Share

Me And The Gangster Leader's
Me And The Gangster Leader's
Author: Miss_Dangwa

Prologue

Prologue

"Magkano to?" Tanong ng mga bumibili sa karinderya na kung saan ako ng tra-trabaho

"Singkwenta lang po yan" sambit ko

"Masarap ba to?" tanong pa uli ng customer ko

"Oo naman po" sagot ko 

Ang daming mga customer ngayon Nakakapagod. Sunod sunod ang mga order, take out at mga reserve ng mga bumibili kaya ayon ang sakit ng likod ko 

Habang abala ako sa isa pang customer ay nagulat na lamang ako ng bigla may pumitik ng Tenga ko kaya pag tingin ko sa taong pumitik sa tenga ko isa pala sa mga customer ko. Lalaking customer naka black T-shirt, black pans, at black na sumbrero 

"Bat kaba na mimitik ng tenga!" Inis na sabi ko sa lalaking namitik ng tenga ko

Dahan dahan naman niya iyon tinanggal. Natulala na lamang ako kung sino ang namitik at bumibili ngayon sa Karinderya

"Kuya" hindi ako makapaniwala na saad ko ng makita ko ang kuya ko

Ngumiti sa akin si kuya kaya dali dali akong lumabas ng Karinderya at pinuntahan siya agad ko naman siyang nikayap 

"Na miss mo ba ako?" Tanong nito sa akin

Tumango naman ako "Oo kuya na miss kita, tagal niyo kasing hindi nag papakita eh" hinigpitan ko pa ang pag kakayakap sa kanya 

"Ako si kuya Cleon" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin 

Hindi mo ako maloloko kuya kahit na baliktarin mo pa ang bituka mo. Kahit na gayahin mo pa ang kakambal mo makikilala parin kita

"Kuya si kuya Cleo ka!" Sabi ko na ikinatawa naman niya 

Itong si Kuya Cleo hindi minsan maloko sa buhay kaya pati kakambal niya damay sa kalokohan.

Kaya naman humiwalay na kami sa pag kakayap ng bigla niya akong hinawakan sa dalawang balikat at tinignan diretso sa mata 

"Hindi ka nakapag aral dahil kay Tita Wen?" Tanong niya 

Teka paano niya nalaman yon? Halos dalawang taon na akong hininto sa pag aaral ni Tita Wen dahil daw sa doble gastos lang daw ako. 

Malapit na ang Graduation noon at marami rin ang bayarin kaya inihinto ako ni Tita Wen. Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik nalang at tumulong rito sa Karinderya niya

"T-Teka kuya paano mo nalaman?" Kabadong tanong ko kay kuya

Bigla nalang niya akong niyakap uli. Ngunit mas mahigpit pa ito kesa sa ginawa naming pag yakap kanina

"Sasama kana sakin..... Doon kana mag aaral" sabi niya at inayos ang buhok ko "Tara na? Iwan mo na ito. Ok!" Na bigla naman ako doon sa mga sinabi niya

Hinawakan naman niya ang kamay ko ng mapadaing ako dahil sa sakit ng pasa at sugat iyon

"Aray!" 

"Anong nangyari sa kamay mo? Bakit may sugat ka? At pasa?" Nag aalalang tanong ni kuya

"Kuya... Nabasag ko yung pinggan at nakita ni Ren na na basag ko kaya ayon nag sumbong kay tita wen kaya may pasa.... Yung sugat itinulak ako ni Ren sa may bakod kaya ayan na sugat, di ko alam na may alambre pala" mahabang kuwento ko 

Si Ren ang nag iisang anak ni Tita wen 

Hindi ko inaasahan ang biglang pag tulo ng luha ko habang inaalala ang mga nangyayari sa akin dito sa Tiyahin ko

"Aalis kana dito!" Halatang galit si Kuya dahil sa sinabi ko

Hinila naman niya ako paalis sa karinderya na iyon pipigilan ko pa sana si kuya dahil sa walang mag babantay sa Karinderya pero ang sabi niya pabayaan ko nalang daw

