Share

Unexpected Auction

Nanginginig pa ang tuhod ko ng ipresinta ako ni Ms Lee sa isang kliyente. It was my first time na may malay ako. Hindi ako komportable sa suot kong black lace split side dress sobrang revealing. Kinindatan niya lamang ako at inakay na ako ng lalaki sa kanyang mamahaling kotse. Yung kotseng umaangat ang bubong. Mabilis siyang magpatakbo at alam ko namang hindi ako maaaring tumanggi sa mga gusto niyang ipagawa sa akin. Ito ang buhay ko at kinasadlakan kong trabaho.

Tahimik lang siya sa b'yahe at palihim ko siyang tinitignan. Sabi ni Devorah mas gusto nilang tahimik lang ang mga escort. May kasama sa mga party, events at sa mga under the table negotiation at kung malas malasin ay sa den ng mga nasa ibang mundo dahil sa d***gs. Titiisin ko lang ang gabing ito at pasasaan ba't matatapos din. Pumasok kami sa isang malaking gate. Kusang bumubukas nakakamangha pero bumalik ang tingin ko sa kasama ko. Ngumiti lang siya sa akin.

"You look unhappy, scared and what is you name, please?" tanong niya.

"It doesn't matter, Sir" sagot ko sa kanya at inirapan.

At naglabas siya ng isang stick ng sigarilyo at inialok ako. Kumuha ako at sinindihan naman niya ito. 'Hmmm ang bango amoy strawberry' kaisip-isip ko. At nakita ko ang repleksyon niya sa tinted na salamin. Tumango siya at yumuko ng kaunti. Matagal kaming naroon sa loob ng kotse kahit nakahinto na kami sa harap ng napakalaking mansyon. Umangat ang bubong kotse.

"Don't worry it's just a party! Siguro ngayon sasagutin mo na ang tanong ko kung anong pangalan mo?" muling sabi nito.

"I'm Alec. Yes, Alec for tonight at your service"

"Nice to meet you Alec, you seem so mystery girl"

Noon ko nalamang tulad ko first time lang din niya na maghire ng isang escort. Hindi siya kagwapuhan at maliit kaysa sa akin. Siguro hanggang punong tenga ko lang siya pero gentleman at okay narin siguro iyon.

"It was your first time?"

"No, It was yours. Halos lahat ng babae sa TVC kilala ako. Co-owner ako ni Ms Lee. Lahat sila dumadaan sa akin bago ipasa sa iba. Kaya lahat sila halos maglatag ng red carpet pagpumupunta ako.

'This is Mr Carusso, a known 'EMPEROR' sa TVC' para akong tanga dahil hindi ko siya kilala. Bakit kailangan bang kilalanin ko sila.

"I'm sorry Sir, hindi ko po kayo kilala at bago lang po ako"

Umiling siya at napahawak sa batok niya. "You don't need to. Basta i-enjoy mo lang ang buhay mo nakakalungkot ang nangyari sa kasama mo dun. But, let's not suffer same stupidity as her" sabi niya ng may seryoso sa kanyang mukha.

Inakay niya ako sa entrance ng Mansion. "Maraming prominenteng tao dito sa party. Nandito tayo para makibahagi sa isang auction at ikaw ang kandidato ko"

May 'k' ba akong tumanggi dahil hindi siya isang kliyente. Ako ang entry card niya para sa gabing ito. Lumakad kami papalapit sa maraming mga taong na nakaupo don. At isang lalaking naka-suit ang lumapit sa amin. "Mr Carusso, ipeprepare ko na po si Ms-" sabi nito

"Alec" sagot ni Mr. Carusso at inilipat niya ang aking kamay sa braso ng lalaki.

"Ms. Alec, magstart na ang Auction kaya kailangan na po namin kayong iprepare" sabi nito.

