Share

Chapter 60

"NANG nasa bingit na siya ng kamatayan, unti-unti po siyang bumalik sa dati niyang anyo," sabi kay Clyde ng isa sa mga sundalong nakaharap ni Marcus. Nasa loob sila ngayon ng lab kung saan naroroon ang bangkay ni Marcus. Puno ng tama ng baril ang katawan nito. Ayon sa mga sundalong nakaligtas, nahirapan silang kalabanin ito dahil sa pambihira nitong lakas nang nasa anyong lobo ito. Bukod do'n, hindi rin ito madaling patayin sa hindi nila matukoy na dahilan. Nanghihina lamang daw ito sa bawat ginagawa nilang pag-atake. Subalit nang ginamit nila ang isa sa mga baril ni General Rolando Agustin na nakuha nila sa opisina nito ay saka lamang ito namatay. Ang baril kasing iyon ay nagtataglay ng mga bala na yari sa pilak na siyang pangunahing kahinaan ng mga taong-lobo.

"Burn his body," utos ni Clyde sa kasamang sundalo bago siya lumabas ng lab. Sumunod naman sa kaniya iyong sundalo palabas.

"Pero mahigpit pong bilin ni Heneral na ingatan namin ang katawan niya dahil gagamitin siya sa pag-aara
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status