Share

Chapter 3

Chapter 3- Clea In Danger

Clea's POV

Titig na titig lang ako kina kuya at pinuno na pilit akong pinag hihilahan

"Kenzo bitawan mo na siya" halata sa pananalita ni kuya na nag pipigil ng galit

"Do you know what you are saying Cleo?" Tanong ni pinuno kay kuya na mas lalong nag papawis sa kanya

"Kenzo kahit mag kaibigan tayo—" hindi na natapos ni kuya ang sasabihin niya ng mag salita si pinuno

"Just kidding" sabi niya at binitawan ang braso ko na namumula na

Agad naman akong hinila palabas ni kuya sa office na iyon at naiwan sina pinuno at ang mga kasama ni kuya

"Ano bang pumasok sa isip mo at pumasok ka don!" Gigil na pag kakasabi ni kuya

"Clea! OMG!!!!!!! Fafa Cleo!"

Na daan namin sina Badang at Hans na gulat na gulat ng makita ako? O si Kuya dahil sa biglang tumili itong si Badang

Salubong ang mga kilay ni kuya habang naka tingin kina badang at hans

"Fafa Cleo ayos kana ba?" Tanong ni Badang kay kuya at hinawakan pa ang braso ni kuya

Si kuya naman ay napalayo at itong si badang naman ay kinikilig pa

Napa tingin naman ako kay Hans na tahimik lang naka tingin kay kuya humarap ako kay kuya at matatalim na tingin ni kuya kay Hans

Lalong humigpit ang pag kakahawak ni kuya sakin "aray masakit" inda ko agad naman niyang binitawan ang kamay ko titig na titig lang ako kina Hans at kuya dahil sa sobrang tahimik nila at ang sasama pa ng tingin nila sa isat isa

"Hmm, fafa cleo ang bango bango mo" napatingin kaming lahat kay badang ng sinabi niya iyon

"What the- lumayo ka!" Sigaw niya kay badang kaya naman agad ko siyang pinalo at tinignan ng masama humarap siya kay Hans "Hindi pa tayo tapos" sabi niya sa harapan ni Hans

Hinila niya ako paalis sa kinaroroonan nina Hans at Badang. Narinig ko pang tinawag kami ni Badang, Mag sasalita pa sana ako para sana sagutin si badang ng malakas niya akong hinila "kuya masakit nasasaktan na ako" sabi ko sakanya

Dahil sa pag kaladkad niya sakin ay napunta kami sa may pinaka gilid ng school walang masyadong mga istudyanteng naka tambay dito

"Clea lumayo ka kay Hans" sabi niya sakin at kinikiskis ang kamay niya sa mga namumula kong mga balat "Ako na ang nakikiusap Clea, layuan mo si Hans" seryosong sabi niya

"Bakit naman kuya? Mabait naman si Hans eh pero tahimik lang pero si badang nako kuya ang daldal pero beki nga lang" pag kuwento ko sa dalawa

"Nasa mataas na posisyon si Hans at baka may gawin siyang masama sayo" tumigil na muna na siya at tumingin tingin sa paligid titig na titig siya sakin at inayos ang buhok kong peke parang kaibigan kong mga peke hahaha "Clea bakit ka tumatawa parang kang baliw" agad bigla nawala sa isip ko tong si kuya dahil sa sinasabi ko

"Wala" sabi ko at nag pipigil ng pagtawa "type ka ni badang kuya" kinikilig na sabi ko sa kanya

"Ano yung bading na yon!" Sigaw niya at tumango tango naman ako sa kanya "Hindi! Hindi pwede!" Sigaw niya "Ang makakakuha sa gwapo kong to iyong lalaking iyon!" Sigaw na naman niya

Mas lalo akong napa halakhak dahil sa reaction niya "Kuya parang ikaw pa yung mas beki eh hahaha"

Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya nag seryoso na ako "kuya sorry na" sabi ko sa kanya at ngumuso at kung ano ano pang pa cute ang ginawa ko

"Oo na sige na, pero bago yon akin na muna ang cellphone mo?" Gulat akong napatingin sa kanya at sa palad niyang naka lahad

Wala na akong nagawa at baka magalit pa fafa Cleo niyo agad naman niyang ibinalik ang cellphone ko pag katapos niyang pindut pindutin

*

Ano bayan kanina pa ako dito pero di pa ako nakakasakay ng elevator

Ang daming istudyanteng nag mamadali at hindi ako maka gamit ng elevator

At sa hagdan naman ayun traffic rin halos sabay sabay pinalabas lahat ng mag aaral dito

"Nako wala na ang beauty ko" naka simangot na sabi ni Badang habang nag papaypay

At ayon nga bago ako mag salita ay kailangan na munang matigas ang boses para mag boses lalaki ako

