Share

Chapter 40: Someone Came Back

Oras na ng hapunan. Nakahanda na ang hapag-kainan nang lumipat ang tatlo sa maluwang na dining area upang pagsaluhan ang inihanda ng mga kasambahay.

Nasa hapag- kainan na sila pero hindi pa rin matigil-tigil ang tuksuhan nina Florentin at Felicity na kay lakas pa ng mga boses na parang mga batang nagbabangayan.

Hindi magkamayaw sa katatawa si Elyana habang pinanood sila. Maging ang mga kasambahay na nagsisilbi sa kanila ay hindi rin magkandaugaga sa katatawa dahil sa naririnig nila.

Isang barako ba naman at isang baklang kay tinis ng boses at kay taray ang nagsasagutan.

Naging paksa rin nila ang tungkol sa babaeng natipuhan ni Florentin na hindi maalala ni Elyana kung sino at anong itsura. Ayon kay Florentin ay kilala niya raw iyon at ang pangalan ay April.

Tawa nang tawa si Felicity dahil akala niya noong una ay ang may edad na babae ang tipo nito dahil iyon naman ang kaniyang kliyente at hindi si April na anak ng may edad na babae. I-ma-match na nga raw niya sana ang may dalawang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status