Share

Chapter 26

Isang linggo na ang nakalipas nang umalis siya sa mansyon ng mga Montefalco. Sa isang linggo na iyon malaki ang ipinagbago ng kanyang katawan. Hindi siya makatulog ng maayos sa gabi dahil naging praning siya. Na baka puntahan siya ni Enrico sa kanyang bahay at patayin.

Kaunting kaluskos lang naging alerto na siya. Nakasarado ang kanyang buong bahay. Wala ring nakakaalam na kapitbahay niya na nariyan na siya. Mabuti nalang at may mga stocks siya sa kanyang tindahan, iyon ang naging konsumo niya sa isang linggo.

Sabado. Nasa bayan siya, hinihintay ang pagdating ni Nenita. Hindi siya umaasa na pupunta rito ang dalaga pero nagbabakasali siya.

Nakapurong ang kanyang ulo at mukha. Kinakabahan siya na ilantad ang kanyang mukha dahil baka nasa paligid lang si Enrico.

Uuwi na sana siya nang makita niya si Nenita na may maraming bitbit na pinamili. Nagmadali siyang lapitan ito. Palinga-linga pa siya paligid bago kinalabit ang dalaga.

"Nenita."

Gulat na nilingon siya ng babae. "Nadia? Baki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status