SOBRANG naiinis si Clyde nang dumating siya sa kanilang kampo. Nalaman niya kasi na dumaan lang naman doon ang Tito niya para tingnan ang lugar pagkatapos, umalis din kaagad. Ni hindi niya nga rin nakausap ito dahil hindi niya na rin naman ito naabutan.Tiningnan niya si Allen na ngayon ay tatawa-tawang nakaupo sa silya habang nanonood ng video sa cell phone nito. Naroon sila ngayon sa isa sa mga tent nila."Aren't you supposed to go back to your teammates? Kanina pa dapat kayo nagsimulang mag-training.""Kakilala mo pala Sir si Ate Calista," nakangiting sabi ni Allen habang naka-focus pa rin ang mga mata sa pinanonood. Tila hindi man lang nito binigyan ng pansin ang sinabi niya.Dahil sa sinabi ni Allen ay nagpasya siyang alamin na lang dito ang mga gusto niyang malaman. Kinuha niya ang cell phone nito at ipinatong sa mesa. Nagtataka namang napatingin ito sa kaniya."Paano mo siya nakilala, Trinidad?""Si Ate Calista po?"Tinanguan niya ito. "Siya nga.""Kaibigan po siya ni Ate Aimen
NAPALINGON si Clyde sa mababang tarangkahan ng bakanteng lote sa tabi ng kanilang barracks nang marinig na may pumalakpak doon. Nakita niya si Allen na nakatayo roon at nakangiti siyang tinitingnan. Dahil sa nakatuon ang buong atensyon niya sa pagsasanay ay hindi niya namalayan na pinanonood pala siya nito. Itinukod niya ang dulo ng hawak na espada sa lupa at nakasimangot na tiningnan ito.Sumaludo si Allen sa kaniya na bihira lang naman niyon gawin. Marahil nagbigay pugay ito sa kaniya dahil naroroon din ang ilan sa mga sundalong sakop niya.Tumungo siya sa bahagi ng tarangkahan kung saan nakasabit ang tuwalya niya. Kinuha niya iyon at nagpunas na ng pawis. Lumapit naman sa kaniya si Allen."Galit na galit, Sir ah," sabi nito.Hindi siya sumagot dahil halata naman iyon sa bawat wasiwas niya ng kaniyang espada. Inaamin niya, hindi siya nakatulog nang maayos dahil doon sa lalaking kasama ni Callie kagabi. Ang dami niya na ngang problema ay dumagdag pa ang lalaking iyon."Pwede ko bang
"THEN, was it you?" tanong sa kaniya ni Clyde.Nagulat si Calista sa tanong ni Clyde ngunit sa abot ng kaniyang makakaya ay ginawa niya ang lahat para patatagin ang anyo."Pinaparatangan mo ba ako?" Bakas sa tono ng pagsasalita niya ang inis.Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Clyde at nginitian na siya ulit. "Well, hindi mo naman kasi sinasabi sa akin kung ano talaga ang nangyari kaya wala akong ibang magawa kundi ang manghula."Mas lalo siyang napasimangot sa sinabi nito. Alam niya na sobrang laki na ng atraso niya rito dahil sa dami na ng mga lihim na itinatago niya subalit hindi niya lubos maisip na kaya siya nitong pag-isipan ng ganoon. "At 'yan ang naisip mo?"Naiiling na natawa si Clyde dahilan para mas lalo pa siyang mainis. Pinag-ti-trip-an ba siya nito? "I was just provoking you to tell me the truth," sabi nito.Inirapan niya ito at nilayuan nang kaunti. "So, ito pala iyong sinasabi mo na hindi mo ako pipiliting magsalita," sarkastiko niyang sabi. "Liar."Umark
HINDI kaagad na nakapagsalita si Clyde matapos marinig ang sinabi ni Calista. Hindi niya inaasahan iyon ngunit hindi na rin naman siya nagulat. It seems like he already knew that that time would come sooner or later."You should at least tell me the reason why I should stop seeing you," seryoso niyang sabi kay Calista.Muli, nag-iwas ng tingin si Calista. "I just don't want us to be together again."Nasaktan siya sa sinabi nito. Ito ba ang nararamdaman nito simula noong unang beses silang nagkita ulit doon sa Barry Hills?Sa kabila ng sama ng loob na nararamdaman ay hindi niya iyon ipinakita. Tinanguan niya lang si Calista. "Fine."Nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito nang kaagad siyang pumayag sa gusto nito."Pero bago ko gawin 'yang gusto mo, you should also do something in return. Tell me everything." Binigyang diin niya ang huling salita niyang sinabi."There's nothing to tell, Clyde. Anim na taon na ang lumipas... Wala na rin namang mababago kahit pa sabihin ko sa 'yo ang mga
