Share

Chapter 1

Chapter 1 Clea meet Pinuno

Clea P.O.V

"Clea Heto na ang gamit mo!" Sigaw ni kuya Cleon habang si Kuya Cleo naman ay inaayos ang buhok ko at inilalagay ang wig 

Si Kuya Cleon naman ay siya ang nag aayos ng mga gagamitin sa pag pasok ko. si Migz ang kumuha ng schedule ko. Si Migz ay isa sa mga kaibigan nina Kuya 

Habang ang dalawa naman niyang kabigan na sina Kai at JL ay sila ang mag hahatid sa kin papuntang classroom ko 

"Ayan ok na" 

Tinignan ko naman ang nilagay niyang wig. Napabusangot nalang ako ng mag mukha tagala akong lalake. Maging ang uniform ay kailangan ay ganoon rin sakanila 

Pero ang pinang tataka kolang ay bakit iba ang kina kuya samantalang sa tatlo niyang kaibigan ay pareho lang kami 

"Pumasok na tayo baka ma late pa tayo" sabi ni Migz 

Kaya naman nag ayos na rin sila bago kami umalis ay hinalikan ako sa noo nina kuya 

Habang nag lalakad ay panay ang linga ko wala talaga akong makitang babae rito 

"Bakit walang babae ang nag aaral dito?" Mahinang bulong ko kay Kai 

Tumingin naman ito sakin "Bawal tagala ang mga babae dito. Dahil sa nangyari noon"

"Ano bang nangyari?" Tanong ko 

"Lahat nang mga babae ay nag ka sundo na paalisin sa pagiging presedende sa school si Pinuno kaso ayon hindi sila nag tagumpay"

"Bakit?" 

"Dahil sa ang school na pinasusukan natin ngayon ay ang pag aari nila"

"Sakanila tong school?"

"Oo yon ang sabi sabi"

Hanggang sa makarating kami sa isang building nang school may elevator rin pala rito kaya hindi na kami nag hagdan papunta sa 3rd floor 

Umupo naman ako sa dulo kung saan sa malapit sa bintana. Inilabas ko na rin ang notebook at ballpen. Ilang minuto lang ay pumasok ang ang subject teacher namin na lalake 

Nag attendance rin kami at ayon na nga ng matawag ang pangalan ko ay dali ng bulungan ang mga lalaki to 

Ke lalaking tao napa ka chismosa

Umubo naman ako ng kaonti at pinatigas ang boses ko "Present!" Sigaw ko nag tinginan sakin ang lahat tumango lang ang aming subject teacher 

"Pst!" Pag paswit at pag kalabit ng katabi ko. Humarap naman ako sakanyan "Bakit ganon pangalan mo, Clea" nag tawanan sila 

Hindi ko nalang sila pinansin at itinuon ang pagsusulat 

Nagulat nalang ako ng bigla silang ng tayuan at sinabi ang 'Good morning Pinuno' dahil sa pag ka taranta ko sa pag tayo ay nahulog ang notebook book pero hindi ko na iyon dinampot at nakigaya nalang sa mga ginagawa ng kaklase ko na nag bow ng ulo nila maging ang teacher ay ganon rin ang ginawa niya

"Is anyone absent from all of you" biglang tanong niya sa subject teacher namin 

"None of us were absent Pinuno" kinakabahan na ibinigay ng subject teacher namin ang attendance sa Pinuno na ito 

Tinignan ang attendance at tumingin samin "If there is a problem in the classroom or in need, tell us" kalmadong sabi niya 

Ano ba naman itong singkit na to nag E-English nasa pilipinas naman 

Napatingin naman ako sa labas ng classroom kung saan naroon sina Kuya at ang mga di ko kilalang mga kasamahan nila

Ang tagal niyang lumabas na ngangalay na akong naka tayo

Tumingin tingin naman ako sa ibang gawi para libangin ang sarili ko dahil sa tagal niyang umalis 

"As long as you have a problem, just go to my office" agad akong napatingin sa kanyan tumalikod na siya at lumabas ng classroom

Biglang nag siyukuan ang mga kaklase namin at ganon rin ang ginawa ko 

Sunod sunod naman nag silabasan ang mga hininga nila ang iba ay napa upo nalang halatang halata ang kabado ang mukha nila sa pag dati nung lalaking pinuno na yon 

Natapos narin ang pag klase kaya nag ayos na ako ng gamit. Natigilan lang ako ng may lumapit sakin na dalawang lalaki ang isa may suot na eye glasses ang isa naman ay may ribbon sa ulo 

"Hi! Clea, akong nga pala ang nag iisang maganda rito sa ating classroom I'm Badang" pag papakilala ng may ribon sa ulo 

