Napaisip ako sa mga sinabi nila sa akin. Panahon naba talaga para pakawalan ko siya? Panahon naba para ligpitin ko na ang mga paborito niyang damit? Mga sapatos na lagi niyang sinosout? Panahon naba na palitan ko na ang picture frame namin na kami nalang ni Princess? Umalis rin sila dahil may event pa bukas sa kompanya. We have modeling event mismo sa loob ng company building sa may 1st floor kung saan ang mini-mall ng L&A Fashion Clothing Company. Naging open narin ang kompanya sa mga investors kaya alam kong masaya si Raven ngayon na nakikita niyang tumataas narin ang sales at maganda ang performance ng kompanya. Minsan ay hindi ko maiwasang umiiyak sa loob ng aking opisina pero Oo, tama nga sila dapat tatagan ko ang aking sarili. May anak akong uuwian at siya ngayon ang buhay ko. May tagapag alaga sa kaniya kapag nasa trabaho ako ngunit kapag nakakauwi na ako kay sinisigurado kong makapagbigay oras ako sa kaniya lalo na't malapit na siyang mag 3 years old. She is 2 years and 8 mon
Naalala ko pa noong naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Napansin kong maraming tao nagkagulo sa unahan kay bumitaw ako kay Mommy at sumingit para tingnan kung anong nangyari. Nagulat ako dahil may car accident pala, isang may edad na lalaki at isang may edad ni babae. Aalis na sana ako kaso nakuha ang atensyon ko sa batang babae na nakahiga, nakapikit at duguan. Umiiyak ito habang yakap yakap ang brown na teddy bear. Sumukip ang dibdib ko naawa ako sa batang babae.Sabi ko sa sarili ko, mag investigate ako kung sinong nag bangga sa kanila noon. Hindi ko man sila kilala peru ang iyak ng batang babae ang hindi ko makakalimutan, deserve rin nila makamit ang hustisya. Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing naalala ko. Kumusta na kaya siya? Magkikita pa kaya kami ulit? ----- (15 Years ago) Raven Chua's Pov: Galing kami sa bahay nila tita sa Quezon City. Sabi ni Mommy sa pay parking niya iniwan ang kotse dahil wala na raw space doon sa labas ng bahay nila tita, marami kasi silang bisita. N
Interview ko na ngayon sa dami ba namang pinasahan kong resume ay ni isa wala man lang nag reply. Mabuti nalang nitong umaga ay may notification akong natanggap sa email ko, hiring raw ng admin assistant sa L&E Fashion Company, sakto rin na ito ang gusto kong mapasukan na kumpanya. Mahilig rin kasi ako sa mga damit dahil Local model ako sa probinsya namin sa Camiguin. Bago lang ako dito sa Manila kaya hindi ko rin masyado alam ang pasikot sikot dito. Pagkakita ko na hiring ng admin assistant ay hindi na ako nagdadalawang isip pa dahil kailangan ko rin talaga makahanap ng full time job, ayaw ko na ng part time job. Meron akong mga experiences pero tumatagal lang ng tatlong buwan dahil narin sa dinadala kong sakit. Bigla bigla nalang kasi akong nahihilo pero sabi nila, ako raw 'yong tipong babaeng may dinadala na karamdaman pero hindi nagpapatalo kahit kanino man saka palatawa at makulit rin talaga ako at kapag may nang-aasar sa akin ay ayaw ko rin magpatalo. Papunta na ako sa kumpanya
"May I have your resume?" Inabot ko agad ang aking resume sa kanya. Halos hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Grabi, nakakahiya ang nangyari kanina. "Alexis Dela Cruz and you are 24 years old. Ah, so, ito ang dahilan bakit ka nakikipag unahan kanina?" Lord, ano ba ito? gusto ko lang naman mag apply bakit may ganito pa. Hindi naman ito kasali sa mga hiningi ko. "Pasensya na po sir kanina. Gustong gusto ko lang talaga makapag trabaho na kaya gano'n na lamang ang aking pagmamadali." Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa pag tanong. "So, you are applying for an admin assistant position? I want to know what qualifies you for this position over other candidates?" Seryusong tanong naman na siguro to ano? Hindi ba iba ang templa ng kanyang pagtanong? sige susubukan kong sumagot sa abot ng aking makakaya. "I can say that I am qualified for this role because I have knowledge when it comes to fashion. My job experience and skills can be a good contribution to the company.
