Share

Chapter 3

   

        'I can't believe this!'

        Gunner shook his head with disbelief. Expectation versus Reality. He thought it would be easy na maisama pauwi ng Pilipinas si Kristel. No one could say no to Gunner Montenegro. He gets what he wants. But look at him now, such in a mess and turned to be an instant nanny to a brat. He just doesn't know how to help her. He went outside to buy some medicine na kagaya ng gamot na ipinaiinom sa kanya ni Yaya Meding kapag may sakit siya. He also bought foods sa nadaanang Restaurant. 

        Pagbalik niya ay napansin niya ang bahagyang pagkaligkig ng katawan ng dalaga. Agad na kinuha niya sa supot ang biniling digital thermometer. He placed the thermometer under her tongue. 

        'Damn. 38.6. Kaya naman pala sobrang init ng dalaga.'

        Mabilis na inihanda niya ang mga  pagkain sa side table. Kinuha rin niya ang antipyretic drug for fever na binili niya sa pinakamalapit na drugstore at isang basong tubig.

        Tinitigan niya ang dalagang mahimbing na natutulog. Kristel was really gorgeous and Gunner find it a little hard to breathe. His Adams apple went up and down. Parang nagkaroon siya ng matinding urge to stoop down and kiss her. He shook his head. In few months time, ikakasal na siya. And he is so faithful to Nina, a one-woman man.

       'What the hell was that?' Bakit all of a sudden ay may kakaibang damdamin na lumukob sa kanya? They have known each other for so long since they belong to the same circle of friends and acquaintances. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang mga bagay na iyon. But now, it's different. It must be their situation. They're all alone here in a private hotel suite. Must be his libido. That's it. 

        'Kaunting paligo lang mawawala din yan.'

        He took a quick shower. Agad niyang tinapos ang pagligo nang maibsan ang init ng katawan sa pag - alala sa kalagayan ni Kristel. 

        Tulog na tulog pa rin ang dalaga paglabas niya ng bathroom. He made a quick glance at the wall clock. It's past 7:00 in the evening. Kailangan na niya itong pakainin at painumin ng gamot. Labag man sa kaloobang istorbohin ito sa pagtulog ay ginising niya ang natutulog na dalaga.

        "Kris.. kris.. wake up." mahinang tawag niya sa dalaga at bahagyang niyugyog ang balikat nito.

        Bahagyang ungol lang ang naging tugon nito sa kanya. 

       Napabuga siya ng hangin sa matinding desperasyon na mapakain at mapainom ng gamot si Kristel.

        'Damn. Ganito pala ang pakiramdam ng Nanny pag hindi mapakain at mapainom ng gamot ang may sakit na alaga.'  

        He noted to give Yaya Meding an extra bonus.

        "Kris.. wake up." muli niyang untag sa dalaga. How much he wanted to let her sleep kaya lang kailangan ding malamnan ang sikmura nito at makainom ng gamot upang mas mapabilis ang paggaling.

        Nagmulat ang mapungay ang mata ni Kristel na halatang inaantok at masama ang pakiramdam. Agad niya itong inalalayan upang makaupo nang maayos. Nilagyan niya ng unang ang likuran nito bago isinandal sa headboard.

        "Here.. kumain ka muna." Iniumang niya dito ang kutsarang may pagkain. 

        Sumunod naman sa kanya ang dalaga. Nang makailang subo ay umiling na ito.  

        "Take this.. nang gumaling ka agad." kinuha niya ang tabletas at tubig at iniaabot dito.

        Umiling ito. "I- I don't take tablets. Hindi talaga ako sanay uminom ng gamot."

        "Common.. take this. Kailangan mong inumin ito para gumaling ka." 

        Wari'y napipilitan lamang na sumunod si Kristel at pikit matang ininom ang gamot na ibinigay niya rito. Nang makatapos ay kinuha niya rito ang baso at inilapag sa side table upang pagharap muli sa dalaga ay magulat ng lamang siya. Based on her expression, she was about to blow.

        'What the..' hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin.

        Sinukahan siya ng dalaga! Mas lalong nanlaki ang kanyang mata nang muling nagsuka ang dalaga.

        Goodness! Sinukahan siya ni Kristel. Not once! But twice!

        What a day! Even her blouse was full of stinks. Mabilis niyang hinubad ang suot na polo. He placed it on the side table. Mamaya na siya maghahalf bath. Uunahin na muna niyang asikasuhin ang may sakit na dalaga. Ang lakas ng loob magtravel mag - isa, paano na lang kung hindi sila nagkita dito sa Paris? With that thought, something constricted in him. 

          Nakita niyang nahihirapan itong maghubad ng sariling blusa. She must be really weak and sick. 

        "Let me help you take off your clothes." wika niya kay Kristel.

        Umiling - iling ang dalaga. "N-no, I can manage." mahina ang boses na sabi nito sa kanya. 

        Hinayaan niya lang muna ito. Pumunta siya sa bathroom and took a basin and damp cloth. Nilagyan niya ito ng warm water.  

        Napabuga siya ng hangin at mabilis na lumapit sa dalaga nang makitang hindi pa rin nito tuluyang natatanggal ang ilang butones ng blusa.Ibinaba niya ang basin at damp cloth sa side table bago mabilis na dinaluhan ang dalaga. 

        "You can't. Let me do it." Mabilis na tinakpan niya ng kumot ang katawan ng dalaga at ini unbutton ang blusa ni Kristel. "Raise your arm." He commanded. When she raised her arm while trying to avoid eye contact, he was able to take off her blouse. Itinabi niya ang blouse nito sa polo niya. Maingat niyang pinunasan ang katawan nito with damp cloth upang malinis ang suka nito at maginhawahan na rin ng pakiramdam nito. Pinalitan na rin niya ito ng damit na nakuha niya sa luggage nito. 

        "Now sleep. You need some rest." he gently told Kristel.

        Pakiramdam niya ay napakabagal dumaan ng oras.Even the room is fully airconditioned, wari'y umiinit ang paligid. 

        'Damn!'

        'I think really need to take a quick shower.'

        He immediately placed the basin and damp cloth on the side table. The temperature is really getting hot.

        'Holy shit!'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status