Share

Chapter 2

Chapter 2 The Best Kuya's

Clea P.O.V

"James we're still talking" kalmadong sabi niya sa lalaking nangagalang james

Titig na titig siya sakin at bigla nalang siya bumuga ng hangin gamit ang bibig niya 

"James can i ask you something" biglang tanong niya sa James

"Yes Kenzo what's is it" tanong naman niya 

"If a boy if 'biglang tumili' what the meaning of that?" Napa nga nga nalang ako sa tanong niya 

Ngayon lang ng pumasok sa utak ko ang pag tatagalog at pag E-English niya 'biglang tumili' paulit ulit nasabi ng utak ko 

"Pfft" pigil tawa naman ang isinagot ni James sa pinuno na to 

"Kenzo marami ng beki ang nakakapasok rito eh sa malamang sa malamang katulad rin siya ng mga yon" pag kasabi niya at pag tango tango ang naisagot nalang nitong pinuno na to 

Nag iwas nalang ako ng tingin. Ano bang akala nila na bakla ako. Napapailing nalang ako apa ka weird ng school na to 

Napukaw naman ang tingin ko kay kuya Cleon na naka silip sa isa sa mga puno naka suot siya ng sumbrero na kukay itim at naka jacket pa 

Pa cool ang kuya Cleon ko ah 

Bigla siyang lumabas at pumunta sa gawi namin. Nag bow siya ng makita si Pinuno at tumingin sakin 

"How is your twin?" Biglang tanong ni pinuno kay kuya Cleon 

"Ayos na siya Kenzo ginagamot na yong mga sugat niya" sagot ng kuya Cleon at humarap sakin bigla nalang niya akong hinila at kinaladkad paalis roon

"Cleon did you know him?" Tanong niya kaya maging si James ay naka tingin samin 

"Kenzo" sabi ni kuya habang nasa likod namin iyong si Pinuno "Oo kasama siya sa isa sa mga kasama namin sa dorm" sabi niya at kinaladkad nanaman niya ako 

Hanggang sa maka rating nakami ng dorm. Nakita ko si kuya Cleo na hawak hawak ang ilong niya. Na pa tigil lang silang lahat ng makita nila kami 

Dali daling napatayo si Kuya Cleo at niyakap ako "Alam mo bang nag aalala ako sayo, kami ng kuya mo" sabi niya nag hiwalay na kami sa pag kayakap 

Inakbayan naman ako ni kuya Cleon at tipid na ngiti lang ang ibinigay sakin 

"Eh ikaw bakit ka nakikipag away!" Sigaw ko kay kuya Cleo ginulo lang niya ang buhok ko at hinila papunta sa mga kasama namin sa dorm na to

Inabutan naman niya ako ng isang buong manok oo buong buong manok

"Sorry na wag kana magalit" naka ngusong sabi ni kuya Cleo

"Tanginang yan"

Sunod sunod na maru ang narinig ko mula kina kuya Cleon at sa mga kaibigan namin 

Lumapit naman sakin si Kai at inabutan ako ng isang box ng band aid

Taka ko naman siyang tinignan dahil sa pag abot niya sakin ng band aid "bakit para saan yan?" Tanong ko 

Nginitian lang niya ako at hinawakan ang kamay ko inilahad niya ang palad ko at ipinatong ang box ng band aid

"May gasgas ka" sabay turo sa tuhod ko 

Ganon nalang ang pag kagulat ko ng makitang sira ang suot suot kong pans at dahil don ay nag karoon ako ng gasgas sa tuhod 

"Hala ngayon ko lang alam na may sugat pala ako" pag kasabi ko non ay biglang lumapit sakin si kuya Cleon at pinaupo ako tinignan tignan naman niya ang tuhod ko 

"Tumakbo kaba?" Tanong niya may inabot naman si kuya Cleo kay kuya Cleon 

Naalala ko bigla ang pagtulak sakin kanina ng isang lalaki 

"Clea" pag tawag sakin nina kuya 

Lahat sila ay hinihintay ang sasabihin ko 

"Clea" pag tawag ni nina kuya sa pangalan ko "may umaaway ba sayo?" 