"Go ahead, Alec maguwi ka ng maraming pera" sabi niya sa akin at kinintalan niya muna ako ng halik. Gusto kong masuka ng oras na iyon dahil unti-unting nagiging madilim ang kalakaran ng pinasok kong trabaho. Sumama ako sa lalaki. Pumasok kami sa isang silid at ipinasa niya ako sa isang babae. Agad naman ako nitong inasikaso at nakita ko ang ilang babaeng may mga suot na two-piece.

"Ms. palitan mo na ang damit mo. Ikaw nalang ang huling candidate" sabi niya at iniabot sa akin ang isang bag. Hindi ako nagkakamali 'another two-piece'. Huminga ako ng malalim at kahit na naiinis ako ako dahil feeling ko naloko ako at napasubo ako sa ganitong buhay.

Nagsimula na ang Auction kaya sunod-sunod kaming pumila. Para kaming mga isda sa supermarket. Ako ang pinaka matangkad sa mga babae. Nagstart ang magbid ang ibat-ibang lalaki na nakaformal suit doon. Lahat sila ay nakatingin sa mga babaeng nakasalang sa harap ngunit may pares ng mata ang hindi interesado sa mga naroon. At ng magtama ang aming mata ay iniwas ko ito. Nilipat ko sa ibang direksyon. Aaminin kong may itsura siya at hindi ko maitatangging tumalon ang puso ko ng makita ko siyang napatingin sa akin. Napunta sa MC ang aming atensyon ng magsalita ito

"Ladies, and Gentleman may I have your atention, Please!. Lahat kayo ay may pagkakataong makakapili sa ating mga naggagandahang dilag na narito. At nagpapasalamat tayo kay Sir Carusso na nagdala ng mga naggagandahang dilag. Ngunit hindi ba mas excting kung susuutan natin sila ng mask. Tutal nakita ninyo na ang kanilang mga mukha?" sabi nito. May mga lumabas na nakapormal na lalaki at isa-isa kaming sinuutan ng maskara. Hindi ko mapigilang ibaling ang aking paningin sa kanya. Sa lalaking aking nakatitigan. Hindi na ako mapakali dahil he was intensely looking at me kaya nilipat ko ulit ang paningin ko dahil sa pagkakataong ito ay kinakabahan ako. 'Sana ay siya na lamang ang makasama ko ngayong gabi, was I asking too much?' kaisip-isip ko.

Halos mangawit na ako sa pagkakatayo dahil sa suot kong heels. Ako na ang susunod. Kahuli-hulihan sa mga babaeng God knows where are they now. Nagstart silang magtawanan dahil napansin nilang nangangatog na ang tuhod ko dahil sa matagal na pagkakatayo. Kaya kahit nakakahiya, tinanggal ko ang heels ko at binitbit. Isa pa ay malamig sa at two-piece lang ang suot ko. Kaya napayakap ako sa aking sarili.

Umugong ang halakhakan ng lahat. At si Sir Carusso ay tumalikod na dahil sa oras na ito ay kahihiyan niya ito.

"Okay, So Ms. ramdam nanamin ang pagod mo so, wag nanating patagalin pa ang gabing ito. Kita ninyo naman sa haba ng legs niya at sa kanyang dibdib sino ang hindi mag-bibid.." para niya akong isdang inaalok sa mga matatanda na naroon.

May tatlong nagtaas at isa-isa itong nabigyan ng pagkakataong magsabi ng presyo. '3million, 4million at ang huli 4.5million at may sumunod pang 5million. I-Aanounce na ng MC kung saan ako mapupunta ng biglang may magtaas ng card. Akala ko ay wala na siya roon dahil hindi ko na siya nakita.

"50 million" sabi niya. Napakagaspang ng boses niya at nakakatakot siyang magsalita. Nabalot ng katahimikan ang lahat pati ang MC ay nautal. "5-50 M-million, sold." At inakay ako ng isang lalaki papunta sa kanya. Tunay bang dininig ng langit ang dasal kong mapunta sa kanya. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko. Marahil ay naririnig niya ito ngunit hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. He remained cold and indifferent towards me. Hindi niya ako hinawakan manlang kaya inarko ko ang aking braso sa kanya. It was a gesture of a w***re like me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status