"Eh bakit ba tayo pinalabas? Ang init init pa tapos di pa tayo nakaka baba" sabi ko at kumapit kay badang para mahanginan sa pagpaypay niya

Bigla nalang silang nag tutulakan at nag mumurahan

"Aray ko" sabi ko at pinag pagan ang sapatos ko kumapit na ako sa bag ni badang dahil parang matutumba ako sa daming mga lalaki dito at ang init pa

Itong si badang naman ay tumitili pa "Ohh baby wag namang ganyan" sabi niya sa isang lalaking nasa harapan niya at kinindatan pa niya ito

"Yuck! Tanginang yan!" Sigaw ng lalaking kinindatan ni badang halos tawa ng mga kaibigan nito ang narinig namin dahil sa reaction na binigay niya

Biglang may humawak sa braso ko at dahil sa siksikan at halos mag kakapalit na kami ng mga mukha dito ay hindi ko nakita at ngayon ko lang napansin na hila hila ako ng isang lalaking naka facemask

Lahat ng nakakasalubong namin ay tinutulak niya kahit na siksikan na sige parin sa pag tulak sa mga lalaking nakaharang sa harapan namin

"Teka Sino ka?" Tanong ko sa kanya pero hindi itong sumagot matangkad ito at medyo kayumangi ang kulay ng balat niya "Saan mo ko dadalhin" tanong ko ulit sa kanya

Pilit kong hinihila ang kamay ko at pinag papalo ko na ito

Hindi pa nga nawawala ang pag kapula ng balat ko eh dadagdag na naman

"Hoy! Bitawan mo nga ako! Binge kaba! Hah!" Sabi ko at hindi naman siya na kinig

Ahh ganon ah lumapit pa ako lalo sa kanya at kinuha ang kamay niyang naka hawak sa braso ko at kinagat iyon

"Ahh! Shit!" Inda niya ng makagat ko na siya

Dahil don ay nabitawan niya ako at agad na akong tunakbo

"Tabe! Tabe! Tabe! Mag si tabe nga kayo!" Sigaw ko sa kanila at pinag tutulak silang lahat

Hanggang sa mapunta ako sa fire exit

Ang tanga naman nila pwede namang dumaan dito bakit nag papakahirap pa, At buti ay bukas to

Palinga linga ako nang makababa na ako at maka labas na

Pumunta nalang ako sa gilid nitong building na ito at doon ng habol ng hininga

Jusmiyo nakakapagod iyong namang lalaking iyon isusumbong ko siya kina kuya para malagot

Pero ganon nalang ang pag hinto ng hininga ko ng makita siyang naka tayo sa gilid ko at masama ang tingin sakin

"Hoy anong ginagawa mo hah!" Sabi ko sa kanya at tumayo lumayo ako ng bahagya baka bigla na naman niya akong hilahin "sino kaba! Parang ewan naman to oh! Naka facemask pa" sigaw ko

Tumabingi naman ang ulo at tinignan ako mula ulo hanggang paa "Get him" sabi niya at may dalawang lalaki ang humawak sa mag kabilang braso ko at dahil sa may pag ka tangkad sila ay na binitbit nila ako

"Ano ba! Sino ba kayo!" Sigaw ko at pilit na umaapak sa lupa dahil sa naka angat na ako

"Manahimik kana lang" saad ng isang lalaking bumibitbit sakin

Hanggang sa mapunta kami sa lumang basketball court kung saan ko nakita si kuya Cleo na nakikipag suntukan noon

Ang daming mga patak ng dugo na lahatang sariwa pa. Ang mga upuan na sira sira ay may mga dugo rin

Pinaupo nila ako sa upuan at ang bag ko ay hinila ng isa sa mga humawak sakin binalibag nalang niya bigla iyon at hinawakan ang panga ko

"Lahat nalang sinisira ng kaibigan mong mag kambal!" Gigil na pag kakasabi niya sakin

Lalo rin humigpit ang pag kakahawak saking panga halos ngumuso na ako sa harapan niya

May dumating pang mga lalaking may hawak hawak na mga kahoy na galing sa mga parte ng upuan

"Hintayin nalang natin ang dalawang kambal para iligtas ang kaibigan nila" naka ngising pag kakasabi niya at binitawan ako

Sina kuya ba tinutukoy niya sila lang naman ang kilala Kong kambal. Teka sinabi niya ba na kaibigan

Lumapit ang mga lalaki sakin at itinatapat sakin ang mga kahoy. Ang isa sa kanila ay itinutok sakin ang kahoy sa aking ulo habang nasa harapan ko siya ang dalawa naman niyang kasama ay nasa gilid lang

