-=Gabby's Point of View=-"Nakita niyo ba ang batang ito?" tanong ko sa lahat nang makakasalubong ko, paulit ulit lang ako sa pagtatanong kong iyon, pero halos iisa lang naman ang nagiging sagot na nakukuha ko.Walang kahit na sino ang nakakita sa anak ko, ilang araw ko na din ginagawa ang bagay na iyon, umaasa akong kahit man lang isa ay may makapagturo sa kinaroroonan nang anak ko.Bilang isang ina ay hindi ako mapapakali na walang ginagawa habang nawawala ang pinakamamahal kong anak.Halos isang linggo na din kasi ang nakalipas nang mawala ang anak ko, at halos ikamatay ko ang mga araw na iyon, lalo na't hindi ko mapigilan hindi mag-isip ng hindi maganda.Halos mapudpod na ang suot kong sapatos sa layo nang nilalakad ko para sa paghahanap ko sa anak ko, naniniwala naman akong ginagawa ng mga pulis ang lahat para mahanap ang anak ko, pero hindi ko talagang kayang maghintay na lang sa isang tabi.Hindi ko ininda ang pagod at gutom, idagdag pa ang init ng panahon, patuloy pa din ako sa
-=Gabby's Point of View=-Ramdam na ramdam ko ang galit sa didbib nito, base na din sa pagbaba taas ng dibdib nito, maliban pa doon ay tila may madilim na aura ang nakapalibot dito ngayon.Nanatili lang itong tahimik habang patuloy na nagmamaneho, pero alam kong pilit lang nitong nilalabanan ang galit nito sa ginawa kong paglilihim ng tungkol sa anak namin.May karapatan naman siyang magalit sa akin, at kahit magsisi man ako sa ginawa ko ay huli na, at handa akong tanggapin anumang parusa ang ipataw nito sa akin, ang mahalaga ngayon ay ang mabawi ang anak ko.Nagulat na lang ako nang biglang huminto ang sasakyan namin, agad naman luminga linga ang paningin ko sa paligid at saka ko lang napagtanto na nakarating na kami sa mansyon ni Jayden, ni hindi ko nga alam kung saan parte na ba ng Pilipinas ang kinaroroonan namin, basta ang alam ko ay napapalibutan ng iba't ibang klase nang puno at kung ano anong ligaw na halaman ang mansyon ni Jayden.Agad naman bumaba ng kotse si Jayden at dumir
-=Jayden's Point of View=-"Please Jayden, don't do this to me, huwag mong ilayo ang anak ko!" hindi ko pinansin ang pagmamakaawa nito, gulong gulo na ang isip at nararamdaman ko sa mga nalaman ko ngayong araw na ito.Kahit anong tawag ni Gabby sa akin ay pilit ko iyong hindi pinapansin, I blame her kung bakit nawawala ngayon ang anak namin, kung hindi nito tinago ang bagay na iyon ay napangalagaan ko sana ang anak naming dalawa, kung nagtiwala lang ito sa akin ay baka.........A bitter smile appeared on my lips, I almost propose to her, I was planning on marrying her once we're in Norway, ngunit dahil sa takot nito na baka kunin ko lang ang magiging anak namin ay hindi nangyari iyon.Much as I hate to admit it, but I still feel hurt because of what happened, pero mas nananaig ngayon ang galit at pag-aalala ko sa anak kong hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki, pagkakataon na pinagkait sa akin ni Gabby.No wonder ganoon na lang ang naramdaman ko nang makita ko ang batang iyon, na
-=Gabby's Point of View=-"Kumain ka naman kahit kaunti?" narinig ko ang pag-aalala sa boses ni Ate Mel nang sinabi ang bagay na iyon, pero kahit anong pilit ko ay wala akong gana.Pitong araw na ang nakakalipas nang kausapin at ipagtapat ko kay Jayden ang tungkol sa anak namin, ni hindi ko alam kung nabawi na ba nito si Caleb at tinupad na nito ang banta sa akin na ilalayo sa akin ang anak ko, o hanggang ngayon ay wala pa din sa kanya ang anak namin.Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa labis na pag-aalala sa anak ko, kahit masakit ay gugustuhin ko pang mabawi ni Jayden ang anak ko basta malaman ko na ligtas ito, masakit oo, sino ba naman ina ang gugustuhin na malayo sa kanya ang kanyang anak, pero mas gugustuhin ko pa iyon basta alam kong ligtas ang anak ko.Naramdaman ko na lang ang kamay ni Ate Mel na banayad na humawak sa balikat ko, pinilit kong ngumiti para sana ipakita dito na ok lang ako, pero hindi ko nagawa, bagkus ay malayang dumaloy ang mga luha sa mga mata ko."Hindi ko
-=Gabby's Point of View=-Hindi ko maiwasang hindi maguilty sa ginawa ko kay Ate Mel, kinulong ko kasi siya sa cr ng kuwarto sa ospital, hindi ko na kasi kayang maghintay na lang, gusto kong ako na mismo ang kumilos, kesehodang itakas ko si Caleb sa ama nito.Thirty minutes na din siguro akong nagmamatyag sa mansion ni Jayden, sa totoo lang hindi ko akalain na makakapasok ako sa subdivision na ito nang walang kahirap hirap, nagpababa kasi ako sa taxi may kalayuan sa gate ng subdivision na iyon, pinag-aralan ko muna kung paano ako makakapasok, lalo na sa ganitong subdivision na siguradong puro mayayaman ang mga nakatira kaya paniguradong mahigpit ang security, pero nakahanap agad ako nang pagkakataon nang mapansin kong sandaling umalis sa puwesto nito ang nag-iisang security sa guard house matapos may tumawag sa mga ito na may emergency daw sa isa sa mga nakatira doon, kaya naman agad akong pumasok, matagal tagal din na paglalakad ang ginawa ko bago ko natagpuan ang mansion ni Jayden.
