Share

CHAPTER 03: Nanaginip Ka Lang Ngayon

Sa sobrang takot ni Bella ay nagsimulang manginig ang mga binti niya.

Matatapos na yata ang kawawang buhay niya ngayon!

Napailing si Bella, nag-aalangan siyang tumingin sa lalaki "Uhm... Errr ako ba? Haha b-bat' naman? hindi naman ako aalis eh,... Magc-cr lang sana ako saglit."

"Okay then, I'll accompany you." matigas na sagot ni Liu Lei, hindi man lang niya binibigyan ng puwang para tumanggi si Bella... Sa kanyang walang pakialam na ekspresyon; nauna itong naglakad palabas.

Bella: "_" huh!

Hay naku, kung wala lang sana siya sa pinakamataas na palapag ng building na toh, ede sana matagal na siyang nakatakas sa bintana.

Walang buhay na lumabas ng ward si Bella ngunit bigla nalang nalaglag ang kanyang panga nang makita niya ang dalawang tuwid na linya ng mga misteryosong lalaki na nakasuot ng itim na suit na may pares ng itim na salaming pang-araw na matiyagang nakatayo sa labas ng kanyang ward.

Anong klaseng kalokohan ito?

Posible bang mga?...

Mga tauhan ng lalaki tong mga toh?!

Kalimutan mo na!... Ang pagtakas sa kamay ng lalaking toh ay ang totoong impossible!

Bago siya makapasok sa banyo, iniabot ni Daniel ang kanyang damit sa kanya at malumanay na yumuko bilang paggalang.

Si Bella ay lubos na hindi nakaimik sa isang minuto pagkatapos niyang lutang na tinanggap ang kanyang mga damit.

D*mn it!

Seryoso ba sila? Ano bang ibig sabihin ng pagyuko na iyon? Isang paggalang sa babae ng kanilang amo?

Seriously???

Inaamin niyang sobrang gwapo talaga ng amo nila pero hoy tignan mo ako!!!

Choo, sinu ba naman ako no?

Ganun na ba ako kaganda para pakasalan kasing gwapo ng isang male god?

"Gusto mo samahan kita sa loob?" walang ekspresyong tanong ni Liu Lei.

Mabilis na bumalik si Bella sa kanyang sentido, nagmamadali siyang umiling. "Ah HINDI! I mean...este I-ibig kong sabihin, okay lang ako... Kaya ko ang sarili ko."

Awkward siyang ngumiti, dali-daling pumasok sa comfort room at mabilis na isinara ang pinto.

Ang pagharap sa malamig na pinto na isinara sa kanyang harapan. Ang mukha ni Liu Lei ay nagdilim at nanlamig.

"Master, those bunch of rats has been taken care of and was now serving death. However the mastermind has gotten away..." sabi ng lalaking may kulay hazel na mga mata na naka-suot ng black leather.

Malamig na ngumiti si Liu Lei. "Go back to Europe. I want the mob boss alive."

"Will do." Magalang na yumuko ang lalaking may kulay hazel na mga mata at mabilis na naglaho pagkatapos.

...

Paglabas ni Bella ng banyo... Walang tigil na pinagtitinginan at pinag-uusapan siya ng mga nurse, pasyente at mga doktor sa hallway at nagpatuloy ito hanggang sa makalabas sila ng hospital.

Walang duda, mukha siyang bilanggo na nahuli sa loob ng ospital na ngayon ay sinamahan ng mga lalaki patungo sa kanyang pang-habang buhay na selda.

Parang gusto niya talagang umiyak.

...

Mabilis na naproseso ang mga proseso ng kasal nila. Sa loob lamang ng kalahating oras, hawak-hawak na ni Bella ang sertipiko ng kasal sa kanyang mga kamay. Mula ngayon, isa na siyang asawa sa isang hindi kilalang lalaki? !

Gosh ! ! !

