Share

Chapter 30: Regaining Friendship

Third-person’s Point of View

Ang panlulumong nararamdaman ni Felicity dahil sa ginawa nilang buong pamilya kay Elyana ay mas lalo pang nadagdagan matapos niyang makausap si Florentin at marinig ang mga bagay na ibinabahagi ng kaniyang matalik na kaibigan sa binatang Generoso. Habang nakikinig ay tila ba mga pako na ibinabaon sa kaniyang dibdib ang mga salitang kaniyang naririnig.

Nabanggit ng diborsyada kay Florentin ang balak niyang paglayo na lamang sa mga Martincu at ipupursige ang plano niyang paghahanap ng malawak na lupain upang pagtamnan ng mga cacao at kape.

Mabigat sa kalooban niya dahil mas matindi pa pala sa iniisip niya ang naging epekto ng ginawa nila. Isip-isipin pa nga lang ang lahat ay tila masisiraan siya ng bait paano pa kaya si Elyana na lahat ng mga ‘yon ay siya mismo ang nakararamdam at nakaranas? Hindi niya lubos na maisip kung gaano kabigat ang dinadala ni Elyana nang mga panahon na ‘yon at bilang isang kaibigan na dapat ay dinadamayan at iniintindi siya, isa pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status