MULA sa mataas na bakod sa gilid ng gusali, lumundag si Calista papasok ng compound. Nagawa niya iyon nang walang nalilikha na kahit kaunting ingay. Luminga-linga siya upang siguruhin na walang nakakakita sa kaniya. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang makitang walang mga tao sa paligid. Tumakbo siya patungo sa gilid ng gusali. Tinalunton niya ang makipot na sementadong daan sa tabi nito at naghanap na ng pwede niyang madaanan papasok.Pagkalipas ng ilang minuto, natagpuan niya ang isang maliit na bintana sa ibaba ng pader. Napagtanto niya na patungo iyon sa basement. Sumilip siya at nang masiguro na walang tao sa loob ay kaagad na siyang lumusot papasok. Madilim at amoy alikabok ang buong paligid. Subalit dahil sa matalas ang night vision nilang mga taong-lobo, kahit madilim ay nakikita niya pa rin ang mga bagay sa kaniyang paligid.Inilibot ni Calista ang kaniyang tingin. Nasa loob siya ngayon ng isang maliit na opisina na sa tingin niya ay matagal nang hindi ginagamit dahil
["SIGURADO ka bang sa pasilyong ito sila dumaan?"]Seryosong tiningnan ni Talya ang kaniyang radyo na nakalapag sa mesa nang marinig doon ang boses ni Lieutenant Navarro. Nasa loob siya ngayon ng control room at siya ang nakatoka na magbantay sa mga camera sa buong building.Muli niyang ibinalik ang tingin sa monitor na nasa kaniyang harapan. Sa isa sa mga camera, napapanood niya si Mang Dante na nakikipaglaban sa mga kasamahan niyang sundalo samantalang sa isang bahagi naman ay nakikita niya sina Marcus at ang kasama nitong nakaitim na damit na tumatakbo habang tumatakas sa mga sundalong tumutugis sa mga ito. Bumuntong-hininga siya at umiling-iling. Nakatago man ang mukha ay nakikilala niya pa rin kung sino ang nagtatago sa itim na kasuotang iyon. Si Calista."You're in the right way, Sir Navarro. Kadadaan lamang diyan ng mga suspect," sabi niya kay Lieutenant Navarro kahit pa ang totoo ay nasa kasalungat na corridor sina Marcus.["Pero napakatahimik sa pasilyong ito,"] may pag-aalang
MABILIS na hinila ni Clyde papasok sa silid ang taong kaharap niya nang marinig ang papalapit na yabag sa pasilyo. Pagkasara ng pinto, marahas niyang isinandal ito sa pader habang nakatutok pa rin dito ang hawak na baril. Dahil sa maliit na espasyong nakapagitan sa kanila ay naririnig niya na ang mabibigat nilang hininga.Halos kumawala naman ang puso ni Calista sa kaniyang dibdib sa sobrang kaba ngayong wala na siyang takas kay Clyde. Sinubukan niyang kumilos subalit mariin siyang hinawakan ni Clyde sa isa niyang balikat at muli siyang isinandal sa pader. "Make one wrong move, I swear... I'll pull the trigger," mahinang sabi nito. Nanlaki ang mga mata ni Calista nang hinawakan na ni Clyde ang dulo ng telang nakatakip sa mukha niya. Pigil ang hiningang nanigas ang kaniyang buong katawan nang unti-unti na nitong ibinaba ang maskara niya. Kunot-noo namang napatitig si Clyde sa mukha ni Calista subalit tila hindi rin naman na siya nagulat. Tila ba matagal niya nang alam ang tinatago ni
"NANG nasa bingit na siya ng kamatayan, unti-unti po siyang bumalik sa dati niyang anyo," sabi kay Clyde ng isa sa mga sundalong nakaharap ni Marcus. Nasa loob sila ngayon ng lab kung saan naroroon ang bangkay ni Marcus. Puno ng tama ng baril ang katawan nito. Ayon sa mga sundalong nakaligtas, nahirapan silang kalabanin ito dahil sa pambihira nitong lakas nang nasa anyong lobo ito. Bukod do'n, hindi rin ito madaling patayin sa hindi nila matukoy na dahilan. Nanghihina lamang daw ito sa bawat ginagawa nilang pag-atake. Subalit nang ginamit nila ang isa sa mga baril ni General Rolando Agustin na nakuha nila sa opisina nito ay saka lamang ito namatay. Ang baril kasing iyon ay nagtataglay ng mga bala na yari sa pilak na siyang pangunahing kahinaan ng mga taong-lobo."Burn his body," utos ni Clyde sa kasamang sundalo bago siya lumabas ng lab. Sumunod naman sa kaniya iyong sundalo palabas."Pero mahigpit pong bilin ni Heneral na ingatan namin ang katawan niya dahil gagamitin siya sa pag-aara