PAGKABABA na pagkababa ni Clyde ng minaneho niyang army truck ay ang grupo ng kapulisan at ang mga nag-uumpukang mga tao ang bumungad sa kaniya. Nabalitaan niya na nagkaroon ng patayan kanina sa isang eskinita malapit sa palengke at hindi niya inasahan na bigla siyang tatawagan ng chief of police ng Barry Hills. Hindi kasi pangkaraniwan iyon dahil tinatawagan lamang sila ng mga ito sa tuwing ang krimen ay may kinalaman sa mga taong-lobo."Captain Martin," salubong sa kaniya ni Chief Montezor, ang chief of police sa bayang iyon. Sumaludo ito sa kaniya at ganoon din ang ginawa niya rito.Pinatabi ni Chief Montezor ang mga usyosero at sinamahan siya papasok ng eskinita, doon sa crime scene.Bumungad sa kaniya ang bangkay ng isang lalaking sa tantiya niya ay nasa treinta ang edad. Bukod sa naliligo na ito sa sariling dugo ay halos humiwalay na ang ulo nito sa katawan dahil sa tindi ng tama nito sa leeg.Nilapitan niya ang bangkay at sinuri ang sugat. Nagtagis ang kaniyang mga bagang nang
"NAIPADALA na ba ang mga sundalo sa mga designated sites nila?" tanong ni Clyde kay Lieutenant Navarro. Kasama niya ito ngayon sa opisina niya at pinag-uusapan nila ang mga hakbang sa ginagawa nilang imbestigasyon sa naganap na krimen kahapon.Nagpasya sila na magsagawa ng checkpoint sa iba't ibang bahagi ng Barry Hills para masiguro ang siguridad ng lahat."Opo, Sir. May mga bantay na po sa entrance at mga posibleng exit points. Pinasama ko na rin po sa kanila ang mga trainees," sagot ni Lieutenant Navarro habang nakatayo nang tuwid sa kaniyang harapan.Tumangu-tango siya. "S'ya nga pala, pumayag na ba si Ms. Pedroso na makausap niyo siya?" tanong niya. Inutusan niya kasi ito na ito na ang kumuha ng statement ni Annie ukol sa nangyaring krimen dahil may iba siyang inaasikaso."Negative, Sir. Katulad po ng iniutos niyo kahapon, pinuntahan namin siya kagabi sa apartment na tinutuluyan niya. Pero ayaw niyang humarap sa amin kaya ang nanay lang niya ang nakausap namin," sagot naman ni Li
HINDI mapakali sa opisina si Clyde. Palakad-lakad siya sa harapan ng kaniyang mesa habang iniisip ang mga isiniwalat sa kaniya ng bago nilang witness na nakausap niya kanina nang pumunta siya sa presinto.Ayon sa witness, bukod kay Jack Manabat na isa sa mga suspek ay nakita rin nito si Mang Dante kasama ang mga tauhan nito sa talyer. Inaalalayan ng mga ito palabas ng eskinita si Annie at ang isang lalaki na bigo namang mapangalanan ng witness.Bagama't hindi tukoy ng saksi ang pangalan ng lalaki, nagawa pa rin iyong makilala ni Clyde base na rin sa pagkakalarawan nito rito. Sabi ng witness ay ito raw iyong nobyo n'ong magandang babae na nakatira roon sa lumang tenement. Malakas ang hinala niya na si Calista ang babaeng tinutukoy ng saksi dahil sa pagkakalarawan na rin nito rito. Marami rin kasi sa mga naninirahan doon sa Barry Hills ang nakakakilala kay Calista dahil sa taglay nitong pambihirang kagandahan. Hindi niya napigilan ang sarili kanina na mapailing-iling nang sabihin ng wi
MAY pag-aalalang napabuntong-hininga si Calista habang binabasa ang nakapaskil sa malaking bulletin board na inilagay sa plaza. Laman ng bulletin ang inilabas na bagong ordenansa sa kanilang bayan ukol sa ipapatupad na curfew. Sigurado siyang utos iyon ng mga sundalo ng WW-Force upang igtingan ang pagbabantay sa kanilang bayan laban sa kanilang mga taong-lobo.Ramdam at kita niya sa mga residente ang takot at pag-aalala.Umalis na siya sa harapan ng bulletin nang nagsimula nang kumapal ang tao na gusto ring mabasa ang nasa bulletin board.Paalis na siya ng plaza nang bigla na lang may humablot sa kamay niya. Napakunot siya nang makitang si Clyde iyon."Kailangan kitang makausap," sabi nito.Kinakabahan man ay pinilit niyang hindi ipahalata iyon kay Clyde. Tinanguan niya ito at saka binawi ang kamay rito. "Tungkol saan?"Bago sumagot, iginiya muna siya nito sa tabi, malayo sa mga taong naroroon sa plaza."I want you to stay away from Marcus," walang paliguy-ligoy nitong sabi.Nagpakawal