Kaya naman sumama nalang ako atsaka matagal kong hindi nakakasama sina kuya kaya ito na ang pag kakataon ko para makasama ko sila

Napunta kami sa isang van. Puting van. Kinatok naman niya iyon at tumanbad samin si kuya Cleon 

"Kuya!" Malakas na sabi ko agad naman niya akong niyakap 

"Did you miss me?" Tanong niya

Nag e-English napala siya ang akala ko kasi hindi siya magaling sa English dahil sa laging palakol ang grade niya ron sa subject sa yon

"Kuya nag e-English kana ngayon" sabi ko na ikinatawa naman niya. Napatingin ako sa mga nasa paanan niya kung saan nandoon ang lahat ng mga bag ko at ang teddy bear ko na bigay nila noong birthday ko "Kuya kinuha mo gamit ko?" Tanong ko 

"Yes!" Sabay kintad sakin 

"Paano?" Tanong ko

Dahil laging tinatago ni Ren ang mga gamit ko lalong lalo na yung teddy bear na bigay nila Kuya.

"Nag punta lang naman ako don eh ang kaso walang tao kaya hinanap ko ang mga gamit mo" sagot niya 

Mag sasalitan pa sana ako dahil sa baka may kulang na naiwan na gamit ko sa bahay nag may malakas na sigaw ang narinig namin 

"Hoy! Ano na! Na sundo niyo na ba!?" Tatlong lalaki ang lumapit samin na may subong sunong lollipop ang isa naman ay marshmallow na may balat pa na design ay Frozen ang isa naman ay naka tingin sakin 

Bigla naman tinanggal ni kuya Cleo ang sumbrero niya at pinag papalo sa lalaking nakatingin sakin 

"Tangina ka wag mong tingnan ng ganyan ang kapatid ko!" Sabay akbay niya dito at inipit ang leeg nito gamit ang bisig nito

"Hoy Cleo! Baka nakakalimutan mo kapatid ko rin to!" Sabi naman ni kuya Cleon kay kuya Cleo. Naramdaman ko naman ang pag yakap niya sakin sa likoran ko 

"Tsk! Pwedeng umalis na tayo? Baka malaman pa nila na wala tayo don malalagot tayo!" Sigaw naman ng lalaking may subong subong Marshmallow

Hinila naman ako ni kuya Cleon at iniupo sa tabi niya tumabi naman sakin yung lalaking pinag papalo ni kuya Cleo. 

"Hi" sabi nito at tinataas taas pa ang kilay niya 

Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa lalaking to. Kamukha niya ang mga tambay doon sa may kabilang kanto yung mga nag iinuman 

"Kai!" Sigaw ni kuya Cleon

"Just kidding!" Sagot naman nito at nag punta sa likod. Sumunod naman sa kanya si kuya Cleo

Ang dalawa naman na may subong subong lolipop at marshmallow ay nasa harapan naman namin. Kumaway naman sakin ang isa sa kanila kaya nginitian ko nalang. Nag simula narin umandar ang sasakyan kaya sinimulan narin nila kuya na tanungin ako

"Hindi ka raw pinag aral ni tita wen?" Tanong ni kuya Cleon

Sunod naman na nag tanong si kuya Cleo "Bakit? Bakit hindi nag sabi samin? Lalo na inaabuso kana pala nila?" 

"Ano? Inaaway ka ba ni Ren?" 

"Ano pang ginagawa pa nila sayo?" 

"Pinapakain kaba nila?"

Sunod sunod na tanong nilang dalawa. Pero nag tawanan na lang ang mga kasamang lalaki nila kuya dahil sa sinabi ni kuya Cleo

"Gwapo ba ako?" 

Kaya naman nilingon ko naka pogi pose siya. Naririnig ko naman ang buntong hininga ni kuya Cleon 

"Panget mo!"

"Hahaha" 

"Ang drama naman niyan!"

