-=Gabby's Point of View=-"Ano ba naman Gabby, alam kong miss na miss mo na anak mo, pero huwag mo naman patayin ang sarili mo." nag-aalalang sinabi sa akin ni Ate Mel, pero sa totoo lang ay parang wala akong naririnig na nakatingin lang sa malayo.Isang linggo na ang nakakalipas, pero hindi ko pa din nababawi si Caleb kay Jayden.I feel like a complete failure, I failed as a mother for protecting my son, at ngayon nga ay pinagbabayaran ko ang kasalanan na nagawa ko kay Jayden, ng dahil sa takot ko.I begged and begged, I even kneeled down, pero nanatiling bingi sa kahit na anong sabihin ko si Jayden.Nagulat na lang ako nang iharap ako ni Ate Mel sa kanya, at kita ko ang maluha luha nitong itsura habang nakatingin sa akin, hindi ko maiwasang hindi maguilty dahil hindi ko man lang naisip ito, nakalimutan ko na hindi lang akong mag-isa ang nasasaktan sa pagkawala ni Caleb dahil maski ito ay nasasaktan at maliban pa doon ay nasasaktan ito sa nangyayari sa akin."I know it's hard, pero p
-=Jayden's Point of View=-"Pangako, dadating ang Mommy mo." pinigilan kong magtagis ang mga ngipin ko habang sinasabi ang bagay na iyon, ilang ulit ko na bang sinasabi sa anak ko iyon, and I hate lying to him, dahil alam kong hindi naman mangyayari iyon, pero ito lang ang makakapagkalma dito, na hindi na masyadong nagiging effective sa pagdaan ng mga araw."Gusto ko na pong umuwi." nakita ko ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ng anak ko habang sinasabi ang bagay na iyon, hindi ko naman maiwasang hindi masaktan dahil alam kong nahihirapan ito, pitong araw pa lang ang nakakalipas at mukhang hindi na effective dito ang mga empty promises ko."But son, this is your home already, ako ang Daddy mo, gusto mo ba bilan kita nang maraming laruan." pilit kong pinapakalma ito, kahit na nga ba maski ako ay hindi mapigilan hindi magpanic."Uwi na lang po ako kay Mommy." tuluyan na itong umiyak, hindi ko naman alam kung paano aaluin ito, kaya naman mahigpit ko lang itong niyakap, na para bang
-=Gabby's Point of View=-Masuyo kong hinahagod ang buhok ni Caleb, payapa ito habang natutulog, nang makita kong muli ang anak ko ay hindi ko napigilan maiyak, mas lalo iyong lumakas nang maiyak din ito, ramdam na ramdam ko ang pangungulila nito sa akin kanina."Puwede ka nang dumiretso sa kuwarto mo." nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Jayden, sa sobrang focus ko kasi kay Caleb ay hindi ko namalayan na nandoon din pala ito.Para akong nahihipnotismo habang nakatingin sa lalaking minahal ko.May kadiliman sa kuwarto kung saan kami naroon pero hindi ako nahirapan para makita ang guwapo nitong mukha, the face of the man I love, sandali kong pinakiramdam ang sarili ko at alam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa ako dito, pero base sa itsura nito ngayon ay masasabi kong wala na itong nararamdaman na kahit ano sa akin, marahil ay galit dahil sa ginawa kong pagtatago sa anak ko."Gu....gusto ko munang makasama ang anak ko." sagot ko naman dito, binalik ko na lang ang tingin ko kay
-=Jayden's Point of View=-"Shit!" sa loob loob ko, pinilit kong huwag maapektuhan pero parang nananadya naman na tila silang plaka na nagpleplay sa isip ko ang sakit na pilit na tinatago ni Gabby ng malaman nitong hindi ko siya isasama.Hindi dapat ako maapektuhan lalo na't iyon naman talaga ang gusto ko, ang masaktan si Gabby, pero bakit ganoon parang nasasaktan din ako.Kahit anong pagtatago ni Gabby kanina, ay agad kong napansin ang pinipigilan nitong mga luha.I tried to stay focus sa ginagawa kong pagdadrive pero patuloy pa ding sumasagi sa akin ang reaksyon ni Gabby, masyadong malalim ang iniisip ko na hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ng anak ko, kaya nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang pangangalabit ni Caleb sa akin."Sorry, Caleb, what's wrong?" tanong ko dito, sandali kong tinitigan ito nang saktong mag red light naman."Gusto ko pong kasama si Mommy." kita ko ang paglungkot ng itsura nang anak ko, kaya naman agad kong minaobra ang sasakyan ko, nag u turn ako