"Hans" kumaway lang ang lalaking may eye glasses 

"Sabay kana samin" excited na sabi ni badang 

"Saan?" Tanong ko 

"Nako tsk tsk mag lu-lunch ano kaba" sabi ni badang at sinamahan ako sa pag aayos ng gamit 

Napailing nalang si Hans sa ginawa ni badang "Pag pasensiya mo na yang baklang yan gutom na yan eh" 

Inayos ko muna ang pag sasalita ko bago sumagot sakanya "Gutom kana pala bakit di ka kumain" 

"Nako hinihintay ka namin. New student ka, minsan lang kami mag ka new student dito sa section natin" sabi niya 

"Ahh ganon ba" wala na akong maisip na sasabihin at itatanong sa kanila kaya sumama nalang akong mag lunch sa kanila 

"Ang ganda pala dito" sabi ko 

"Ayy oo maganda talaga dito. Kaso mahal nga lang ang bayad rito" sabi ni badang

Pumasok na kami isang building pero ganon nalang ang pag tataka ko ng wala naman akong makita cafeteria na sinasabi nila

Pagpasok ay isang pader pa ngunit may kalayuan ang pader

"Nasaan ang sinasabi niyong cafeteria?" Tanong ko pigil tawa naman ang isinagot ni Hans sakin habang si Badang naka simangot

"Nasa loob kasi ang cafeteria" at itinuro ang nasa harapan namin 

Unang pumasok si Hans pangalawa naman si Badang at huli ako ganun na lang ang gulat ko ng makitang apaka ganda rito parang yung mga napapanood ko sa tv

Restaurant na restaurant ang dating ng cafeteria. Napako naman ang tingin ko sa isang Waiter na galing sa ibaba? 

"May underground tong cafeteria natin" gulat akong napatingin kay Hans sa biglang pag bulong sa tenga ko 

Nakatulala nalang ako habang nag o-oder ng pagkain. Napaka big time pala nitong school na to. Teka ano nga palang pangalan ng school na to. Agad kong tiningnan ang i.d para tingnan ang pangalan ng school 

FALCON UNIVERSITY

"Puweding Patingin ng id" sabi ng matandang lalaki sakin 

"Ahh ok po" sagot ko at ibinigay sa kanya ang i.d ko bumulong siya sa isang kasama niya at tumango ito 

May problema ba ang pangalan ko? 

"Ano ang sayo?" Biglang tanong niya 

"Isa nga po fried Chicken and one rice po" magalang na sabi ko yon lang naman kase ang mura dito halos lahat ay nasa 300 plus na ito 190 lang may kasama ng soft drink o kaya ay juice depende kung ano ang pipiliin na iinumin

Ibinigay sakin ng matanda ang inorder ko at akmang magbabayad ako ay hindi niya tinanggap

"Bakit po?"

"Nako hijo bayad na ang order mo" 

"Po?" Sabi ko naman. Sino naman ang mag babayad ng ooderin ko? 

"May nag papabigay sayo hijo" sabay abot ng maliit na papel sakin. May inabot pa sakin ang matanda na naka paper bag

"Hala isa lang po inorder ko" mahinang bulong ko sa kanya

"Yang nag bigay ng sulat na iyan yan din ang nag bigay sayo niyan" na ka ngiting sabi niya at itinuro ang paper bag

"Hoy ano hindi ka paba tapos!" Biglang sigaw ng nasa likod ko

Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking nasa likoran ko. Nag pasalamat na muna ako sa matanda bago ako umalis at dala dala ang paper bag na bigay niya at ang order ko. Habang ang papel ay nasa bulsa ko na muna

Nag hihintay naman ang dalawa sakin ang sabi nila sa underground raw maganda dahil may aircon don para hindi mainit 

Pagbaba namin ay ganon na ganon ang design ang astig lang na parang nasa ibang lugar kami 

"Nako yan lang?" Tinignan naman ni badang ang ibinaba ko sa mesa namin ang na i order ko

"Meron pa" matigas na boses ko at ipinakita ang paper bag 

Nag simula na kaming kumain at habang kumakain ay naalala ko ang papel na ibinigay sakin ng matanda kanina. Pag bukas ko ay

"Clea Morales kainin mo bigay ko sayo mag tatampo ako pag dimo kinain yan" —— Ang  Kuya mong pogi

"Ano yan?" Biglang tanong ni Hans sakin 

"Ahh wala" sabi ko 

Iginayad ko ang tingin para hanapin si kuya Cleo siya lang naman ang mahangin samin mag kakapatid. Hindi ko naman makita ang kuya Cleo ko sayang 

