"BAKIT biglaan mo naman po yata silang pinagsanay na humawak ng sandata? May problema po ba, mahal na Reyna?" tanong kay Calista ni Mang Sebastian. Nakatayo sila sa terasa ng mansiyon habang pinanonood ang mga batang taong-lobo na tinuturuan ni Mang Dante sa paggamit ng espada at palaso.Bumuntonghininga si Calista. Ilang araw nang kakaiba ang nararamdaman niya. Bigla-bigla na lamang siyang kinakabahan at madalas din na hindi makatulog nang maayos sa gabi. Iba ang kutob niya sa mga nararamdaman niya. Tila ba isa iyong babala na may mangyayari na namang hindi maganda. Hindi man niya tiyak kung may katuturan ang mga hula niya, mas mabuti nang maging handa sila.Nilingon ni Calista si Mang Sebastian sa kaniyang tabi. "Wala naman po, Mang Sebastian. Gusto ko lang na matuto silang ipagtanggol ang mga sarili nila kung sakali mang may magtangka sa buhay nila. Matagal ko na dapat ito ginawa subalit masyado akong naging kampante at hindi inisip nang mabuti ang mga naging desisyon ko.""Paano ku
PUNO ng takot at pighati na pinasadahan ng tingin ni Calista ang mga nasusunog na bahay sa kanilang tribo. Ang kalansing ng mga espada, putok ng mga baril, galit na ungol ng mga kalahi niya, at sigawan ng mga sundalo ang halos pumuno sa buong kagubatan. Ito na ang pinaka kinatatakutan niya.Dumako ang tingin niya sa nanginginig niyang mga kamay. Balot na balot ang mga iyon ng dugo, hindi niya matukoy kung pag-aari niya ba ang mga iyon o sa kanilang kalaban.Sa gitna ng makapal na usok at nasusunog na mga bahay, naaninag niya ang unti-unting paglitaw ng isang anino. Sa isang iglap, lumitaw sa kaniyang paningin si Clyde. Puno ng galit ang mga titig nito sa kaniya. Gusto niyang magsalita upang magpaliwanag subalit tila nawala ang kakayanan niyang makapagsalita dahil walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Sinubukan niya ring kumilos subalit bigo rin siyang magawa iyon dahil tila napako na siya sa kaniyang kinatatayuan. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang tanawin na lang si Clyde.B
HALOS sabay-sabay na nagsibagsakan sa lupa ang mga sundalong nakapuwesto sa unahan nang barilin ang mga ito sa binti nina Althaia at ng mga kasamahan niyang sundalo na katulad niya rin na mga taong-lobo. Ang totoo, nang umalis siya sa Montgomery at nababa sa pagiging reyna, may ilan sa mga katribo niya ang nanatiling tapat at mas piniling sumunod sa kaniya. Pagkalipas ng mahigit apat na taon, nagpasya siyang pumasok sa WW-Force upang mag-espiya subalit hindi pumayag ang kaniyang mga katribo na mag-isa lamang siyang pumasok sa kuta ng mga kalaban kaya sumama ang mga ito sa kaniya.Takot at pabagsak namang napaupo sa lupa si Allen matapos masaksihan ang ginawang pag-atake sa kanila ng mga kasamahan nilang sundalo. Puno ng pagtataka na tiningnan niya si Talya at gano'n na lang ang pagkagulat niya nang masaksihan niya nang unti-unting nagkulay ginto ang mga mata nito. Tiningnan niya ang mga kasama nitong nagtaksil sa kanila at katulad nito ay kulay ginto na rin ang mga mata nito. Lahat si
"ALTHAIA, you want the throne, right? It's all yours now."Napahinto si Althaia sa pagpapaputok ng kaniyang riple sa mga sundalo nang maulinigan ang mahinang boses ni Calista. Tinablan siya nang matinding kaba nang mapuna ang panghihina sa boses nito.Kaagad siyang luminga-linga upang hanapin si Calista sa gitna ng mga naglalabanan ngunit nang eksaktong natagpuan na ito ng mga mata niya ay umalingawngaw naman ang malakas na sigaw ng isa sa mga katribo nila."Patay na ang Reyna!"Kaagad na namuo ang mga luha sa mga mata niya habang nakatanaw sa nakahandusay na ngayong si Calista. "No, Calista!" Akmang tatakbo na siya palapit dito subalit humarang sa kaniyang harapan ang ilan sa mga katribo nila at pinigilan siya. Nagpumiglas siya ngunit hindi siya binitiwan ng mga ito."Kailangan na nating umalis!" wika ng isa sa may hawak sa kaniya."Hindi! Calista!" Umiiyak niyang pilit na iniaabot ang kaniyang kamay sa direksyon ni Calista.Walang kaemo-emosyong lumingon sa kaniya si Clyde na nakatay
