Share

Chapter 51

MAY pag-aalalang napabuntong-hininga si Calista habang binabasa ang nakapaskil sa malaking bulletin board na inilagay sa plaza. Laman ng bulletin ang inilabas na bagong ordenansa sa kanilang bayan ukol sa ipapatupad na curfew. Sigurado siyang utos iyon ng mga sundalo ng WW-Force upang igtingan ang pagbabantay sa kanilang bayan laban sa kanilang mga taong-lobo.

Ramdam at kita niya sa mga residente ang takot at pag-aalala.

Umalis na siya sa harapan ng bulletin nang nagsimula nang kumapal ang tao na gusto ring mabasa ang nasa bulletin board.

Paalis na siya ng plaza nang bigla na lang may humablot sa kamay niya. Napakunot siya nang makitang si Clyde iyon.

"Kailangan kitang makausap," sabi nito.

Kinakabahan man ay pinilit niyang hindi ipahalata iyon kay Clyde. Tinanguan niya ito at saka binawi ang kamay rito. "Tungkol saan?"

Bago sumagot, iginiya muna siya nito sa tabi, malayo sa mga taong naroroon sa plaza.

"I want you to stay away from Marcus," walang paliguy-ligoy nitong sabi.

Nagpakawal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status