Umiling ako at akmang mag sasalita na ng biglang mag salita si Migz

"Baka yung umaway sakanya yung mga kasama niya kanina" napatingin kaming lahat sa kanya 

Sina Badang at Hans ba ang tinutukoy niya

"Ano! hindi sila" mabilis na pag kakasabi ko dahil sa masama na ang tingin nina kuya sakin 

Ikinuwento ko naman sakanila ang nangyaring pagtulak ng lalaking yon at nung kasama niyang nag utos 

"Do you remember the faces of those two?" Tanong ni Kuya Cleon 

Umiling lang ako. Pero kapag talagang namukhan ko sila lagot sila kina kuya 

=

"Clea mag patulog ka" biglang sabi ni kuya Cleon

"Hindi ka maka tulog baby?" Tanong naman ni Cleo

Baby? Saan nakuha ni kuya yon 

Kanina pa ako pabaling baling sa higahan ko hindi ako maka tulog sina kuya naman sa iisang kama at mag katabi silang dalawa 

Ginamot nina kuya ang sugat na nakuha ko kanina

"Clea isang ingay pa" sita sakin ni kuya Cleon 

"Ehh sorry na di talaga ako maka tulog eh" sabi ko at hinila ang kumot hanggang sa matakpan ang ilong ko at mata nalang at ulo ko ang naka litaw

Biglang bumangon si kuya Cleon sa pag kakahiga at may inabot sakin 

Cellphone niya 

Tinuruan niya rin ako kung paano gamitin ito 

Tinuruan niya rin ako kung paano gumamit ng YouTube at Play Store

kaya heto ako nag mga Dress Up at make up na laro 

At kapag sawa na ay pupunta ng YouTube at manonood ng Tom And Jerry

Habang nanonood ay biglang nag iba ang screen nito 

Kenzo

Decline                    Accept

"Hala pano to" biglang sabi ko 

Kaya agad akong tumingin kina kuya ang lalim ng tulog ni Kuya Cleon pero nakita ko naman si Kuya Cleo na naka dilat ang isa niyang mata 

"Kuya" tawag ko napakamot nalang siya "ano to oh?" Sabay harap ng cellphone sa kanya dali dali naman siyang napa upo at nag punta papunta sakin pwesto 

Inagaw niya ang cellphone at itinapat sa tenga niya 

"Hello..... Ngayon ba yon? Kala ko bukas" natatawang sabi ni kuya Cleo "heto naman hindi mabiro..... Ahhh tulog..... Sige... Sige sige bye bye" ibinaba niya ang cellphone at humarap sakin "aalis na muna kami" sabi niya at niyugyog ang kakambal niya 

"Tangina—" napatigil sa pag mumura si kuya ng humarap siya samin "problema?" Tanong niya samin 

"Si Kenzo hinahanap na tayo" 

Kenzo? 

Ahhh iyong si pinuno 

"Bakit raw?" Tanong nito sa kakambal niya 

Ako naman nanakikinig habang naka higa 

"Ngayon ang birthday ni Mamita"

Mamita, sino yon? 

"Clea dyan kalang uuwi rin kami mabilis lang kami" biglang sabi nilang dalawa

Dali dali silang tumayo at nag ayos ayos

"Ehh kuya saan ba kaya pupunta?" Tanong ko sa kanilang dalawa 

"Sa birthday" mabilis na sabi mi Kuya Cleo

Dali akong napa upo sa pag kakahiga dahil sa sinabi niya "Talaga sama ako kuya" masayang sabi ko 

Nag katitigan naman silang dalawa "no, dito kalang" simpleng sagot ni kiya Cleon 

"Wag kang mag alala ipag babalot kita" sabay kindat sakin ni kuya Cleo

Hindi na ako lumabas ng bahay nang umalis sina kuya iniwan ni kuya Cleon ang cellphone niya para ipagpatuloy ang paglalaro at panonood

Minsan ay nakakatulog rin ako pero saglit lang iyon dahil sa naaalipungatan ako 

Mag aalasingko na kaya bumangon na ako at nag punta nag banyo para ayusin ang pag pasok ko 