Napapikit nalang ako dahil sa ginagawa nila

Papaluin ba nila ako sa ulo pag katapos nilang gawin iyon ano ng next nilang gagawin

"Nako! Tsk tsk ang laki ng kasalanan ng kaibigan mo samin" anang ng isang lalaking

Sinamaan ko siya ng tingin "Sino ba ang tinutukoy mo hah!" Kunwaring hindi ko alam ang kanyang sinasabi

Ngumisi ng nakakaloko itong lalaking itong "Sino paba edi ang kaibigan mong si Cleo" nag tawanan ang mga nandito

"Tawagan niyo at sabihing nandito ang kaibigan niya" sigaw ng isang lalaking maraming hikaw sa tenga "Sabihin niyo nasa Hell of Court" umalis na ang lalaki at may mga dumating pang ibang pang mas maraming hikaw sa tenga

Hell of Court. Ngayon ko kang to narinig ah, at Hell of Court at lumang basketball court hindi ko sila gets

Habang ng kukuwentuhan ang iba pang mga lalaking nandito ay masama lang ang tingin ko rito sa tatlong lalaking nasaharapan ko

Paano ba naman kasi kanina pa niya pinag tritripan ang mga daliri ko sa kamay iniipin ba naman niya kaya ito Maging ang balat ko ay iniipit niya sa kahoy

"Ano ba! Di ka titigil!" Sigaw ko

Mukhang kumulo ang dugo nito dahil sa sigaw ko akmang mag sasalita siya ng may mag 'Hey' na sigaw

Napatigil ang lahat ng dumating si Hans

Anong ginagawa niya dito naka suot lang naman siya Jacket na kulay itim at saloob nito ay school uniform

"Lahat kayo umalis na" kalmadong pag kakasabi ni Hans sa mga lalaking naririto

"Hans, ano bang iniisip mo ha! Ano sa tingin mo paakawalan namin to!" Inis na sabi ng isang lalaki at lumapit sakin dali dali niyang nadakma ang leeg ko

Napa hawak nalang ako sa kamay niya na sakal sakal ang leeg ko

Biglang ng labas ng baseballbat si Hans at itinutoo sa amin iyon

Habang ako naman heto at pilit na tinatangal ang kamay ng lalaking to sa leeg ko

Naka ilang kurot at palo na rin ako sa kamay niya wala paring effect

Manhid yata ang isang to

"Ano to Hans! Pinag tataksilan mo ba ang Gang!" Sigaw ng isang lalaki lumait ito samin at tinabig ang kamay ng nag sakal sakin

Habol ko ang hiniga ko ng matangal na ang kamay ng lalaki

"Dahil ba sa kaibigan mo tong lalaking to!" Sigaw niya sakin sabay turo at dinuri pa ang noo ko

Abay sumosobra na tong lalaking to ah

Dahan dahan akong tumayo at malakas ko siya tinulak na ikinabagsak naman niya

Agad akong tumakbo paalis at pumunta kay Hans sa likod niya

Hinawakan naman niya ang kamay ko "ayos ka lang?" Tanong niya sakin Tumango lang ako bilang sagot sa kanya

Habang ang lalaking tinulak ko ay ayon galit na galit sakin

"Humanda ka saking bata ka!" Gigil na sigaw niya sakin

Lalo akong napa hawak sa braso ni Hans na ikinatingin naman niya sakin "papunta na sila" kalmadong pag kakasabi niya sakin

"Sinong papunta?" Kunit na noong pag kakasabi ko sa kanya

Bigla napatingin ang mga ibang lalaki sa kanan bahagi nila kaya napatingin na rin ako

Napa buka nalang ang bibig ko dahil sa nakikita ko sina kuya at ang mga kasama pa namin sa dorm ay nandito silang lahat

May mga kasama pa sila mga ibang lalaki na naka palibot na sa buong basketball court

May kanya kanya silang mga dala na mga armas

Ano to bakit ang dami nila

"Kung magagawa mong maka lapit ulit kay Clea!" Biglang sigaw ni Kuya Cleon sa lalaking tinulak ko

"Ku- Cleon" muntik na oo na muntikan kong matawag na kuya si Kuya Cleon

"Your friends are really different" napa tingin naman ako kay Hans dahil sa sinabi niya

"huh?" Takang tanong ko sa kanya

Ngumiti lang siya at hinila na ako palapit kung nasaan sina kuya may mga sumunod rin na mga lalaking mga kasama nina kuya para siguro hindi makalapit iyong mga kalaban

"Here he is safe and if you will be patient with what my cousin did" kalmadong sabi ni Hans at ibinigay ako kina kuya