"Matagal na ko dito halos 2 to 4 years na" sagot ni badang 

Nag uusap kami tungkol sa school at kung matagal na silang nag aaral dito sa Falcon University 

"Matagal na rin ako dito" sagot ni Hans samin

"B-Bago lang hehe" nahihiyang sabi ko 

Bigla nalang kaming natigilan ni Bandang ng lumapit ang dalawang lalaki tinapik naman ang braso ni Hans "Hey Hans may meeting raw sabi ni boss" tango lang ang isinagot ni Hans sa lalaking nag tapik ng braso niya 

"Ano yon?" Tanong ko kay badang 

"Meeting ng mga Gangster" sagot naman niya 

"Gangster" 

"Oo lahat ng nandito ay Gangster may mga bosing ang mga nandito ka tulad ni Hans" pag kwento niya 

"Eh ikaw?" 

"Nako ayokong masira ang beauty ko noh!" Sabi niya at humarap kay Hans "Ano sasama ka?" Umiling lang ang tinanong niya at kumain na 

Dahan dahan naman akong lumapit ako kay Badang para maki chismis "Ilan ba ang mga Gangster dito?" Tanong ko

"Marami nga—" hindi na niya matutuloy ang sasabihin ng biglang 

"Eh tarantado ka pala!" Sigaw ng katabi naming lamesa naka awat ang mga iilan na kasama nila at pinapakalma sila

"Bakit ah! Anong pinang yayabang mo!" Sagot naman ng kaaway niya 

"Eh putang ina ka pala! EH!" Nag suntukan na nga ang dalawa hanggang sa may lumapit na isang lalaki na ikinagulat nila 

"P-Pinuno" na uutal na sabi ng dalawang lalaki 

"Go to my office now!" Gigil na sabi niya sumunod ang dalawang nag aaway 

Titig na titig lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo 

"Tapos na ako mauuna na ako" napatingin kaming dalawa ni Badang kay Hans 

Ipinag patuloy nalang namin ni Badang ang pagkain syempre tuwing mag sasalita ako ay maingat kailangan parin iyon para hindi mag boses na babae 

Nagkukuwentuhan kami ni badang  habang papunta sa dorm medyo malayo layo at kailangan mag punta sa pinaka likod ng school. Dahil iyon ang shortcut papunta roon 

Nung unang punta ko ay ibang direksyon ang dinaanan namin siguro para wala makakita 

"Pero bakit sa likod naman ng school ang apartment?" Tanong ko 

"Apartment? Hays. Hindi apartment ang mga yon Clea. Dorm ang mga iyon  Si Pinuno na ang nag pagawa ng dorm na yan para daw hindi na bumiyahe ang mga estudyante" sagot naman nito. Saglit siyang natigilan 

"Anong problema bakit ka huminto?" Tanong ko sa kanya 

"Oo nga pala may laban sina fafa Cleo" sabay snap sa ere 

Si kuya cleo

"Anong laban yan?" Salubong na kilay na tanong ko sa kanya 

"Para yon sa gang na hinahawakan niya" 

"Gang?" 

"Oo nga diba lahat ng nandito ay Gangster" lumapit siya pa lalo at itinutok ang bibig niyang may lips tip sa tenga ko at bumulong  "Loloko loko kasi si Pinuno noon kaya nag pasya siya na gawin iyon" lumayo na siya at nag lagay ng kung ano ano sa pisngi niya "kawawa nga si fafa cleo eh di pa gumagaling ang sugat niya sa nakaraan na pakikipag away para lang sa gang" 

Pakikipag away ngayon ko kalang narinig na nakikipag away si kuya Cleo ni isa hindi sumagi sa isip ko na gagawin niya iyon. Agad akong humarap sa kanya

"Saan ba gagawin yon?" Tanong ko sa kanya

"Ang pagkakaalam ko ay sa lumang basketball court doon lagi ginagawa ang mga away ng mga gang—" 

Hindi ko na siya pinatapos at dali dali ng umalis papunta sa sinasabi niyang lumang basketball court. Rinig ko pa ang pag tawag sakin ni badang pero hindi ko na siya nilingon pa 

Palinga linga ako habang tumatakbo malaman lang kung saan ang lumang basketball court na iyon 

Pakana pala ni Pinuno ang gang na iyon pag may nangyaring masama kay kuya Cleo hindi ko siya mapapatawad 

Paikot ikot na ako at hindi ko parin mahanap ang lumang basketball court na yon. Napatigil lang ako ng may nakita akong mga lalaking nag tatawanan 

