Share

I met Master Sev

Bago paman sila makalabas sa entrada ng mansyon ay may pumarada na at naghihintay sa kanilang isang black maybach. May nagbukas ng sasakyan at parehas silang sumakay roon. Tinanggal ni Katarina ang kamay niyang naka-abresiete sa matigas na braso ng lalaking bumili sa kanya ngayong gabi. Wala itong emosyon at sa malapitan ay nakakatakot ito dahil sa dami ng peklat nito sa mukha. Pero hindi maiaalis na napakagandang lalaki ito. Sa tangos lamang ng ilong at panga nitong lalong nagbibigay ng appeal. Dagdag pa ang nakapugong na buhok nito (man bun undercut). 

Katulad nito ay tumahimik lamang siya. At patuloy na hinilot ang kanyang paa na namimitig. Hindi manlang siya tinapunan ng tingin nito kung may masakit. Sila lamang sa sasakyan. Ngunit nakahihiya paring hanggang ngayon siya ay nakasuot ng two-piece at isang hila lang pagkakabuhol ay kakawala ang dalawa niyang bundok. Kaya niyakap niya ang sarili. At agad naman itong napukaw ang atensyon ng lalaki ngunit inismiran lamang siya at lumipat sa hita niya ang tingin nito kaya duon naman niya nilipat ang kanyang mga kamay para takpan. Lalo tuloy siyang naging katawa-tawa sa harap ng lalaki.

Gwapo ito pero parang sa ugali tagilid siya dito dahil parang nanguuyam pa ito at inismiran siya na parang nagdala lamang siya ng kahihiyan sa sarili. Buti na lamang ay huminto na ang sasakyan. Huminga siya ng malalim at pinilit lingain ang labas mula sa tinted na bintana. Muntikan na siyang napasusob dahil biglang bumukas ang pinto. Buti na lamang ay nahablot ng lalaki ang kanyang braso.

Wala parin itong sinabi kundi sinenyasan ang isang nakasuit na lalaki na alalayan si Katarina. Ngunit pakiramdam ni Katarina ay napahiya siya kaya kumawala siya sa umaalalay na lalaki. Tumayo siya ng matuwid kahit na maraming mga mata ang nagpipiyesta sa katawan niya. 'Walang nakakahiya kung isa kang babaeng bayaran' bulong niya at kahit nangingilid na ang kanyang luha ay pilit niyang ibinalik ito hinintay niyang makababa ang lalaking nagdala sa kanya rito. Ngunit bago paman ito lumabas ay babaeng dumating at kinuha ang kanyang kamay.

"Miss dito po tayo. Ipeprepare ko lang po kayo para kay Master" nanlaki ang mata niya sa narinig. 'Kanino ba kamo' bulong niya. Pero hindi siya nito sinagot bagkos ay inakay siya sa ibang direksyon palayo sa lalaking nasa sasakyan.

"Ahh Miss nasaan ba tayong lugar?" lakas loob niyang tanong sa babaeng naka-suit. Halos kasi ng mga tao ay nakasuot ng itim suit. Ano parang may funeral service lang na bongga. Huminto sila sa may tapat ng pool.

"Andito ka sa Villa ni Master Sev" matipid nitong sabi. Napatango nalang siya dahil ngayon alam na niya ang pangalan ng lalaking iyon. 'Sev'. 'Sobrang hikli baka naman 'Severino' o 'Servano, pero tunog naman apilyido..ahh basta bahala na' sita niya sa sarili  at napailing na lamang siya.

"Wow" bulalas niya ng makita ang isang harap ng Villa. At ang buong lugar na puno ng ilaw pati ang gazebo nito sa gilid mismo sa hardin.  Medyo nahiya pa siya dahil sa inasal na halata tuloy siya ay isang hampaslupa.

'Ang yaman pala talaga ni Master Sev' bulong niya.

Dumating sila sa pinto sa gilid ng hardin. Binuksan ito at bumungad sa kanya ang isang maliit na sala. Sumunod lamang siya inutos ng babae. Pinaghubad siya at sinuri ang kanyang bibig at para itong isang eksperto sa pageesamin sa kanyang katawan. Pinatalikod siya at sinuri pati ang kanyang pagka-babae.

Matapos ay dinala siya sa isang bathtub na punong-puno ng mga petals ng bulaklak at sobrang bango. Parang isang hari ang kanyang kliyente ngayong gabi.

"Matapos mo diyan ay maaari mo ng inumin ang tableta na nasa ibabaw ng table. Sumunod ka lang sa mga pinagagawa ni Master kung ayaw mong maparusahan" sabi nito habang may inaayos sa bandang kama. 

"Sino ba si Master Sev?"

"Huwag mo nalang alamin kung gusto mo pang mabuhay. Heto ang iyong susuutin" matapos iyon ay lumabas ito. Nagsimula siyang kabahan. Dahil sa sinabi nito. Isa bang kriminal ang kliyente niya? Ex-con or ano baka serial killer tapos after ng gabing ito siya ay itatapon nalang kung saan-saan. Umahon siya at pinagmasdan ang tableta sa lamesa. Isa lamang itong puting tableta ngunit hindi niya alam kung ano ang meron dito. Patuloy lamang sa pagtulo ang basa niyang katawan.

'Sino ba talaga siya?' tanong niya sa sarili. Hanggang sa unti-unting bumukas ang pinto. Agad siyang humarap sa pinto habang naguunahan sa kaba. At iniluwa nito ang lalaking kasama niya kanina. May hawak itong baso na ang hula niya ay alak ang laman at nagtama ang kanilang mata at kumunot ito.

"Hindi kaba inayos manlang ni Mira, malilintikan sa akin ang babaeng 'yan" usal nito. Naalala niya ang babala ng babae kanina about sa pagsunod. Pumasok sa isip niyang baka maparusahan ang babae kanina kaya tinakbo niya ang lalaki bago ito makalabas ng pinto.

"Sa-sandali Master" sigaw niya. Bumalik muli sa kanya ang mga mata nitong kasing lamig ng yelo. "Sa-saglit wala siyang ka-kasalanan. Aayusin ko ang sarili ko" bumalik ako sa lamesa at ininom ang tabletang iyon. Tanging bahala na lamang ang kanyang nasa isip. Bumalik siya para punasan ang sarili at sinuot ang itim na l*ng*rie. Tinungo ng lalaki ang maliit na sofa at duon inubos ang alak na hawak.

Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa lugar na iyon. Kaya ng lumabas siya ay maayos na ang kanyang itsura. Lumuhod siya sa harap ng  lalaki at sinimulan niyang tanggalin ang sapatos nito. Isa ito sa mga itinuro ni Devorah sa kanya kapag may isang mayamang kliyente at ganito ang sitwasyon. 'You are his maid, a personal maid at this moment'. Pero nagulat siya ng hawakan ng lalaki ang kanyang baba, iangat at magtama ang kanilang mga mata. 

"Who are you?" tanong nito. Nanlilisik ang kanyang mga mata kaya iniwas ni Katarina ang mga ito.

"Ka-Katarina Pi-Pierce" nanginginig niyang sagot. At agad naman itong binitawan ng lalaki. Ipinagpatuloy niya ang pagtatanggal ng sapatos nito.

"Paano ka napadpad sa lugar na iyon?" tanong nito.

"Dahil sa pera po" sagot niya.

"Pera? Lagi nalang 'yan ang dahilan!" sigaw nito

Hindi na muli pang sumagot si Katarina dahil alam niyang lasing na ito. At tumayo siya para naman tanggalin ang suit nito. Napalunok siya dahil hindi nito inaalis ang mga mata nito sa kanya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status