Share

Chapter 66

PUNO ng takot at pighati na pinasadahan ng tingin ni Calista ang mga nasusunog na bahay sa kanilang tribo. Ang kalansing ng mga espada, putok ng mga baril, galit na ungol ng mga kalahi niya, at sigawan ng mga sundalo ang halos pumuno sa buong kagubatan. Ito na ang pinaka kinatatakutan niya.

Dumako ang tingin niya sa nanginginig niyang mga kamay. Balot na balot ang mga iyon ng dugo, hindi niya matukoy kung pag-aari niya ba ang mga iyon o sa kanilang kalaban.

Sa gitna ng makapal na usok at nasusunog na mga bahay, naaninag niya ang unti-unting paglitaw ng isang anino. Sa isang iglap, lumitaw sa kaniyang paningin si Clyde. Puno ng galit ang mga titig nito sa kaniya. Gusto niyang magsalita upang magpaliwanag subalit tila nawala ang kakayanan niyang makapagsalita dahil walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Sinubukan niya ring kumilos subalit bigo rin siyang magawa iyon dahil tila napako na siya sa kaniyang kinatatayuan. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang tanawin na lang si Clyde.

B
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status