"Mga panget rin kayo!" Sigaw ni kuya Cleo 

"You need to sleep first" agad akong napalingon sa sinabi ni kuya Cleon

"Pero kuya hindi pa ako inaantok" sagot ko

Hinawakan naman niya ang ulo ko at dahan dahan inilapat sa balikat niya. Nakita kong may ipinatong si kuya Cleo na jacket sa hita ko at hinalikan ang noo ko ganon rin ang ginawa ni kuya Cleon

"Kailangan mo yan. Pahinga kana muna pagod ka ngayon, mahaba ang magiging biyahe natin" sabi ni kuya Cleon 

Dahan dahan na rin bumingay ang mga talukap ng aking mata hanggang sa makatulog na ako

NAGISING na lang ako sa mahihinang tapik sa pisngi ko at tinatawag ang pangalan ko

"Clea" mahinang sabi nito

Kaya naman dahan dahan kong inimulat ang mata ko para tingnan kung sino. Sina kuya Cleon at Cleo

"Kuya" 

"Gising na" sabi ni kuya Cleon "malapit na tayo" 

Kaya naman tumingin ako kay kuya Cleo na may nginunguya. Huh? Teka dapat na sa likod namin tong si kuya. Ngayon ko lang rin napansin na kalahati ng katawan niya ay naka upo. Naka tigil rin ang van na sinasakyan namin sa may bukid

"Kain kana!" Sabi ni kuya Cleo. Iniabot naman niya ang Happy Meal ng mcdo

Kumuha naman ako ng isang fries at ng burger 

"Kuya ang sarap!" Sabi ko ngayon palang kase ako nakatikim nito

Nakikita ko naman to pero hindi ko talaga na titikman dahil sa ang damot ni Ren. Tuwing meron siyang mga pagkain ay hindi niya ako binibigyan

Ginulo naman nila kuya ang buhok ko halatang ang pag aalala sa mukha nilang dalawa ang mga nangyari sakin sa bahay nayon

"Kuya nasaan tayo?" Tanong ko dahilan para mag katitigan sila

"Malapit sa school na papasukan natin!" Sabi ni kuya Cleo

"Pero kailangan mong suotin ito!" Sabay abot ng isang bag sinilip ko naman yon at ang laman ay damit. Damit panlalaki!

"Kuya panlalaki to!" Sabay labas ng T-shirt na malaki at kulay black

"Makinig ka sa sasabihin namin!" Seryosong sabi ni kuya Cleon "Kailangan mong mag pangap ng isang lalaki para maka pasok sa school. Kailangan mo ring manamit ng mga ganyan" sabay turo sa ibinigay nilang bag "Wala kang pag sasabihan nito kung hindi kami lang!" 

Bakit ko kailangan to? Magpanggap na isang lalaki?

"Teka kuya hindi kita gets! Eh!" Sabi ko at kinamot ang ulo ko

"Basta sundin mo nalang ang sinabi ko sayo!" Sabi niya

"At isa pa" sabi ni kuya Cleo kaya napaharap ako sa kanya "Kung ok lang Clea wala kang pag sasabihan na mga kuya mo kami" malungkot na sabi niya

Ano!? Bakit kailangan yon ano bang klasing school ang pinapasukan nila

"Mag bihis kana, sa labas lang kami" sabi nila at hinalikan ang noo ko bumaba na sila at naiwan ako ditong mag isa

Bakit kaya mag papangap ako na isang lalake para lang maka pasok sa school? 

Kaya naman nag bihis nalang ako tinignan ko pa sila at baka maka silip sila lalo na at kasama pa nila ang mga kaibigan nila

Nang matapos na ako ay kinatok ko naman ang bintana bumukas yon at si kuya Cleon ang pumasok. May hawak hawak siyang isang plastic na buhok? 

"Clea suotin mo ito!" Sabi niya at ipinakita sa akin ang isang wig 

"Kuya!" Sabi ko at pinigilan siya

"Wag ka nang makulit!" 

"Ayokong mag suot ng ganito!" 

Wala na gawa dahil sa pumasok si kuya Cleo at hinawakan ako para masuot ang wig 

"Kuuuuuyyyyyyaaaaaa!"