Ah ano ba talagang nagawa niyang kasalan? Bat ba pinaparusahan ako ng ganito? Ang impiyernong ito ay siguradong nagkakahalaga ng kanyang buong buhay... naluluhang tanong ni Bella sa sarili,...

Patay, paano kaya niya ito masasabi sa kanyang papa?

Pag nagising na si papa at malalaman na nagpakasal siya sa lalaking hindi man lang niya kilala, ano kaya magiging reaction ni papa?

Tatanggihan na ba niya ba ako bilang anak niya?

"Get in the car!" Inayos ni Liu Lei ang kanyang kurbata habang palabas siya ng registration hall.

Mahigpit na sumunod si Bella sa likuran. Matapos makapasok sa 'Rolls-Royce', kinakabahan siyang tumingin sa lalaking kakikilala lang niya na ngayo'y husband na niya.

Pagkatapos ng ilang sandali sa backseat ng sasakyan, nakaramdam ng awkward si Bella na umupo kasama ang kanyang asawa. Para mabawasan ang kakaibang nararamdaman niya, nagpasya siyang ituon nalang ang sarili at pansin sa mga balita ngayon gamit ang kanyang cellphone.

Hindi niya alam, nang makita niya ang headline, bigla siyang natigilan, ang daliri niya na dapat na mag-scroll ay tumigil sa kalagitnaan ng hangin.

'Ang pamamahala ng multinational conglomerate EI Corporation ay nagkakagulo. Si Chairman Liu ay nasa kritikal na karamdaman... Si Mr. Liu Lei, ang 8th young master na isa sa tagapagmana ni Chairman Liu, ay nakita ng ilang netizen sa airport ilang araw na nakalipas... According to the company. Magsasagawa umano ng press conference ang EI Corporation tungkol sa bagong uupo...'

Nagpakita ang screen ng larawan ni Liu Lei.

Tila palihim itong kinuha sa airport. Sa isang malaki at maluwang na paliparan, isang napakaguapong lalaki ang naglalakad kasama ang ilang lalaki.

Ang guapong lalaki ay may mukha na maaaring magdulot ng pagkawasak ng isang bansa. Para bang personal na inukit ng Diyos ang kanyang mga katangian na walang kapintasan at katangi-tangi. Siya ay tila nababalot ng isang ulap ng mahiwagang malalim na ambon, at siya ay tila malamig at malayo.

Hindi nakaimik si Bella!

Wait! Anong nangyayari?

Yung lalaking yun, hindi ba...asawa niya?

Tulala na nakaupo si Bella habang nagnakaw siya ng sulyap sa lalaking tahimik na nakaupo sa tabi niya. Sa isang iglap, ang kanyang utak ay tila dinurog ng daan-daang napakalaking mammoth.

"Mr. Liu... Ikaw si Mr. Liu Lei?"

Muli niyang sinubukang alalahanin kung bakit biglang pumayag ang lalaking ito na pakasalan siya. Gayunpaman, hindi niya pa rin maintindihan kahit anong mangyari.

Hindi ito tama! hindi ito makatwiran! Sigurado siyang na ang lalaking ito ay ang nasa balita ngayon, hindi siya pwedeng magkamali.

'Sampal!'

Sinampal ni Bella ang sarili!

'Bella, gumising ka nga!'

'Nanaginip kana ngayon ng husto!

'Siguradong nananaginip ka lang talaga!'

Sandaling nawalan ng masabi si Liu Lei habang pinagmamasdan ang biglang pagsampal ni Bella sa sariling nitong mukha. Parang magkasalungat ang ekspresyon ng lalaki.

Upang maiwasang saktan muli ni Bella ang kanyang sarili, binalaan siya ng lalaki. "Siguro, kailangan mo munang kumalma."

Taimtim na tumango si Bella, kahit na mahirap. "Oo, oo, oo! Tama! Kailangan kong kumalma."

(~‾▿‾)~

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status