Elyana's Point of ViewNang umalis si Felicity at wala na rin ang dalawang maid sa kwarto ko, I made a call to Florentin's sister-in-law. I have her personal number na ibinigay niya mismo sa akin if there's anything emergency or if I have something important to ask. Gusto ko siyang puntahan nang personal, but with how I look, parang nakakahiya. Baka madiri pa siya sa mga paso ko kaya tawag na lang.She got shocked when I told her what happened. Mabuti na lang daw at ayos ako at nakauwi na rin from the hospital. Hindi pa raw nabanggit sa kaniya ni Florentin what happened to me kaya ganoon na lang ang gulat niya. She explained na possible nga iyon if a person is suffering depression at dahil nakainom ako ng alak that time, my senses suddenly got numb. Ganoon din ang iniisip kong dahilan dahil there are people na kapag nadidisgrasya, the next day, they don't remember anything what happened to them. Ni hindi nila naramdaman na nasaktan sila.I saw a person on a party once na nabalian ng
Third-person's Point of View"Gusto kong maki-join sa meeting ninyo para may mai-suggest ako pero I'm already late to my office. Balitaan n'yo na lang ako mamaya pag-uwi ko!" ani Felicity na natataranta na sa pag-alis dahil may kliyente raw siyang nasa opisina na naghihintay.Nalaman kasi niyang tinawag ni Elyana ang lahat ng kasambahay sa kanilang mansion para makausap nang masinsinan. Nagtatakang naiwan si Elyana matapos marinig ang sinabi ng kaniyang kaibigan. Gusto pa sana niyang habulin para tanungin kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi nitong sa pag-uwi na lamang niya. Tila isa kasing puzzle at may iba itong ibig na sabihin sa mga salitang iyon. Nang matapos na sa mga gawain ang mga kasambahay ay inipon na niya sila sa hardin kung saan presko ang hangin at mas maaliwalas kumpara sa loob ng bahay. Gusto lamang niyang palitan ang ilang polisiya sa kanilang trabaho. Hindi na niya ipinalam sa kaniyang mga magulang dahil alam naman niyang sasang-ayon din sila kapag kanilang na
Oras na ng hapunan. Nakahanda na ang hapag-kainan nang lumipat ang tatlo sa maluwang na dining area upang pagsaluhan ang inihanda ng mga kasambahay.Nasa hapag- kainan na sila pero hindi pa rin matigil-tigil ang tuksuhan nina Florentin at Felicity na kay lakas pa ng mga boses na parang mga batang nagbabangayan.Hindi magkamayaw sa katatawa si Elyana habang pinanood sila. Maging ang mga kasambahay na nagsisilbi sa kanila ay hindi rin magkandaugaga sa katatawa dahil sa naririnig nila. Isang barako ba naman at isang baklang kay tinis ng boses at kay taray ang nagsasagutan.Naging paksa rin nila ang tungkol sa babaeng natipuhan ni Florentin na hindi maalala ni Elyana kung sino at anong itsura. Ayon kay Florentin ay kilala niya raw iyon at ang pangalan ay April. Tawa nang tawa si Felicity dahil akala niya noong una ay ang may edad na babae ang tipo nito dahil iyon naman ang kaniyang kliyente at hindi si April na anak ng may edad na babae. I-ma-match na nga raw niya sana ang may dalawang
Elyana's Point of View"Anong pakiramdam?" Kalalabas ko lang sa isang silid after my first laser treatment nang bigla namang lapit ni Felicity para usisain ako.Kasama ko siya. Mali pala—pinilit niya akong isama siya nang araw na 'yon.Ang O.A lang ni bakla akala mo kung saan ako pupunta para samahan pa niya. Ewan ba sa baklang 'yon, mula nang lumipat sa mansion dinaig pa niya nanay ko pagdating sa pag-aalaga. Kung bantayan ako e parang may mangyayari sa akin ng masama lagi.Isang linggo ko munang pinagaling mga paso ko bago dinala sa dermatologist. Sariwa pa ang ibang may kalakihan kaya inuna ang maliliit at tuyong-tuyo na. Hindi raw kasi pwede iyong kagagaling lang dahil maaring sariwa pa sa loob."Hindi naman masakit. May anesthesia naman kasi bakla," sagot ko sa kaniya at nilapitan ko na ang lamesa ng secretary para magbayad at nang sa ganoon ay makaalis na kami."Mabuti naman pala," usal niya at mukhang nakahinga na nang maluwag.Kung titingnan, para siyang nanay na tunay na dina
