Share

Chapter 59

MABILIS na hinila ni Clyde papasok sa silid ang taong kaharap niya nang marinig ang papalapit na yabag sa pasilyo. Pagkasara ng pinto, marahas niyang isinandal ito sa pader habang nakatutok pa rin dito ang hawak na baril. Dahil sa maliit na espasyong nakapagitan sa kanila ay naririnig niya na ang mabibigat nilang hininga.

Halos kumawala naman ang puso ni Calista sa kaniyang dibdib sa sobrang kaba ngayong wala na siyang takas kay Clyde. Sinubukan niyang kumilos subalit mariin siyang hinawakan ni Clyde sa isa niyang balikat at muli siyang isinandal sa pader.

"Make one wrong move, I swear... I'll pull the trigger," mahinang sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ni Calista nang hinawakan na ni Clyde ang dulo ng telang nakatakip sa mukha niya. Pigil ang hiningang nanigas ang kaniyang buong katawan nang unti-unti na nitong ibinaba ang maskara niya.

Kunot-noo namang napatitig si Clyde sa mukha ni Calista subalit tila hindi rin naman na siya nagulat. Tila ba matagal niya nang alam ang tinatago ni
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status