Share

Chapter 7

Halatang nag-enjoy si Feng sa mga oras na iyon. Hindi niya inalintana ang kanyang nakikitang mga holographic images 'pagkat mistulang makatotohanan naman ang lahat. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas sila sa silid na may baong mga ngiti habang makikita pa rin sa kanyang hitsura ang pagiging tulala dahil iyon pa ang natatangi niyang karanasan sa unang pagkakataon.

"Ano na ang susunod nating pupuntahan?" Tanong niya kay Larry habang sinimulan na naman ang pagtutulak sa wheel chair.

"Dumeretso tayo sa room 15," tugon naman nito sa kanya na may paggagalak pa sa mukha.

"Teka, room 15? Ibig mo bang sabihin..." Bahagya siyang napatigil nang mapansin niya ang malaking numero na nakadikit sa may pintuan ng silid. Nagulat rin siya nang mapagtantong may limang kwarto muna silang dapat lagpasan bago makarating sa sinasabing ika-labing limang kwarto.

 "Seryoso ka ba?" Dagdag niyang tanong na parang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status