Share

Chapter 39

NAGTAKA si Clyde nang dumating na siya sa address na ibinigay sa kaniya ni Allen. Isa iyong restaurant. Sinilip niya ang loob mula sa glass wall. Payapa naman sa loob at mukhang wala namang nangyayaring kakaiba. Mayamaya lang ay may lumapit sa kaniyang waiter.

"Magandang..." Sandaling huminto ang waiter at tumingala sa unti-unti nang dumidilim na kalangitan, "gabi, Sir," nakangiting patuloy nito. "Ikaw po ba si Captain Martin?"

Naguguluhan man sa mga nangyayari at kung paano siya nakilala ng waiter ay tumango na lamang siya.

Iminuwestra ng waiter ang kamay papunta sa entrance ng restaurant. "This way, Sir."

Hindi siya kumilos at seryoso lamang na tiningnan ito. Mukhang napansin naman nito ang pag-aalinlangan niya dahil muli siyang nginitian nito.

"Ibinilin ka na po sa amin ni Sir Allen," wika nito.

Bahagya nang napanatag ang kalooban niya nang banggitin ng waiter si Allen. Ibig sabihin okay lang ito. Pero... bakit naman siya pinapunta nito roon?

Nang nasa loob na sila ay iginiya siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status