Share

Chapter 61

LUBHANG napakabigat ng pakiramdam ni Clyde nang unti-unting bumalik ang kaniyang ulirat. Higit na masakit ang likod ng kaniyang ulo dulot ng pagkakapalo sa kaniya kanina. Dahan-dahan siyang dumilat. Bagama't umiikot ang paningin ay pinilit niya pa ring suyurin ng tingin ang paligid.

Nasa loob siya ng isang madilim na silid at tanging ang maliit na bombilya lamang sa tapat ng ulo niya ang nagbibigay ng munting liwanag sa kapaligiran. Wala ring mga bintana sa silid at tanging isang pintuan lamang ang maaaring madaanan paalis doon. Ikiniling niya ang kaniyang ulo sa kanan niya at nakita ang isang parihabang mesa. Sa ibabaw n'on ay nakapatong ang maraming mga bote na sa tingin niya ay mga gamot. Agaw pansin din doon ang mga nakahilerang hiringgilya na naglalaman ng mga kulay asul na likido.

Tinablan siya ng matinding kaba nang makita ang mga iyon. Sinubukan niyang bumangon mula sa pagkakahiga subalit hindi siya natinag sa kaniyang puwesto. Saka niya lang napagtanto na nakatali pala ang kan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status