LUBHANG napakabigat ng pakiramdam ni Clyde nang unti-unting bumalik ang kaniyang ulirat. Higit na masakit ang likod ng kaniyang ulo dulot ng pagkakapalo sa kaniya kanina. Dahan-dahan siyang dumilat. Bagama't umiikot ang paningin ay pinilit niya pa ring suyurin ng tingin ang paligid.Nasa loob siya ng isang madilim na silid at tanging ang maliit na bombilya lamang sa tapat ng ulo niya ang nagbibigay ng munting liwanag sa kapaligiran. Wala ring mga bintana sa silid at tanging isang pintuan lamang ang maaaring madaanan paalis doon. Ikiniling niya ang kaniyang ulo sa kanan niya at nakita ang isang parihabang mesa. Sa ibabaw n'on ay nakapatong ang maraming mga bote na sa tingin niya ay mga gamot. Agaw pansin din doon ang mga nakahilerang hiringgilya na naglalaman ng mga kulay asul na likido.Tinablan siya ng matinding kaba nang makita ang mga iyon. Sinubukan niyang bumangon mula sa pagkakahiga subalit hindi siya natinag sa kaniyang puwesto. Saka niya lang napagtanto na nakatali pala ang kan
NAPASINGHAP si Allen matapos magulat dahil sa narinig na putok ng baril. Aligaga niyang inilibot ang tingin sa sinasakyang pampasaherong bus subalit nagtaka siya nang makitang kalmado lang naman ang mga kapwa niya pasahero at ang ilan pa nga sa mga ito ay natutulog. Nananaginip lang ba siya?Nilingon niya ang katabing pasahero, katulad ng iba, tulog din ito. Napabuntonghininga na lamang siya at ipinagpalagay na nananaginip lang siya dahil sandali siyang napaidlip. Isinandal niya ang likod ng kaniyang ulo sa upuan at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Malalim na ang gabi at halos lahat ng kabahayang nadadaanan nila ay nakapatay na ang mga ilaw.Dahil sa nangyaring kaguluhan sa facility ay nagpasya ang kanilang superiors na pansamantalang pabalikin ang ilan sa mga trainee sa kanilang mga kampo subalit may ilan din naman na pinahintulan na umuwi muna sa kanilang mga pamilya. At isa na nga roon si Allen.Mas minabuti ni Allen na umuwi na lang muna sa kaniyang Ate Aimen sa pangamba na
"MANG DANTE!" Patakbong yumakap si Calista kay Mang Dante nang datnan niya ito sa kaniyang bahay. Natutuwa siya at nagpapasalamat na nakabalik pala ito nang ligtas sa Montgomery.Hindi nagsalita si Mang Dante ngunit niyakap din siya nito pabalik. Ramdam niya sa yapos nito na natutuwa rin itong nakabalik siya."Masaya kaming nakabalik ka na, mahal na Reyna," bati naman ni Mang Sebastian na nakatayo sa tabi nila. Ilang sandali pa, iginala nito ang paningin, sumingot-singot, at pinakiramdaman ang paligid. Kaagad na rumehistro ang lungkot sa mga mata ni Mang Sebastian. "Hindi niyo po ba kasama si Marcus?"Dahil sa tanong ni Mang Sebastian ay muling nanariwa sa alaala ni Calista kung paano sila nagkahiwalay ni Marcus nang tumatakas sila sa mga sundalo. Nanginginig at nanlalambot ang mga tuhod na napasalampak siya sa sahig. Itinakip niya ang mga palad sa mukha at humagulhol.Nagkatinginan sina Mang Dante at Mang Sebastian. Alam na nila ang ibig sabihin ng pag-iyak ni Calista. Wala na si Marc
"THAT'S a wild boar, Allen, not a human," sabi ni Calista kay Allen nang mapansin ang matagal nitong pagtitig sa nakahain nilang pagkain sa hapag.Naiilang namang ngumiti si Allen at saka nagsimula nang kainin ang pagkain sa kaniyang pinggan. "So, you werewolves don't eat humans?""Bakit kami kakain ng tao eh kalahating tao rin kami?" naiinis namang sabi ni Mang Dante na kasalo rin nila sa pagkain. Tinawanan naman ito ni Mang Sebastian.Pagkatapos kumain, inutusan ni Calista ang dalawa sa mga tauhan niya na ihatid si Allen palabas ng gubat para makauwi na ito. Sigurado kasi siya na hinihintay na ito ni Aimen."Mag-iingat ka," matamlay ang ngiting sabi ni Calista kay Allen."Ako ang dapat na magsabi sa 'yo n'yan," tugon ni Allen. Napayuko ito bigla na animo nahihiya. "Pasensya na sa mga nasabi ko kagabi, Ate Calista."Nakangiti namang tumangu-tango si Calista. Naiintindihan niya kung bakit nasabi ang mga iyon ni Allen at wala siyang sama ng loob dito. "Kayo na ang bahala kay Morgan, ha?