7:30 ang pag sisimula ng pasok 

Kaya maaga pa tinignan ko rin kung anong oras na 4:47 na nang umaga hindi parin umuuwi sina kuya 

Pag katapos kong maligo ay inayos ko na rin ang buhok ko dapat matibay at hindi mahahalata na gumagamit ako ng isang wig 

At kapag nakita iyon nako malalagot ako at sina kuya 

Dahan dahan ko rin iyong sinuklay habang naka tingin sa salamin 

Ganda na gwapo pa 

Pag katapos kong inayos ang buhok ay napatigil ako dahil sa isang bag na kulay maron 

Kanino to? May mga bag naman sina kuya ang kaso nga lang ay ibang bag ang kanila 

Kinuha ko at pinag masdan ang ito. Ganitong ganito ang mga bag ng iba kong mga kaklase 

Ganito rin ang bag ni Hans ang kay badang ay pink 

Bubuksan ko na sana ang bag nag may kumatok 

Dali kong ibinalik sa pwesto ang bag at binuksan ang pinto 

"Kuya" sabi ko at niyakap ako 

"Oww na miss mo naman ako" malaki ang kanyang ngiti nanalo ba siya sa sabungan kaya ba ang laki laki ng kanyang ngiti "oo nga pala may pasalubong ako sayo" sabay pakita ng isang naka paper bag 

Agad ko naman itong binuksan at nakita ang mga pag kain naka container 

May mga pancit spaghetti at ibat iba pang mga pag kain na ngayon ko lang nakita 

"Akin na to kuya" sabi ko sa kanya 

"Oo naman sayo na iyan kainin mo na" sabi niya at hinila na ako pa labas ng kuwarto at nag labas ng mga plato "Oo nga pala binilhan ka ni Cleon nang cellphone" naka ngiting sabi ni kuya sakin at sabay niya pang tinataas ang kanyang dalawang kilay

"Talaga kuya!" Hindi ko mapigilan na mapangiti at mapatili pag kasabay non ay nag silabasan na ang mga kaibigan namin dito 

"Good morning!" Sabi ni kai habang nag uunat ng katawan

"Good morning den" sagot ko sa kanya 

"Talagang gaganda ang umaga ko araw araw, kung ikaw ang una kong makikita" naka ngiting sagot niya. Saktong sakto ang pagdatimg ni kuya Cleon at ayon binatukan at tinulak pa siya "Aray naman boss" napa kamot nalang siya sa ulo ng tinignan siya ng masama ni kuya 

"Here is your cellphone" sabay abot ng isang kahon 

"Yiiiieee akin na to kuya ah wag mo nang babawiin" sabi ko at inagaw sa kanya ang box ng cellphone 

"Basta mag aral ka ng mabuti" sagot niya at hinalikan ang bunbunan ko 

***

Nauna na akong pumasok kina kai dahil sa ang bagal nilang mag si kilos

5:46 na kaya umalis na ako 

 Dumaan na ako sa pinaka Short cut papasok ng school

"CLEA!" 

Napa lingon nalang ako sa may sumigaw ng pangalan ko si badang na kasama si Hans 

"Badang!" Sigaw ko pero agad rin akong natigilan at napatakip ng bibig ng ma-realize na boses pambabae ang boses ko 

Dali dali naman silang tumakbo papunta sakin

Hala! Hala! Isusumbong na ba nila ako 

Dahil sa pag ka taranta ko eh tumakbo na rin ako 

Habang tumatakbo ay marami rin akong nabubungong mga mag aaral na dito 

"Hoy! ano ba dahan dahan naman!" 

"Hoy loko yun ah! Kilalanin mo kung sino binabanga mo!" 

"Sorry!" Sigaw ko naman 

Hanggang sa mapunta ako na ako sa loob ng school 

"Clea!" 

