Share

Chapter 54

HINDI nagsalita sina Calista at Clyde sa buong panahon ng kanilang biyahe. Tahimik lamang si Calista na nakatanaw sa labas, sa madilim nang kalsada samantalang si Clyde naman ay abala sa pagmamaneho.

Hindi inaasahan ni Clyde na pakikiusapan siya ni Calista na samahan niya ito ngayong gabi. Bukod kasi sa kapansin-pansin na pag-iwas nito sa kaniya simula pa noong muli silang nagkita ay alam niya rin na masama pa rin ang loob nito dahil sa ginawa niyang paghuli kay Marcus.

Sa kabila ng pagtataka ay isinantabi niya na muna iyon pansamantala. Hindi rin naman kasi masamang ideya para sa kaniya ang samahan muna si Calista sa gabing iyon. Bukod sa gusto niya itong makasama ay hindi rin siya panatag na iwanan ito nang mag-isa roon sa tenement lalo pa't wala siyang tiwala sa mga kapit-bahay nito.

"Bakit tayo nandito?" nagtatakang tanong ni Calista sa kaniya nang iparada niya ang sasakyan sa tapat ng isang motel.

"Hindi kasi kita pwedeng dalhin sa amin," sagot niya habang inoobserbahan ang pali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status