Inayos ko muna ang sarili ko at ang boses ko at lumapit na sakanila 

Bago mag salita ay umubo at inipit ang boses ko para maging matigas ang pagsasalita ko "Hi pwede bang mag tanong saan rito ang lumang basketball court?" Tanong ko sakanila na ikinatigil naman nila

"Bakit kasama ka ba don?" Tanong ng isang lalaki may C2 na binabalanse sa ulo niya 

"Oo" mabilis na sabi ko

"Doon lang" sabay turo sa may di kalayuan 

"Salamat!" Sigaw ko 

Tumakbo na ako hanggang sa makarating ako nag tago naman ako sa mga lumang upuan 

Tama nga ang sinabi ni Badang nakita ko si Kuya Cleon pero hindi ko naman makita si kuya Cleo hanggang sa

Nakita ng dalawang mata ko kung paano inihagis ni Kuya Cleo iyong isang lalaking bugbog sarado at duguan

"Owww!" Sigaw ng mga lalaking nanunuod kasama narin doon si kuya Cleon 

Suportado ka pa talaga sa kakambal mo hah!lagot kayo sakin mamayang pag uwi niyo 

Napahinto naman si kuya Cleo sa pag susuntok sa lalaking kaaway niya ng mag tama ang paningin namin 

Gulat na gulat siya ng mag tama ang paningin naming dalawa

Nakalimutan ko na matalas ang paningin niya na kahit malayo ako ay makikita at makikita niya ako 

Dahil sa kaba ko ay umalis na ako doon at pumunta kung saan 

NANG maka layo na ako ay kinuha ko ang tumbler ko at pagkatapos ay inilagay ko iyon uli sa bag ko sumakit rin ang tagiliran ko kakatakbo 

Grabe ang lakas pala ni kuya Cleo inihagis niya iyong kasuntukan niyang lalaki at pinag susuntok pa niya 

Sa hindi inaasahan bigla nalang may tumulak sa akin at ayon sapol ang mukha ko sa sahig na bato

"Ugh! Aray sakit!" Sabi ko at hinawakan ang pisngi at ilong ko 

Pag tingin ko naman sa tumulak sakin ay dalawang lalaki na natatawa pa ang mga loko 

"Bakit niyo ginawa yun hah!" Sigaw ko 

"Pasensya na" sabi ng isa at nagtawanan silang dalawa 

"Alam niyo bang masakit yon hah!" 

"Pasensya na brad" lumapit naman sakin ang isa at inakbayan ako kinukutos kutos pa niya ang ulo ko "Dare lang naman kasi yon pasensya na" sabi niya at nagpipigil ng tawa 

Tinanggal ko naman ang pag kakaakbay niya at kinagat ang sa bandang pulsuan niya 

"Ahhhh!" Sigaw niya 

Tawa lang ang inambag ng kasama niyang 

Ang alat ng balat niya kaya naman dura ako ng dura 

"Ang alat ng balat mo!" Sigaw ko sa mukha niya na ikina tawa pa ng kasama niya 

Pagkakataon ko na rin to para maka alis na at makauwi na sa dorm. Kaya naman tumakbo na ako at inubos ang enerhiya ko para lang maka uwi na 

Pa gabi na at kaba pa rin ang nararamdaman ko dahil sa 7:38 na hindi ko parin mahanap iyong Short Cut

Napa upo nalang ako sa ilalim ng puno dahil sa pagod 

"Yes... Yes Mamita pupunta ako..... Pupunta kami.... Kasama ko naman sila" 

Napa tigil ako dahil sa boses na iyon kaya naman tumayo at sumilip para makita kung sino iyon 

Napalunok nalang ako dahil sa kaba na naman yung lalaking nakatalikod at may kausap sa cellphone ay si Pinuno na nagtatagalog

"Kasama naman sila hindi ako papayag na hindi sila kasama" sabi niya sa kausap niya at tumatawa "sige na Mamita, love you" ibulsa ang cellphone at tumalikod na ito

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil salamat at aalis na siya akma namang uupo ulit ako sa ilalim ng puno ng may ng salita sa harap ko 

"What are you doing here!?" 

"Ahhhhhhh!" Napatili nalang ako sa gulat ng makita siya 

"What the hell!" Sigaw rin niya

Napa takip na lang ako sa bibig ko dahil sa biglaang pag tili 

"Wait did you—" hindi na natapos ang sasabihin niya ng biglang amy lumapit samin na isang lalaki 

"Kenzo" sabi niya at nag bow pa gulat siya ng makita kaming dalawa ni pinuno 

Teka Kenzo pangalan niya kung maka Pinuno naman ang mga dito sa school kala mo siya ang may-ari ng school

"James we're still talking" kalmadong sabi niya sa lalaking nangagalang james

Katapusan ko na ba?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status