Share

Chapter 42

HINDI maapuhap ni Calista ang angkop na salita para ilarawan ang nararamdaman habang patagong pinagmamasdan si Clyde. Bukod sa labis na pangungulila, may takot na rin siyang nararamdaman dito. Bakit ito naroroon at paanong nangyari na kapitan na ito ng WW-Force, ang pangunahing organisasyon na pinakaiiwasan nila?

Lumapit kay Clyde ang isa sa mga sundalong kasama nito. Narinig niyang tinawag nito iyong Lieutenant Navarro. Lumakad ang mga ito paalis doon.

Sinundan niya sila. Kailangan niyang malaman ang dahilan ng pagpunta ng mga ito roon. Nangangamba siya na baka naroon ang mga ito dahil alam na ng mga ito na nandoon sila.

"Ano'ng masasabi mo, Kapitan?" dinig niyang tanong n'ong lieutenant kay Clyde.

Tinanggal ni Clyde ang suot na sunglasses at pinasadahan ng tingin ang lugar. Kaagad siyang nagtago sa likod ng nakaparadang sasakyan nang dumako ang tingin nito sa direksyon niya.

"Mas maliit kumpara sa aking inaasahan," tugon ni Clyde kay Lieutenant Navarro.

Bahagya siyang napangiti. Kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status