Third-person’s Point of View Buong biyahe ng dalawa pauwi sa mansion ay balisang-balisa si Felicity. Kinakabahan siya dahil tunay nga ang sinabi ni Florentin na tila may nagmamatyag kay Elyana. Nais niyang tawagan ang binata upang sabihan ito agad at nang sa ganoon ay makagawa sila ng paraan kung paano puprotekyunan ang kanilang kaibigan lalo na’t hindi sila nakatitiyak kung masama ba o mabuti ang ginagawa nitong pagmamatyag sa diborsyada. Habang nagmamaneho, panay ang tingin niya sa side at rear view mirror. Napakabilis ng kilos ng kaniyang mga mata na hindi nakaligtas kay Elyana. "Are you okay?" Nagtanong na ito nang hindi na makatiis. Naguguluhan kasi sa kinikilos ng kaniyang kaibigan dahil hindi mapakali at makapag-focus sa kanila lang dinadaanan. "Y-Yes, I am," mabilis niyang sagot ngunit kapansin-pansin na hindi dahil nautal ito nang magsinungaling. "E bakit parang natatae ka ba? Hindi ka kasi mapakali bakla. Baka mamaya madisgrasya tayo. Pwede namang ako na lang mag-drive
Third-Person's Point of ViewInaantok pa si Florentin dahil madaling-araw na siyang natapos sa kaniyang ginagawa nang nagdaang gabi ngunit pinilit niya pa ring bumangon upang pagbigyan ang hiniling na pabor ni Felicity. May mga ideya na sumagi rin sa kaniyang isip kung anong magandang gawin.Diretso siyang nagtungo sa banyo at paghubad ng suot na damit bago pumasok na sa shower area. Okupado ang isip dahil sa mga ideyang at tinitimbang kung alin ang nararapat na hakbang sa mga iyon. Sa pagbuhos ng tubig sa kaniyang katawan ay bahagya siyang nagitla dahil nakalimutan niyang buksan ang heater at kay lamig ng tubig na bumuhos. Sa kabila niyon, laking-tulong din dahil nagising ang kaniyang buong diwa para makapag-isip ng maayos at makapagpasya kung paano lubos na matutulungan si Elyana.Mabilis siyang naligo at nagsuot ng komportableng pares ng damit dahil tiyak siyang magiging nakakapagod ang kan'yang araw. Makalipas ang ilang minuto, nasa labas na siya ng kaniyang silid dala lamang ang c
Third-person's Point of View "Ang damot," naiinis na bulong ni Elyana bago talikuran si Florentin. Nagtatampo at animo'y isang batang kay haba ng nguso dahil hindi pinagbigyan sa kaniyang nais ni Florentin. Magkakaroon na sana siya ng portable coffee machine kung siya ang unang nakakita pero kamalasan lang at hindi. Habang palayo, kinumbinsi na lamang niya ang sarili na baka mayroon sa ibang mall at doon na lang siya bibili ng kaniya. Isa pa ay hindi naman iyon ang kaniyang pakay kaya sila nagpunta sa mall nang araw na 'yon. Masama man ang loob sa binata, ayaw naman niyang magalit sa kaibigan lalo na't lagi itong nand'yan kapag kaniyang kailangan. Gaya din ni Felicity, pero kung si Felicity ang kasama niya nang araw na 'yon at unang nakakita ng portable espresso machine, tiyak na hindi makikipag-agawan sa kaniya ay magpaparaya. Bigla na tuloy na-miss ang bakla. Nag-iisip na siya ng magandang iregalo sa dalawa. Di bale na kung mahal, ang mahalaga sa kaniya ay sa ganoong paraan ay
Isang galit na galit na Diane ang naiwan sa pool area matapos siyang talikuran ni Finn, ngunit mas pinili niyang pakalmahin ang sarili. Sa galit, isang hilam na luha ang mabilis na dumaloy mula sa kaniyang kaliwang pisngi na kaniya ring mabilis na pinunasan. Mabigat ang dibdib dahil tila wala pa rin kahit na katiting na pagtingin sa kaniya si Finn kahit ginagawa naman na niya ang lahat upang mahalin nito. Wala na si Elyana, hiniwalayan na siya ngunit parang wala pa rin sa kaniya ang atensyon ng lalaki. Patuloy lang nitong sinasaktan ang puso niya. Kaya niya pang magtiis nang kahit gaano katagal, ngunit ang makitang tila kahit anong paraan ay dehado pa rin siya ay nakapanlulumo naman talaga.Nais niyang maniwala na balang-araw ay magagawa rin ni Finn na mahalin siya. Pagmamahal na higit pa sa pagmamahal na mayroon siya kay Elyana. Bumalik na siya sa loob, dumiretso sa silid at kinuha ang mga gamit. Naisip niyang umalis muna at magpunta sa bukas na club. Nakabibingi kasi sa kaniya an