Thank you po lagi sa pag-iiwan ng mga comment, mas lalo po akong sinisipag mag-update. <3 Sana suportahan nyo po ang kwento ni Alexandros hanggang sa wakas. Ipopost kona din po soon ang susunod sa kwentong ito at sana suportahan nyo din. xoxo
Magkahawak-kamay na pumasok sila ni Alexandros sa Shore Hotel, kung saan gaganapin ang charity auction, sa loob lang din ‘yon ng isla at may sampung palapag. Kahit ilang beses na s’yang nakapasok sa loob ng hotel ay hindi padin nya maiwasang humanga sa ganda ng pagkaka desenyo sa loob.Nanlalamig ang kanyang mga kamay ng makita ang mga tinginan ng tao sa kanila, lalo na sa kanya. Mga guest ‘yon na dadalo sa auction, nakita pa nya ang matalim na tingin sa kanya ng ilang kababaihan, lalo na ng bumaba ang tingin ng mga ito sa kamay nila ni Alexandros. Akmang babawiin nya sa binata ang kamay nya ng mas lalo nitong hinigpitan ‘yon.“Ano kayang nagustuhan ni Alexandros sa kanya? E mukha naman ordinaryo lang ang itsura nya.” Narinig nyang bulong ng isang babae sa gilid nila.“Oo nga, wala nga syang panama sa’tin. Tingnan mo girl, nagmukha lang naman syang tao dahil sa suot nya.”“True! Baka magaling sa kama kaya nagustuhan ni Alexandros.” Sabay pa tumawa ang dalawang babae, hindi nya alam k
Kanina pa umiikot ang kanyang mga mata dahil hindi pa nya nakikita si Selena mula ng iwan nila ito sa may lobby ng hotel, kahit pa sinabi ni Alexandros na okay lang ang kapatid nito ay nag-aalala pa din sya, halos trenta minuto na kasi at wala padin ito sa table kung saan sila naka-assign.Tatayo na sana sya ng hawakan ni Alexandros ang kamay nya, katabi nito sa kaliwa ang kapatid na si Ethan, habang si Marcus naman ay nakatapat sa kanya at katabi nito ang temporary secretary na si Amari. May bakanteng upuan naman sa katabi nya para kay Selena. Kararating lang ng mga ito kanina galing sa manila, narinig pa nya kanina na babalik din agad ang mga ito bukas dahil may kailangan pang ayusin sa negosyo. Dumalo lang talaga ang mga ito para sa event ngayong gabi.“Where are you going?” tanong nito.Bahagya syang ngumiti dito, nakita pa nya sa gilid ng kanyang mata na nakatingin sa kanila ang mga kapatid nito, pati nadin si Amari. Tila ba'y nag-aantay din ang mga ito sa sagot nya.“Babalik din
Grabe ang kabog ng kanyang dibdib ng makita nya dumukot na si Keith sa isang maliit na kahon na hawak-hawak ni Selena, lahat ng pangalan ng member ng MMC ay nandoon. Mas lalo sya kinabahan dahil sobrang tahimik ng lahat at sinabayan pa ng nakakakabang sound ng dj sa gilid.Ang nakangiting mukha ni Keith ay biglang napalis ng mabasa ang nakasulat sa maliit na papel na hawak-hawak nito.Napahawak naman sya ng mahigpit sa stick na may numero kung saan gagamitin nya para makapag bid kung sakaling si Alexandros nga ang mabunot.Pinakita muna ni Keith ang papel kay Selena, nakita naman nyang ngumiti ito at tinapik tapik pa sa balikat ang huli na para bang sinasabi na okay lang yan. Umiling-iling lang si Keith at tinaas na ang mic para magsalita.“Ladies! Ito na ang pinaka-iniintay nyo!” malakas na sabi ni Keith sa mic pero bakas sa mukha na kinakabahan dito.Bigla naman nag-ingay ang mga kababaihan, kanya-kanyang tili at ang iba pa ay napatayo sa kani-kanilang upuan.Tumikhim muna si Keith
“Alexandros! Saan ba kasi talaga tayo pupunta? Nagugutom na’ko!” maktol nya, kanina pa kasi sya nagugutom pero ayaw naman nya kumuha ng pagkain sa buffet table dahil hindi pa naman tapos ang auction. Nakakahiya din naman kasi kung mauuna sya kumuha, baka ano na lang isipin ng ibang guest na nandoon.Nilingon lang sya saglit ni Alexandros at binalik din naman agad ang paningin sa unahan dahil nagmamaneho ito ng golf cart.“Sasayawan nga kita ng baby kalma.” Ulit nito sa sinabi kanina.Napairap naman sya dito.“Saan mo ba natutunan yang baby kalma na yan ha!?” sita nya dito. Alam nya rin ang kantang ‘yon dahil nakita nyang pinapanood ‘yon ng isang guest sa cellphone nito habang nagseserve sya ng pagkain inorder.Ngumisi si Alexandros. “Why? Interested ka? I can show you the step… but inside our bedroom.”Bigla naman syang namula sa sinabi nito. Kahit pa nga may baby na sila sa sinapupunan nya ay hindi padin maaalis sa kanya ang mahiya kapag tinutukso sya nito.“Alexandros!”Humalakhak