MAY ngiti sa mga labi na sinalubong sina Althaia ng mga katribo nila nang matagpuan na nila ang bahagi ng gubat kung saan pansamantalang lumikas ang mga ito. Isa sa mga sumalubong sa kanila si Mang Sebastian."Mabuti at nandito na kayo..." Iginala nito ang tingin, tila may hinahanap. "Nasaan ang mahal na Reyna?"Nanghihinang naupo si Althaia sa malaking tipak ng bato habang sapo ang ulo.Tiningnan naman ni Mang Sebastian ang mga bagong dating, hinihintay na may sumagot sa tanong niya subalit ni isa sa mga ito ay walang nagsalita. Lahat ay nakayuko at halos hindi sila magawang tingnan nang deretso sa mga mata.Bagama't may hinuha na sa sinapit ni Calista, bumaling pa rin siya kay Althaia. "Nasaan ang pinsan mo?" seryoso niyang tanong.Naluluhang kinagat ni Althaia ang ibaba niyang labi. Umiling-iling siya.Dahil sa naging tugon niya ay mabilis na umugong ang hagulgol ng kaniyang mga katribo. Nagluluksa ang lahat sa pagkamatay ng kanilang reyna.Tumayo si Althaia at nilingon ang mga taon
"NO! CALLIE, please wake up! Please, don't... don't leave me!" Walang humpay sa pag-agos ang mga luha ni Clyde habang nasa mga bisig niya ang wala nang buhay na si Calista. Mahigpit niyang niyakap ito habang iginagala sa kasamahan niyang mga sundalo ang mga mata habang nakikipagbakbakan ang mga ito sa mga katribo ni Calista.Tila muling naulit ang nangyaring mainit na bakbakan sa pagitan nila at ng mga taong-lobo subalit sa pagkakataong ito ay dama niya na ang matinding pagsisisi at sakit sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang si Calista.Humahagulhol niyang niyapos si Calista. Paulit-ulit na humihingi ng tawad.Pawisan at luhaang napabalikwas ng bangon si Clyde sa kaniyang kama. Naguguluhan niyang pinahid ang mga luha sa kaniyang pisngi. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Bakit bigla niya na namang iniiyakan si Callie sa kaniyang panaginip?Halos tatlong linggo na ang lumipas pagkatapos ng nangyaring labanan sa pagitan nila at ng mga taong-lobo, halos tatlong linggo na rin siyang gabi-g
ITINAAS ni Allen ang dalawang mga kamay habang unti-unting lumalapit kina Clyde at Aimen. Nakatutok pa rin sa ulo ni Aimen ang baril ni Clyde."Sir Martin, pag-usapan natin ito nang maayos," pakiusap niya.Umiling-iling si Clyde. "Where is Morgan?"Naluluhang tinitigan ni Allen ang Ate Aimen niya. Umiiyak na umiling-iling si Aimen. Hanggang sa huli ay kaligtasan pa rin ni Morgan ang inaalala nito.Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Allen. Mahal niya ang Ate Aimen niya subalit mahalaga rin sa kaniya si Morgan."Okay..." Iniiwas niya ang mga mata kay Aimen at pumikit. "I'll tell you where she is.""No!" Humahagulhol si Aimen. "Please, Allen, don't! She's just a kid!"Unti-unting nawala ang tensyon sa mukha ni Clyde. Napansin niya na bahagyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa ate niya. Dahil do'n nakasilip siya ng pagkakataon para makuha ito sa kaniya.Mabilis siyang kumilos palapit kay Clyde at tinangkang agawin dito ang baril. Natumba naman sa sahig si Aimen at napatili nang pumutok
"SO, TAMA nga ang narinig ko. Aalis ka na."Napatingin si Clyde sa pinto ng kaniyang opisina at nakita roon si Mr. Federico. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy na siya sa pagliligpit ng kaniyang mga gamit.Nagpasya na siyang umalis sa kanilang organisasyon. Matagal niya na rin namang pinaplanong umalis subalit hindi niya akalain na ang kamatayan pala ni Calista ang magtutulak sa kaniya para maisakatuparan ang planong iyon."Why are you leaving?" tanong ni Mr. Federico."You're smart, Mr. Federico. I believe you already know the answer," malamig niyang sagot pagkatapos, binitbit na ang kahon kung saan niya inilagay ang kaniyang mga gamit. Nilagpasan niya si Mr. Federico at lumabas na ng kaniyang opisina.Ilang araw na ang lumipas matapos ang gabing tuluyan na siyang nakabalik sa kaniyang tamang huwisyo. Nitong mga nagdaang araw ay wala siyang ibang ginawa kundi gugulin ang oras sa paghahanap kina Allen at Aimen para alamin sa mga ito kung may kinalaman ba sila sa pagkawala ng bangkay