Hindi nya namalayan ang oras, pagsilip nya sa orasan ay halos tanghali na! Bumangon sya, sakto naman tumunog ang cellphone nya. Ang nanay pala nya, sinagot nya ito at halos isang oras nya itong nakausap bago ito magpaalam para bumili ng gamot ni Sabrina. Nangangamusta ito at nagpasalamat sa 'pinadala daw nya' Wala naman syang natatandaan na nagpadala sya, nagtatakang tinext nya si Melody. Bes nagpadala kaba kay nanay? *sent* Huh? hindi ah! lukaret ka! kamusta kana? *received* Ay hindi ba? Sige sige, Okay lang ako. Pasensya kana bes at di kita nasabayan sa first day natin. *sent* Hindi na ito nakapag reply pa sa kanya, baka sobrang busy ngayon sa Restaurant. Pinihit nya yung tinuro sa kanya ni Alexandros. Maya maya pa ay may security na pumasok sa loob at tinulungan sya. Inalalayan sya nito hanggang makalabas sila at makasakay sa golf cart. Nagpasundo sya para naman malibang sya, nagpadala sya sa Fresh Floating Restaurant. Tama nga ang hula nya, maraming tao ngayon. Nakita nya si
Nasa kalagitnaan sya ng meeting sa loob ng yate ng bigla syang makatanggap ng tawag mula sa security ng isla, ayon dito nagpasundo si Elaine at nagpahatid sa Floating Restaurant. Ayos lang naman sa kanya iyon para makapag libang din kahit papaano ang dalaga. Ang hindi ayos sa kanya, yung sinend ni Dominic na picture. Si Keith habang hawak nito sa bewang ang dalaga, alam nyang inaalalayan lang nito si Elaine pero hindi nya iyon nagustuhan. Halos masira ang cellphone nya sa higpit ng hawak nya dito. Napansin naman iyon ni Travis, ang kanyang kameeting. Gusto nitong maging member ng MMC at ayos lang naman iyon sa kanya. Sakto din naman na nagpapa customized sila ng malaking yate dito para sa MMC. Isa iyon sa pinapagawa sa kanya ni Marcus. ''Are you okay, Ruffalo? It seems like you're not in the mood. We can set another meeting next time.'' Travis said, while holding the folder containing the contract about becoming the member of MMC. ''I'm sorry about this, but i forgot that i ha
Nagising si Elaine na madilim sa sala, may ilaw naman sa may verandah kaya kahit papaano ay may liwanag na pumapasok sa loob. Umupo sya at narealize nya na may kumot pala sa katawan nya, nilagay siguro ni Alexandros. Hindi nya namalayan na nakatulog pala sya, kakaantay sa binata. Tatayo na sana sya ng tumunog ang tyan nya, nagugutom na sya, juice lang ang laman ng tyan nya mula pa kaninang tanghali. Hinanap nya ang saklay nya pero hindi nya nakita, mukhang naiwanan nya sa labas nung binuhat sya ni Alexandros papasok sa loob. Sinubukan nyang tumayo, napapikit sya sa sakit ng madiinan nya ng apak ang kaliwang paa nya. Humugot sya ng malalim na pag hinga, dahan dahan nyang inilakad ang mga paa nya. Wala syang makakapitan na malapit kaya wala syang choice kundi ilakad ang namamaga nyang paa. ''Ang sakit wooo!'' medyo pasigaw na sabi nya. Napakuyom ang mga kamay nya, pinagpapawisan sya ng malamig sa sobrang sakit ng paa nya, idagdag mopa na may sugat sya sa tuhod at pasa nadin sa p
Hating gabi nadin ng makabalik sya sa Main Villa, galing sya sa villa ni Dominic kasama ang iba pang member ng MMC. Nagka ayayaan uminom para pa welcome daw sa bagong member na si Travis. Nauna na syang umalis dahil nag-aalala sya para sa dalaga. Pabaling baling sya sa kama, hindi sya makatulog kahit nakainom naman sya. Hindi padin mawala sa isip nya ang sinabi ng dalaga kaninang hapunan. 'Kaibigan' Hindi nya alam kung ano ba ang dapat nya maramdaman sa sinabi ni Elaine, naiinis na bumangon sya at nagpunta sa kwarto nito. Sisilipin nya lang ito kung natutulog na ba. Nag aalala sya baka may lagnat nanaman ito. Dahan dahan nyang binuksan ang pinto, sinilip nya ito at nakita nyang tulog na si Elaine. Aalis na sana sya para bumalik sa kwarto nya ng di sya nakatiis at lumapit sa dalaga. Pinatong nya ang kamay nya sa noo nito para icheck kung may lagnat ito, buti na lang at wala na. Yumuko sya at hinalikan sa noo ang dalaga, pinagmasdan pa nya ito ng ilang minuto bago sya tulu