"AYAN kamukha mo na kami ng kuya cleon mo" sabi sa akin ni Kuya Cleo at ginulo ang wig na naka suot sa ulo 

Tinignan ko ang mukha ko sa rear view mirror. Ibang iba ang itsura ko ng tingnan ko ang mukha ko

Biglang umandar ang sasakyan kaya naman bumalik si kuya Cleo sa likod. May inaabot naman ang isa sa mga lalaking nasa harap. Brown envelope agad naman kinuha ni kuya Cleon yon at binuksan. Nag taka naman ako ng makita ko ang pangalan ko Clea 

Hindi ko na mapigilan na mag tanong kay kuya "Kuya ano yan?" Tanong ko 

Ibinigay naman niya sakin yon "Kailangan mo yan para makapasok don" sabi ni kuya 

"May problema tayo" bigla naman kaming napatingin sa nag dridrive 

"What is it?" Tanong nilang lahat 

"Kung ang mga certificate o mga Forms ni Clea Morales ay pangalan ng pambabae baka malintikan tayo kay Pinuno!" Sagot nito 

"Tsk! Problema pa bayan?!" Inis na tanong ni Kuya Cleo don sa lalaking ng dridrive 

"Oo!" Sagot naman nito

Sinabi nila ang mga kailangan at i-e-explain sa mga tao o estudyante na magtatanong kung bakit ganoon ang pangalan ko 

Liblib na liblib na ang pinapasukan naming may nakikita pa nga akong mga lalaking nagtatakbuhan na may hawak hawak na envelope at bitbit na bag 

Huminto na ang sasakyan at lumabas na ang mga kaibigan nila kuya. Lalabas na rin sana ako ng pigilan ako nila kuya

"Bakit kuya?" Tanong ko

"Basta sundin mo ang mga inutos at sinabi namin sayo!" Pag bilin ni kuya Cleon

"Oo naman kuya!" Sagot ko

"Bawal kang ma inlove dito ang pangit lang kasi nila, pero gwapo ako" sabi naman ni kuya Cleo dahilan para mapailing na lang si kuya Cleon

Ang mga gamit ko naman ay iniwan na muna namin sa van at ang mga bahala na lang daw ay ang mga kaibigan nina kuya

Itunuro nila ang daan para makapag enroll. Napanga nga nalang ako kung gaano kalaki at kung gaano kalawak dito ang linis sobrang linis walang kahit ano mang damo o kalat ang makikita

Parang nahiya tuloy akong tumuloy. Pero syempre hindi pwede ayoko na kayang bumalik sa tita wen wen ko

Kaya naman nag simula na akong mag lakad papunta sa pasahan ng mga papel na to. Napatigil na lang ako ng may humurang ang isang lalake sa harapan ko at tinignan ako nito na nag tataka salubong pa ang kilay 

Napalunok nalang ako ng tignan ako ng mga nasa likod niya at doon ako nagulat ng makita sina kuya na gulat rin. 

Nakita ko naman ang mata ni Kuya Cleon na parang may itinuturo sa may kaliwa ko nakuha ko naman ang gusto niya sabihin kaya naman.

"D-Dadaan ka po?" Tanong ko. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ng tinaasan ako ng kilay nitong lalaking to

Kaya naman napalunok nalang ako mas lalo pa akong napahawak sa envelope na hawak ko dahil sa kaba 

Naningkit ang mga mata nito at halos maging guhit na lang ang mata niya dahil sa pag titig sakin 

Biglang hinawakan ni kuya Cleo ang balikat ng lalakeng nasa harapan ko 

"Pinuno he is just new here He doesn't even know you" sabi niya sa Pinuno?

Bigla nalang may humila sakin sa braso ko kaya pag tingin ko si Kai. 

"Pinuno. Pasensiya na sa ginawa niya bago lang kase tong kaibigan ko" sagot nito at inakbayan ako. 