Rinig ko pang tawag sakin ni Badang 

Ano ba yan na kasunod pa

Hingal na hingal kong binuksan ang  isang pinto na malapit sa kinaroroonan ko at pumasok doon para maka pag tago 

Agad akong nag tago sa may ilalim ng mesa at duon ng dasal 

"Lord please po hindi po sana nila ako makita amen" niyakap ko nalang ang mga binti ko pawis na pawis narin ako at hingal na hingal 

Buti nalang at may harang itong mesa sa harapan kaya kung sakaling pumasok sila ay di nila ako makikita 

Inilagay ko sa harapan ko ang aking bag at kinuha ang tubig ko 

Habang umiinom ay nanlaki ang mata ko ng maka rinig ng pagbukas ng pinto 

Natapon pa ang tubig ko sa sahig 

Kaya lalo pa akong kinabahan 

Mga yapak niya at ang sapatos nakakatakot 

Sunod ko ulit na rinig ang pag bukas ng pinto at mararaming mga yapak

"Kenzo musta pare" boses ni kuya Cleo 

Anong ginagawa ni kuya dito. Ayy malalagot ako niyan kailangan kong maka alis dito at gusto ko nang pumasok 

"What do you need?" 

"Women of course" aba chumikiha bebs na tong si kuya Cloe ah 

"In the dorm, we ran out of supplies of food" boses ng isang lalaking kasama nila 

“I’ll be sending especially to other dorms" 

Siniksik ko ang katawan ko sa pinaka dulo ng mesa nang mag lakad ang isang lalaki sa mesa 

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi maka gawa ng ingay nang umupo sa upuan ang isang lalaki 

Napa sigaw nalang ako ng matapakan niya ang isa kong kamay na nasa sahig 

"Ahh aray!" Sigaw ko at dali dali namang napatayo ang lalaking naka upo at sumilip sa ilalim ng mesa

"What the- what are you doing there!" Sigaw niya sakin at hinila ako palabas ng ilalim ng mesa

"Anong—" hindi na matutuloy ang sasabihin ng mga kasama niya ng makita ako lalong lalo na si Kuya Cloe

"Clea" mahinang bigkas niya sa pangalan ko 

"Paanong naka pasok yan?" Tanong ng isa sa mga katabi ni kuya 

Humigpit ang pag kakahawak sakin ni teka si pinuno pala ito 

"Ahh! Aray ko!" Sigaw ko nang mas lalong humigpit ang pag kakahawak ni pinuno sa braso ko "Masakit po" sabi at pilit inaalis ang kamay niya 

"Kenzo bitawan mo na siya" sabi naman ni kuya 

Iyong mga kasama niyang apat na lalaki ay nag tataka sa mga sinasabi ni kuya. At pabalik balik ang tingin nila saming tatlo 

"What are you doing in my office, and why are you hiding under the desk?" Halata sa boses niya na galit 

Office? Inilibot ko ang aking paningin sa buong office na napasukan ko 

Kakaunti lang ang laman na nandito

Humigpit ang kamay niya at parang mababali na ang braso ko "A-Ano kase..." 

Wala akong magandang maidahilan kung sasabihin ko man na nag tatago ako kina badang at Hans ay malang sa malang ay itatanong nitong Chinese Japanese a jelly jelly fish na tong kung bakit ako nag tatago sa kanila 

"Ehem!" Napatingin ako kay kuya Cleo ng umuubo ubo siya 

Humarap ako kay pinuno kanina  pilit na ngumiti "Ano yung ano kase eh" 

"I'm waiting" 

Tumingin ako sa kanya at nag mamakaawang tanggalin na ang pag kakahawak sa braso ko pero pag titig ko ng mga mata niya ay walang makikitang pagkaawa itong si pinuno "Yung ano ahh! Kamay mo tanggalin mo muna" 

"Kenzo!" Napatingin kaming lahat kay kuya ng makitang nag liliyab na ang mga mata niya 

Hinila ako ni kuya pero dahil sa mahigpit ang pag kakakapit ni pinuno sa braso ko ay dalawa silang nag hihilahan sakin 

Ano ba yan ang sakit na nga pag kakahawak ni pinuno eh hihilahin pa ako ni kuya 

Parang matatanggal na ang mag kabilang braso ko dahil sa pag hila nila

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status