Dinala sya ni Alexandros sa may parteng pabundok ng isla, mula sa pwesto nila ay kitang kita nya ang halos kabuuan ng isla pati nadin ang dagat. Bumaba ang binata mula kay Spike at binuhat din sya nito pababa. Namamangha iniikot nya ang mga mata, halos kulay berde ang paligid nila na may mga bulaklak at mga puno.Itinali ni Alexandros si Spike sa isang puno at lumapit sa kanya. Nakangiting inilahad nito ang isang kamay sa harap nya, tinanggap naman nya ito.''I hope nagustuhan mo dito.'' Sabi nito sa kanya.''Ano kaba! Tingnan mo nga yung paligid natin, ang ganda!''''I'm happy that you liked it. But i want you to close your eyes, wag kang sisilip ha? aalalayan kita. Just trust me, Elaine.'' mahinang sabi nito sa kanya.Tumingin muna sya sa mga mata nito bago sya dahan dahan pumikit. '' I trust you, Alexandros.''Nakaalalay ito sa kanya habang dahan-dahan sila lumalakad. Mga ilang minuto din sila naglakad bago sila huminto.''Elaine, I want you to open your eyes slowly.'' sabi nito.S
Pagkatanggal nya ng blindfold ay syang tugtog ng isang musika. Nakita nyang nakatayo si Alexandros sa tabi ng isang mesa. Nasa may dalampasigan nga sila! May naka set up na table for 2 at may mga kandila papunta sa mesa. May hawak ang binata na bulaklak, bigla naman syang nakaramdam na parang may paru paro sa loob ng tyan nya.Halos mapunit na ang mukha nya sa pagkaka ngiti dito. Naglakad sya sa gitna at lumapit dito, kinakabahan sya. Hindi nya alam kung bakit may pa ganito ang binata sa kanya, first time din nya makaranas ng ganitong surpresa.Inabot sa kanya ni Alexandros ang bulaklak, tinaggap naman nya ito. “Para saan ito Alexandros?” hindi na nya napigilang tanong dito. “Gusto lang kita isurpise, hindi moba nagustuhan?” pinaghila pa sya nito ng upuan. Nakaramdam sya ng kirot sa sinabi nito, iba ang ine-expect nyang isasagot nito sa kanya. Para maitago ang disappointment sa mukha nya ay umupo na sya at inamoy ang bulaklak na bigay nito. “Gu..Gusto, salamat.” Umupo na ito sa har
“Alexandros..” She moaned as its lips went down to her neck.Hindi nya alam kung saan nya ipapaling ang mukha, nakikiliti na nasasarapan sya sa pakiramdam na hinahalikan ng binata ang leeg nya. Napapikit sya at napahawak ng mahigpit sa damit nito ng bigla nitong s*ps*pin ang kanan leeg nya. Nilalagyan sya ni Alexandros ng hickey! Naitulak nya ng konti ito ng marealize ang ginawa sa leeg nya. Pero hindi padin ito tumigil, mula sa leeg ay umakyat ang mga labi nito sa tenga nya. “You’re mine, Elaine. Kung kinakailangan na markahan ko ang buo mong katawan para malaman nila na akin ka ay gagawin ko.” Bulong nito sa tenga nya at sinakop muli ang mga labi nya.Tututol sana nya sa sinabi nito pero imbis na salita ang lumabas sa bibig nya ay napaungol na lamang sya. Nakipaglitan na sya ng halik dito, nadadala na sya sa init ng katawan nya. Binuhat sya ng binata at iniupo sa mesa malapit sa kanila. Tuloy padin ang halikan nilang dalawa. Naramdaman na lamang nya na sinira nito ang dress nya s
Nagising si Elaine dahil sa sunod sunod na doorbell, babangon na sana sya ng maramdamang may nakayakap sa kanya. Nanlalaki ang matang tiningnan nya kung sino yun, paglingon nya sa gilid nya ay mukha agad ni Alexandros ang nakita nya! Bigla naman pumasok sa isip nya ang mga ginawa nila magdamag. Namumulang napatakip sya ng bibig. Hindi nya akalain na magagawa nya ang mga bagay na iyon. Ang planong pagalis nya sa villa ay nauwi sa mainit na bakbakan kasama si Alexandros. Hindi nya maramdaman sa sarili na nagsisisi sya na binigay nya dito ang pinaka iniingatan nyang perlas. Dahan-dahan nyang inalis ang braso nito sa bewang nya, kumilos ang binata, pigil ang hiningang tiningnan nya ito. Buti na lamang at pumaling lang ito sa kabila at tulog padin. Sinubukan na nyang kumilos pero napangiwi sya, medyo masakit ang gitnang bahagi nya. Pinilit nya makabangon ng di nagigising ang binata at bumaba. Kailangan padin nya mag-ingat dahil hindi padin totally na gumagaling ang paa nya. “Sino ba yun