-=Jayden's Point of View=-I tried so hard not to be affected, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maalis sa isip ko ang ginawang pagmamakaawa ni Gabby sa akin, hindi ako dapat makaramdaman ng kahit na anong awa dito, nilayo nito sa akin ang anak ko, at sinaktan niya ako.Isang malalim na paghinga ang lumabas sa mga labi ko habang nakatingin sa anak ko na payapa pa din na natutulog, hindi ko nga sigurado kung aware ito na sinubukan itong itakas ng Mommy niya.Ilang araw na din itong tulog lang ng tulog, ayon naman sa doctor ay normal lang ito nang dahil sa nangyari, pero any moment ay magigising na din ito, na siyang kinakatakutan ko, paano na lang kung hanapin nito si Gabby, paano ko ipapaliwanag dito na hindi na niya puwedeng makita ang Nanay niya.Bago pa man pumasok si Gabby sa kuwarto ni Caleb ay alam ko nang nandito ito para kunin ang anak namin, there are CCTV's inside and outside the premise, mas lalo akong nagduda nang makita ko itong tila pinapakinggan ang loob ng kuwarto
-=Gabby's Point of View=-"Ano ba naman Gabby, alam kong miss na miss mo na anak mo, pero huwag mo naman patayin ang sarili mo." nag-aalalang sinabi sa akin ni Ate Mel, pero sa totoo lang ay parang wala akong naririnig na nakatingin lang sa malayo.Isang linggo na ang nakakalipas, pero hindi ko pa din nababawi si Caleb kay Jayden.I feel like a complete failure, I failed as a mother for protecting my son, at ngayon nga ay pinagbabayaran ko ang kasalanan na nagawa ko kay Jayden, ng dahil sa takot ko.I begged and begged, I even kneeled down, pero nanatiling bingi sa kahit na anong sabihin ko si Jayden.Nagulat na lang ako nang iharap ako ni Ate Mel sa kanya, at kita ko ang maluha luha nitong itsura habang nakatingin sa akin, hindi ko maiwasang hindi maguilty dahil hindi ko man lang naisip ito, nakalimutan ko na hindi lang akong mag-isa ang nasasaktan sa pagkawala ni Caleb dahil maski ito ay nasasaktan at maliban pa doon ay nasasaktan ito sa nangyayari sa akin."I know it's hard, pero p
-=Jayden's Point of View=-"Pangako, dadating ang Mommy mo." pinigilan kong magtagis ang mga ngipin ko habang sinasabi ang bagay na iyon, ilang ulit ko na bang sinasabi sa anak ko iyon, and I hate lying to him, dahil alam kong hindi naman mangyayari iyon, pero ito lang ang makakapagkalma dito, na hindi na masyadong nagiging effective sa pagdaan ng mga araw."Gusto ko na pong umuwi." nakita ko ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ng anak ko habang sinasabi ang bagay na iyon, hindi ko naman maiwasang hindi masaktan dahil alam kong nahihirapan ito, pitong araw pa lang ang nakakalipas at mukhang hindi na effective dito ang mga empty promises ko."But son, this is your home already, ako ang Daddy mo, gusto mo ba bilan kita nang maraming laruan." pilit kong pinapakalma ito, kahit na nga ba maski ako ay hindi mapigilan hindi magpanic."Uwi na lang po ako kay Mommy." tuluyan na itong umiyak, hindi ko naman alam kung paano aaluin ito, kaya naman mahigpit ko lang itong niyakap, na para bang