Mr. Raven Chua's Pov: I thought ma badtrip ako sa araw na ito. Nasiraan kasi ako ng sasakyan kaya nag commute ako kanina. I met this pikon girl na nakipag agawan sa taxi, I never expect na applicante pala siya ng kumpanya ko. Ewan ko ba sa daming babaeng nakausap at naka asaran ko siya lang talaga itong pikon at parang hindi interesado sa akin. Simula ng tinayo ko itong kumpanya ngayon lang ulit ako nakaramdam ng excitement. Yes, I admit it na maganda siya, sexy at matangkad peru there's something sa babaeng to.I was 24 years old ng tinayo ko itong kumpanya. I was inspired that girl I saw in the accident 15 years ago. Kinuha ko kasi ang teddy bear niya noon at hindi ko inaasahan na may zipper pala 'yon sa likod, may isang boung papel at nakasulat roon ang mga goals niya sa buhay. Siya ang nag push sa akin para maging matatag at lalong maging matapang sa buhay kaso 15 years na ang nakalipas hindi ko parin siya mahanap ulit. I don't even know her name saka lumipad kasi kami papuntang
After sa nangyari sa akin ay naging okay rin ang pakiramdam ko, nagsimula na agad akong mag trabaho pagkalabas ng clinic. Finally, masasabi ko talagang masaya na ako ngayon dahil full time na ang trabaho ko, sana nga hindi umepal itong sakit ko. Nabigla naman akong nagpatawag ng meeting si Mr. Raven. "Ms. Alexis you will be assigned for the minutes of meeting, wala si Ms. Jenica ngayon umalis kaya for the meantime ikaw muna," pagmamadaling saad ni Mr. Raven sa akin. Ako talaga napili niyang gumawa nito hindi nga man lang nangumusta kung okay naba ako, grabi wala man lang concern sa empleyado itong CEO na 'to. Naghihintay nalang kaming magsimula, medyo kabado rin ako kasi hindi ako masyadong magaling sa minutes of meeting pero sige bahala na, baka lagot pa ako nito sa mabait naming Ceo, alam nyo sa sobrang bait nito hindi na niya tinanggap ang kamay ko sa interview imbes na makipag shake hands ako. Pinunasan pa niya ito ng panyo, bilib ako sa kabaitan nito."Good morning everyone, I s
Hindi ako maka move on kung anong nangyari sa amin ni Mr. Raven kanina, nakakabigla na ewan hindi ko maipalawanag. Mabuti narin siguro na dumating si Ms. Nica Illustre kun'di ay baka nawala na ang iniingatan ko peru bakit kaya gano'n ang pinakita ni Mr. Raven na parang kunwari galit siya sa akin? Kung talagang hindi totoo na nasa mutual understanding sila sana man lang hindi pasigaw ang boses niya sa akin kanina. Bahala na, gusto kong makalimutan lahat ang nangyari kanina, Alexis naman bakit kasi nadala ka, okay sige, hindi na nga iisipin.Palabas na ako ng building at ayon na nga si Kiko hinintay talaga ako. "Girl ang tagal mo naman, may nangyari bang hindi dapat mangyari?" Napalunok ako sa hindi tamang oras, ayaw ko na nga maalala eh. "Girl, ito parang tanga, ba't napalunok ka? Ibig kong sabihin kong may nangyari ba na hindi dapat like pinagalitan kaba, sinigawan kaba. Ang dumi ng utak nito," sambit ni Kiko habang abala sa paghahanap ng aming masakyan.Hindi na ako nakapagsalita p
Bumangon na ako kaagad sa kama habang si Mr. Raven ay nakaupo pa sa sofa. Grabi, ang laki pala ng condo unit niya, hindi ko narin napigilan ang sikmura ko kaya kumain na ako sa inihanda niyang pagkain. Gusto ko siyang tanungin kung may nangyari ba sa amin kagabi peru impossible naman na hindi ko maramdaman, hindi ko pa naman nasubukan makipag lasapan abot hanggang kalangitan. Natatakot lang ako magtanong kasi kanina pa 'to walang imik. Minamadali na nga niya akong kumain at aalis na raw kami. "S-sir pwede bang mag taxi nalang ako? baka kasi may makakita sa atin." Pinalapit niya ako sa sofa. "Alexis, hali ka muna nga saglit." Ako naman na sunod sunuran ay lumapit rin agad. Bigla nalang kinurot ang tenga ko. "Lasing pa, sige mag lasing kapa baka sa susunod gagapang kana sa pag uwi." Sabay tumayo at ibinilin kung saan ako sasakay ng taxi papuntang kumpanya. Napahawak nalang ako sa tainga ko sa sakit na pagka -kurot nito. Akala naman talaga niya close kami eh no? Nabobou talaga sigur