Share

Chapter 31 Ang Request ni Judith

“JUDITH…””

Parang gustong humagalpak nang tawa ni Judith ng mga sandaling iyon. Kakaiba kasi ang pagbigkas ni Storm sa kanyang pangalan. Hindi iyon naiinis o nagpipigil ng galit kundi padaing. Wariý nahihirapan ito. Kaya, parang gusto niyang isipin na naapektuhan ito sa kanyang sinabi. Marahil nga ay nai-imagine na rin nito na sila’ý magkayakap at naghahalikan. Ngunit, hindi lang doon nagtatapos ang kanyang request.

Shucks, bulalas niya sa sarili. Hindi rin niya malaman kung paano niya nagawang sabihin ang mga ganoong salita gayung nu’ng isang araw ay nagwawala siya dahil rumehistro na naman sa utak niya ang kademonyohang ginawa sa kanya ng sariling ama. Ngunit, hindi naman maaaring lagi na lang siyang matatakot sa nakaraan na gusto na niyang ibaon sa limot.

Masyado pa siyang bata noon kaya hindi rin niya tiyak kung nagtagumpay nga ba ang ama sa ginawa sa kanya. Nang imulat niya kasi ang kanyang mga mata, naroroon na ang kanyang ina at ang kanyang Tatay Samuel. Iyak nang iyak ang
Maria Angela Gonzales

Sana ay nai-enjoy ninyo ang istorya nina Storm at Judith.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status