Share

Chapter 13

NAGULUHAN si Katrina habang papunta sa kuwarto nila ni Enrico. Bukod sa iniiwasan niyang makita siya ni Joyce at malamang siya ang pinakasalan ni Enrico ay may kakaiba siyang inis na hindi maipaliwanag. Naiinis dahil malayang nakakausap o pinapansin ni Enrico ang dating fiance nito.

Pagkapasok ay sumandal muna siya sa isinara niyang pinto. Kung ano-ano ang naiisip niya. Aywan nga ba kung bakit kailangan pa niyang imagine-in ang pagkikita ng dating magkasintahan. Wala naman sana siyang pakialam doon. Labas na siya kung ano man ang mapag-usapan ng mga iyon.

Nainis lang siya sa sarili niya at sinaway ang sariling isip. Inilabas niya ang cellphone mula sa sling bag niya at pinadalhan ng mensahe ang kaibigang si Darren. Hindi niya matawagan dahil naka-busy ang linya nito.

Matapos ay inilapag niya sa ibabaw ng kama ang gamit at tumungo sa banyo. Nanlalagkit na kasi ang pakiramdam niya. Dagdag pa ang init ng situwasyon na nangpi-pressure sa kaniya.

"Darn! That's why I'm here to wash away
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status