sa para siyang Siopao

Ano kayang magiging palaman niya haha

"Mamita naman" biglang sabi nina kuya kay Mamita

"Nako eh, dalaga't binata na kayo kaya mapupunta rin sa ganyan ang buhay niyo" sabay lapit sakin at inayos ang buhok ko

"Sige na po mamita aalis na po kami" pag papaalam ko "ba-bye po" at kumaway sa kanilang lahat lalong lalo na kay pinuno at binigyan ko siya ng simpleng ngiti

"AHHH! Shit! Muntikan na tayong lahat doon!" Biglang sigaw ni kuya ng maka sakay na kami ng van

Grabi naman ang tatlo kung maka tawa parang wala ng bukas "Hoy! Kai bat ba kayo tumatawa?" Inis na tanong ko sa kanila at umupo na

"Akalain mo yon inirereto na ng lola ni pinuno ang apo niya haha" malakas siyang nag tawanan

Humarap naman ako kay kuya Cleo dahil si Kuya Cleon ay gigil na gigil sa pag pindot sa kanyang cellphone

"Kuya Cleo, ano paba yong mga surprise mo, marami paba? Ano, saan tayo pupunta niya" tanong ko

"Ma lalate lang tayo ng uwi niyan"

Yon lang ang isinagot niya at umandar na ang van

Ang saya saya ng mga pinuntahan namin halos lahat ng mga palaro rides ay sinakyan namin

Amusement park daw ang tawag doon

Pinaka arte pa nila eh ang tawag lang namin doon eh perya lang naman sa baranggay yan

Marami rami rin ang mga sinubukan naming mga pagkain pero hindi ko parin makalimutan ang mala Siopao na mukha ni Pinuno tuwing naiisip ko iyon ay natatawa nalang ako

"Anong klasing ngiti iyan Clea?" Biglang tanong sakin ni kuya Cleon at inakbayan ako

Nag lalakad na kami papunta sa Dorm namin. At heto back to boy na naman tayo

Napahawak nalang ako sa aking labi na hindi ko pala alam na naka ngiti pala ako "Ha?" Kunwaring hindi ko na rinig ang sinabi niya

"Ang sabi ko, Bakit ganyan ang ngiti mo Clea? May nag papangiti na ba sayo?"

"Ano? Kuya! Naka ngiti lang eh may nag papangiti agad" sabi ko sa kanyang. Nakita ko naman sa mata ni kuya na may iniinda itong sakit. Sakit na baka meron na ngang nag papangiti sa akin

"Ano! May nag papangiti na sa baby girl namin!" Gulat ako ng humarang si Kuya Cleo sa nilalakaran namin ni Kuya Cleon

"Napa isip lang ako bigla" biglang sabi ni Migz na ikinahinto naming lahat "Tama ang sinabi ni Mamita kanina na, sa darating ang araw na may. Alam niyo na ang ibig kong sabihin" paliwanag niyang kina kuya

"Bobo! Bakit hindi mo kasi sabihin na darating ang araw na maghihiwalay silang mag kakapatid kapag may mga asawa na sila" sabi naman ni Kai na medyo pagewang gewang na naglalakad inaalalayan lang ito ni JL medyo nahuhuli sila sa pag lalakad dahil ang liit ng mga paa ni kai

"Tsk! Bobo karin ang ibig kong sabihin ay iyong sinabi ni Mamita kanina na Boyfriend at Girlfriend!" Sigaw naman niyong isa

Nag palitan sila ng malulutong na mura. Si Jl naman ay ayun at pinapahinto na sila dahil sa sigawan na sila

Pero pag tingin ko kina kuya ay malungkot ang kanilang mga mata "Kuya, hindi naman ako mag Bo-Boyfriend eh at saka wala pa akong balak na mag ka Boyfriend" paliwanag ko sa kanila

"Talaga?" Biglang naging maamo ang itsura ni Kuya Cleo at napa nguso

"Oo naman kuya at saka nangako rin ako sa sarili ko na babawi ako at tutulungan ko kayo"

"Bakit ka naman babawi?" Nag tatakang tanong ni kuya Cleon sakin at nag pa tuloy sa pag lalakad

"Ehh kasi kuya hindi naman tayo masyadong nagkakasama lalo na sa mga nangyari noon" malungkot na sabi ko dahil sa bigla kong naalala ang mga magulang namin

Si Papa ay namatay na maging si

Mama rin. Ang ikinamatay naman ni Papa ay ang pag ka lunod sa isang ilog may bagyo noong nangingisda sila tumaob ang bangkang sinasakyan nila dahil sa malalakas na mga alon. Si Mama naman ay inatake sa puso dahil sa hindi pagtangap sa pag kamatay ni Papa

Kaya ayon napunta kami kay Tita Wen Wen na kapatid ni Mama

Biglang ginulo nina kuya ang buhok ko "Hindi mo dapat gawin iyon kami daoat ang gumawa non dahil sa bigla ka nalang namin iniwan na akala namin ay nasa maayos na kamay ka pero dapat kami parin ang gumawa non ok" na ka ngiting sabi ni kuya Cleon

"Ang sweet naman ng mga kuya ko" sabi ko at sabay yakap sa kanilang dalawa

"Ano bang klasing drama yan!" Bigkang sigaw ni Kai sa amin at pagewang gewang na pumunta sa amin "nag gro-group group hug kayo pag katapos ay hindi niyo kami isasali dyan" lasing na nga itong isang to inakbayan naman niya si Kuya Cleo at ako "group hug!" Sigaw niya at nakisali naman sina Jl at Migz

Ngayon lang ako nag karoon ng ganto at susulitin ko na ito dahil sa baka sa susunod ay mawala ito

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status