Umalis na yung tinatawag nilang Pinuno at sumama naman sina kuya Cleon. Habang si kuya Cleo ay masama ang tingin kay kai dahil sa pag kakaakbay sa akin agad ko naman yon tinanggal 

"Akin na mga kailangan mo pag ka tapos sumama ka kay JL ayon!" Sabi niya at kinuha ang envelope na hawak ko at itinuro ako sa lalaking nag dridrive kanina JL raw ang pangalan niya 

Tumango ako at pinuntahan siya. Sinundan ko nalang siya hanggang sa mapunta kami sa apartment na sinasabi niya

Pag pasok namin ay ang malaking T.V ang bumungan sakin. Agad akong napa takbo ron at sinipat sipat 

"Ang laki ng T.V niyo"

"Ahh oo, bigay ni Pinuno yan" sagot niya at pumasok sa isang kwarto "Heto kuwarto mo dito rin natutulog mga kuya mo" sabi niya 

Agad akong tumakbo papunta sa isang kama at humiga ron 

"Hintayin mo nalang raw mga kuya mo. Huwag karin munang lalabas" yon lang ang sabi niya at lumabas na 

Ilang oras na ako nandito at patingin tingin lang sa bintana. May narinig akong mga ingay sa sala kaya dali dali akong tumakbo papunta ron. Nandito na sina kuya at ang mga kaibigan nila 

Agad naman akong niyakap ni Kuya Cleon at hinalikan ang bunbunan ko "haaayyy shit. Kinabahan ako sayo kanina" sagot niya.

"Bakit naman?" Tanong ko. Pero imbis na sagutin ay ipinakita lang nila sakin ang isang buong manok at ice cream may cake at RC pa

HABANG kumakain ay sina kuya ay bigay ng bigay sa plato ko ng pinang hihimay nila ng manok 

"Kuya ok na to" sabi ko pero hindi naman pumayag si Kuya Cleo pinigyan pa niya ako ng kanin sa aking plato 

Napatigil lang kami sa pagkain ng may kumatok. Napatigil rin ang mga kaibigan nila kuya sa pag kukuwentohan ng marinig iyong katok 

Agad naman silang tumayo at pumuntang sala para tignan iyon. Si Kuya Cleo lang ang at ako ang naiwan dito. 

"Basta ang inutos namin sayo sundin mo" sagot niya at hinila ako papunta sa sala 

Bumilis ang pag tibok ng puso ko ng makita ang mga lalaki kanina lalo na iyong Pinuno na na humarang sa daanan ko nang nag papasa ako ng papel may kasama rin siyang mga lalaki na sa tingin ko ay mga kasama nila Kuya 

"I have to check out the new ones especially him because of his name"

mahabang pag kasabi niya at tumingin sakin 

Kinakabahan ako at lalo na English siya marunong ba siya mag tagalog?

"Are you Clea Morales?" Tanong niya 

At walang pasabing tumango ako. Titig na titig siya sakin na akala mo may nagawa na akong hindi maganda. Lumapit siya kaya naman na i layo ko ng kaunti ang ulo ko naamoy ko ang pabango niyang mabagsik sa ilog kaya napatakip ako 

"Ang bagsik ng pabango mo. Ang sakit sa ilong" sabi ko na ikinagulat ng iba 

Agad naman siya huminto sa pag sipat sipat sakin. Titig lang siya sa mata ko at tumango tango 

"I think I need to change my perfume" sabi niya at may ibinigay na Black folder doon sa isang lalaki na nagpipigil ng tawa

"I thought a girl got into our school because of your name" yon lang ang sabi niya at sunod sunod ng silabasan ang mga kasama niya

Nakita kong napa upo nalang si kuya Cleon at ang dalawa pa niyang kaibigan na si Kai at yung isa pang di ko kilala 

Narinig ko rin ang mabilis na paghinga ni kuya Cleo at JL dahil sa kaba 

Ganon rin naman ang nararamdaman ko pero bakit para ayaw nilang babae sa school na to? 

At yong Pinuno na tinatawag nila mukha siya Chinese Japanese a jelly jelly fish 

Pero seryoso may lahi ba siyang Chinese ang singkit kase ng mata niya at ang puti

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status