-=Jayden's Point of View=-Two weeks have passed nang ganoon ganoon na lang, dalawang linggo na din sa bahay si Gabby at sa loob ng dalawang linggong iyon ay minsanan na lang din ako mag stay doon, kung gusto kong makasama si Caleb ay pinapasundo ko na lang ito sa assistant ko.Alam ko naman kasi na mangyayari ito, I invited her because my son needed his mother, pero sa nangyayari ay hindi ko naibibigay ang buong atensyon ko sa anak ko."You're drinking again?" narinig ko naman sa bandang likuran ko, kahit hindi ko tignan kung sino iyon ay kilalang kilala ko ang boses na iyon."You know this is really your fault." matabang kong sagot sa bestfriend ko na si Isaiah, ni hindi man lang akong nag-abalang tignan ito, nagpatuloy lang ako sa iniinom ko.Nasa opisina pa kasi ako at kahit uwian na ay minabuti kong mag stay na lang muna dito at umuwi na lang kapag late na."Ano na naman ba ang kasalanan ko?" iritable nitong tanong sa akin, na umupo pa sa malapit sa inuupuan ko.Hindi ko na ito s
-=Gabby's Point of View=-Lumipas ang mga araw hanggang naging linggo, mula nang mangyari ang pamamasyal namin ng anak ko kasama ni Jayden ay naging maayos na naman ang lahat, ngunit napansin ko ang tila ba pag-iwas sa akin ni Jayden.Pilit kong sinasaksak sa isip ko na mabuti na iyon, na hindi na kami nagkikita, maiiwasan ko pa ang masaktan sa mga maaring sabihin nito o iparanas sa akin, pero bakit ganoon? Dapat makahinga na ako ng maluwang ng dahil sa nangyayari pero mas nasasaktan ako. "Good morning, baby, almusal na tayo." nakangiti kong aya sa anak ko, mukhang wala pang balak itong bumangon, kaya naman naisipan kong kilitiin ito sa tagiliran at ilang sandali nga lang ay napuno na ang kuwarto nito ng hagikgik nito.Matapos ko itong mapabangon ay agad kong inayos ang higaan nito, at agad kaming dumiretso sa dining room, kung saan nakahanda na ang almusal namin, katulad ng dati ay kaming dalawa lang ni Caleb sa hapag kainan, hinayaan ko itong pumili ng gusto niyang kainin at kahit
-=Jayden's Point of View=-"Shit! Shit!" hindi ko akalain na masasabi ko ang bagay na iyon, nang nalaman ko kasing nasa bahay si Bryan ay agad akong umalis ng opisina, sobrang pagseselos ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon, different scenarios were running into my head during that time.I just kept on driving without any clear destination in mind. Namalayan ko na lang na tinatahak ko na pala ang daan patungong Antipolo, tuluyan nang nagtago ang haring araw nang magdecide akong tumigil sa pagmamaneho.Nag decide akong lumabas ng kotse at nagtungo sa isang tagong parte sa lugar na iyon, I used to go here when I was still in college, kapag gusto kong takasan ang lahat ng responsibilidad na nakasalalay sa balikat ko.From afar ay nakikita ko ang mga ilaw sa mga bahay sa baba, getting ready to start their night, a mom preparing their dinner, a dad who just got home from work and their children who just got home from school.When people look at me, they see a confident and successful bu
-=Jayden's Point of View=-"This can't be happening." I keep muttering to myself, pero kahit na anong pagtangging gawin ko ay nasa kamay ko na mismo ang katibayan.Muli ay tinignan ko ang pinadalang mga reports ni Arman na para bang mababago non ang katotohanan."Bryan is Jared." nakumpirma ang hinala ko sa mga dokumentong pinadala ni Arman, ayon sa nakalap nito ay may mag-asawang Australyano ang nakakita kay Jared ng makatakas ito sa pumatay sa mga magulang namin, ayon din sa impormasyon na nakalap ni Arman ay dinala nang mag-asawa ang kapatid ko sa Australia at doon na ito lumaki.Ayon sa testimonya na iniwan ng mag-asawa sa mga pulis ay mukhang walang maalala ang kapatid ko marahil dala ng trauma.Sobrang tagal kong pinanabikan at pinangarap na makita ang kapatid ko, pero parang hati ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko ng kuhanin ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko, at agad kong dinial ang number na nakasave sa phone ko."Wha