"Pag pasensiyahan mo na ang pinsan ko" malungkot na sabi sakin ni Hans

Sinong pinsan ang tinutukoy niya

Humigpit ang pag kakahawak sakin ni kuya Cleo "Tantanan niyo na ang mga kaibigan ko layuan niyo sila Hans! Nakikiusap ako! Ako nalang at huwag na ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Clea"

Nakita ko ang pag ngising ni Hans ng pag katapos mag salita ni kuya Cleo

Ang creepy ni Hans lalo na ang pag ngisi niya kay kuya

"Kai! Umuwi na kayo at si Clea, ingatan niyo siya" pag katapos sabihin ni kuya Cleo iyon ay hinila na ako nina kai at JL paalis sa lumang basketball court na iyon

Pero bago pa ako, kami makalabas ay nakita kong ng si sugod sina kuya habang hawak hawak ang kani kanilang mga armas

"Teka teka sina kuya" mahinang pag kakasabi ko kay Kai

"Wala tayong magagawa kina bosing" sabi niya sakin

"Ngayon lang ulit ng laban ang Pearring Gang"

"Laban!" Gulat na sigaw ko

"Oo kaya kailangan na nating umalis dito bago pa tayo mahuli ng ibapang miyembro ng Pearring Gang" sagot ni JL

Hinila na nila ako paalis roon at hanggang sa mapunta na kami sa Dorm namin

Hindi ko mapigilan ang mapaiyak dahil sa pag aalaa sa dalawa kong kuya

"Shhh Clea uuwi rin yung mga yon" sabi sa akin ni Migs at pinapatahan na ako sa pag iyak "tahan na"

"Wag kanang umiyak magiging ligtas ang dalawang yon, magaling kaya silang makipag laban" sagot naman ni JL sakin

"Shhh tahan na" sabi naman sakin ni kai at inakbayan ako

"Kuuuyyyaaaa!" Malakas na sigaw ko at umiyak

Natataranta ang tatlo kaya naman ang isa ay kumuha ng tubig ang isa naman ay kumuha ng panyo ang isa naman ay cellphone ang inatupag ng lintik na si Kai

Bigla nalang tinakpan ni Kai ang bibigko kaya napatingin kaming lahat sa kanya

"Shhh" sabi niya at sabay dikit ng hintuturo sakanyang bibig na naka nguso "may paparating" sabi niya at sabay sabay kaming napa lingon sa pinto ng may kumatok

Dali akong hinila ni Kai habang ang dalawa naman ay biglang ng ayos ng gamit dito sa bahay

Napaunta kami sa kwarto namin nina kuya

"Ayusin mo ang mukha mo nandito si Pinuno" sabi niya at dalidali ko naman itong sinunod ko namna ang kanyang sinabi

Pag labas namin ng kwarto ay agad namin nakita si Pinuno kasama si James at may ipa bang mga kasama na nasa labas ngalang ang mga iyon

Akmang mag sasalita na ako ng biglang mag salita si Pinuno

"Where are the twins?" Tanong niya saamin

"Nasa laban Pinuno" sagot naman ni JL

"Sinong kalaban nila?" Kunot noong tanong samin ni James

"Ang Pearring Gang" sagot ko kaya lahat sila ay napatingin sakin

Titig na titig lang ako kay Pinuno habang pinipigilan ang maiyak

"Iuwi niyo na ang kambal" sabi ko lalo naman humigpit ang pag kakakapit sakin nina Jl at kai sa aking kamay "baka kung ano pang masamang mangyare sa kanila" sabi ko

Wala ni isang reaction ang ibinigay sakin ni pinuno

Tumalikod lang ito at umalis na. May mga pumasok na tatlong lakaki na may mga bitbit na mga plastic bag na puno ang laman

"Nandito na ang mga kakailanganin niyo para sa dorm na ito" sabi samin ni James at umalis na

Naka tingin lang ako sa tatlo habang sila naman ay naka ngising habang kinakalkal ang mga laman na plastic bag

Heto ba ang hinihingi ni kuya Cleo kay Pinuno kanina

Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako papalapit kina Pinuno

"What?" Tanong nitong lalaking saharapan ko

Lalong suminkit ang kanyang dalawang mata dahil sa ginawa niya

"Gusto lang mag pasalaman sa ginawa mong pag bigay ng pag kain samin" nag putol putol ang mga sinasabi ko dahil sa kaba ko "pero sana pahintuin mo na sina ku- esta sina Cleon at Cleo sa pakikipag basag ulo" sabi ko

"Inuutusan mo ba ako?" Nanlaki ang mga mata ko sa pag ka bigla dahil sa pananagalig niya

"Hindi"

"You're welcome" pag kasabi niya ay tinalikuran na niya ako

Gusto ko lang naman maging ligtas sina kuya pero parang may kakalabanin rin ako tulad nina kuya para maging ligtas lang ako

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status