Share

Chapter 49

"NAIPADALA na ba ang mga sundalo sa mga designated sites nila?" tanong ni Clyde kay Lieutenant Navarro. Kasama niya ito ngayon sa opisina niya at pinag-uusapan nila ang mga hakbang sa ginagawa nilang imbestigasyon sa naganap na krimen kahapon.

Nagpasya sila na magsagawa ng checkpoint sa iba't ibang bahagi ng Barry Hills para masiguro ang siguridad ng lahat.

"Opo, Sir. May mga bantay na po sa entrance at mga posibleng exit points. Pinasama ko na rin po sa kanila ang mga trainees," sagot ni Lieutenant Navarro habang nakatayo nang tuwid sa kaniyang harapan.

Tumangu-tango siya. "S'ya nga pala, pumayag na ba si Ms. Pedroso na makausap niyo siya?" tanong niya. Inutusan niya kasi ito na ito na ang kumuha ng statement ni Annie ukol sa nangyaring krimen dahil may iba siyang inaasikaso.

"Negative, Sir. Katulad po ng iniutos niyo kahapon, pinuntahan namin siya kagabi sa apartment na tinutuluyan niya. Pero ayaw niyang humarap sa amin kaya ang nanay lang niya ang nakausap namin," sagot naman ni Li
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status