Share

Chapter 32.2

HINDI pa rin lubos makapaniwala si Aimen na kaharap niya ngayon si Calista na buong akala niya ay ilang buwan ng patay. Hindi maalis-alis ang mga mata niya rito habang nakaupo ito sa sofa karga-karga ang anak na si Morgan. Wala pa ring kupas ang ganda nito kahit pa isa na itong ina ngayon.

Ang mas lalo pang nagpagulat sa kaniya ay ang mga isiniwalat nito tungkol sa mga nangyari sa buhay nito noon sa Montgomery at sa mga nangyari nang gabing namatay rin ang mga umampon dito sa kan'ya.

"Can you take care of my Morgan, Aimen?" biglang tanong sa kaniya ni Calista nang hindi man lang inaalis ang tingin sa anak.

Nagulat siya. "W-what do you mean?"

Tiningnan siya ni Calista. Nagmamakaawa ang mga titig. "Pwede ko bang iwanan sa'yo ang anak ko?"

Napalunok siya at nag-alangan. "H-ha?"

Batid ni Calista ang pag-aalinlangan ni Aimen. Hindi rin naman kasi madali ang hinihingi niyang pabor.

Umusog siya palapit kay Aimen at hinawakan ang kamay nito. "Ikaw lang kasi ang naiisip kong pwede kong pag-iwan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status