Share

Chapter 44

HINILOT-HILOT ni Marcus ang palapulsuhan matapos suntukin sa mukha si Clyde. Nasapo niya ang kaniyang ulo dahil sa biglang pagkahilo dulot ng alak na ininom niya.

Hindi niya maiwasang ma-guilty habang tinitingnan si Clyde na nakabulagta sa kalsada at walang-malay. Iyon kasi ang unang pumasok sa isip niya na gawin para mabawi rito ang bracelet ni Calista.

"Sigurado akong nakita na kita noon... pero saan?" nagtataka niyang tanong habang tinititigan ang mukha ni Clyde. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito subalit sa dami na ng mga taong nakasalamuha, hindi niya na maalala kung saan niya ito nakita noon. Umiling-iling na lamang siya. "Hindi na iyon importante."

Hinila niya si Clyde patungo sa gilid ng kalsada at pinasandal sa isang puno. Sunod, nagsimula na siyang kalkalin ang laman ng bulsa ng suot nitong leather jacket. Napangiti siya nang nakuha niya na ang bracelet ni Calista.

Tiningnan niya nang masama si Clyde. Iniisip niya kung paano napunta rito iyong bracelet gayong hindi naman ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status