“Please marry me, Elaine Fuentes.” Ulit nito sa sinabi kanina, “Hindi ko na ata kaya magising sa umaga na wala ka sa tabi ko…” napatigil ito saglit, kita nya kung paano manginig ang mga labi nito sa pagpipigil na wag maiyak, “-hindi mo alam kung gaano kasaya ang puso ko kapag ikaw ang una kong nakikita pag mulat ng aking mga mata. Minsan nga napatanong ako sa sarili ko, deserve ko ba talaga ang isang Elaine? Oo, aaminin ko, maloko ako dati, pero love.. unti-unti binago ko ang sarili ko para maging deserving ako sa pagmamahal mo. Ikaw kasi yung hindi ko inaasahan na darating sa buhay ko na hindi ko pala kayang mawala. Mahal na mahal kita, Elaine. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng sobra at gustong makasama habang-buhay, kasama ng mga magiging anak natin.”Napatakip sya sa kanyang bibig, naluluhang tiningnan nya si Alexandros na nakaluhod padin sa kanyang harapan, maski ito ay naluluha din na nakatingala sa kanya pero bakas sa mga mata ang pagmamahal sa kanya. Pakiramdam nya bigla ay
Inalis nya ang coat ni Alexandros na nakapatong sa kanyang balikat at ipinatong ‘yon sa sandalan ng upuan nya. Hinubad nito ‘yon kanina habang kumakain sila dahil napansin nitong medyo malakas ang hampas ng hangin kanina at baka raw lamigin sya.Akmang tatayo sya ng bigla itong tumayo at inalalayan sya.“Bakit mo hinubad? Baka lamigin ka nan at magkasakit ka pa.” nag-aalalang wika ni Alexandros at akmang kukunin ang coat nito para ipasuot ulit sa kanya ng pigilan nya ito.Nagtataka naman na tiningnan sya nito.Umiling-iling sya. “Okay lang ako, tsaka hindi naman ako nilalamig.”“Sigurado ka? Gusto mo bumalik na tayo sa hotel o umuwi na lang tayo sa main villa?” tanong nito sa kanya.“Pwede pakitulungan akong hubarin itong heels na suot ko? gusto ko mag-yapak.” Ani nya at bahagya pang hinigit ang kanyang suot na gown para lumabas ang kanyang legs at paa.Napatingin naman ito sa kanyang legs na nakalabas dahil sa slit ng gown, dahan-dahan bumaba ang tingin nito hanggang sa paa nya. Nat
Naligo at nagpalit muna sila ng damit ni Alexandros bago sumunod sa opisina ni Marcus sa first floor ng main villa. Nang bumaba sila ay wala na ang ibang member ng MMC, tanging sila Selena at Olivia na lang ang naiwan sa may sala dahil nagpaalam na sa mga ito ang mga kalalakihan.Mukhang maski ang mga member ng MMC ay takot sa pagka seryoso ni Marcus kanina. Paano ba naman, ni isa walang binati ito o nginitian man lang. Kaya mas lalo syang kinakabahan kung ano man ang sasabihin nito sa kanilang dalawa ni Alexandros.Tumango at ngumiti lang sya kay Selena at Olivia ng madaanan nila ang mga ito. Bakas din sa magandang mukha ni Selena na kinakabahan din ito para sa kanilang dalawa ni Alexandros. Para tuloy gusto na lang nya magpaiwan sa sala kasama ang mga ito at wag na lang humarap kay Marcus.Buti na lamang at hawak ni Alexandros ang kamay nya habang naglalakad sila patungo kung nasaan si Marcus. Pakiramdam kasi nya ay nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa takot at kaba. Akmang kakatok
Nauna na syang lumabas kay Alexandros sa opisina ni Marcus. Pinasama nadin ng huli si Amari dahil may pag-uusapan raw ang mga ito. Pagkalabas pa lang nila ng pintuan ay agad syang niyakap ni Amari. Humiwalay din naman ito agad sa kanya at nakangiting tumingin sa kanya.“Congratulations! Sana baby girl.” Humagikhik pa ito na akala mo’y isang teenager na kinikilig sa crush.Hindi tuloy nya naiwasan na matawa sa naging reaksyon nito. Biglang nawala ang pagiging seryoso ng dalaga at para bang naging ibang tao ang kaharap nya.“Thank you.” Ngumiti pa sya dito.Habang naglalakad sila papuntang sala ay hindi nya maiwasan magtanong dito.“May something ba sa inyo ni Marcus?” curious nyang sabi habang nakatingin dito. Mahina lang ang boses nya para walang makarinig sa kanilang dalawa.Ngumiti lang si Amari. Para bang hindi ito apektado sa tanong nya. Deretso lang ang tingin nito sa harapan nila habang naglalakad sila. “Wala, temporary boss ko lang si sir Marcus. Alam mo naman na si sir Alex