Share

Chapter 35

"TANDAAN mo, mahal na Reyna kapag sinimulan na ang pagpapaputok ay iyon na ang hudyat ng simula ng paglusob natin," mahinang sabi ni Mang Sebastian kay Calista. Kasalukuyan silang nagtatago sa likod ng mga dahon at sanga ng isang malaking punungkahoy, sa bahagi ng gubat kung saan malayo sa pinagdadausan ng kasal nina Henry at Althaia.

Bagama't may distansya, nakikita ni Calista kung gaano kasaya si Althaia sa pagkakataong iyon. Napakaganda nito sa suot nitong puting gown habang nakatayo sa gitna ng entablado, katabi ang asawa na nitong si Henry.

Lingid sa kaalaman ng mga ito na ang ilan sa mga taong-lobo na dumalo sa kanilang kasalan ay mga kasabwat nila sa gagawing paglusob. Nakapwesto na ang mga ito sa mga itinalagang dako kung saan sila magbabantay, dala-dala ang mga armas na pagmamay-ari ng kaniyang Papa Simeon.

Wala silang papatayin maliban lang kay Henry at sa pack nito lalo na kung magtangka na ang mga ito ng masama sa kaniyang buhay. Iyon ang mahigpit niyang bilin sa mga kasam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status