Share

CHAPTER 05: Malabo

Bago pa makasagot si Bella, muli niyang narinig ang malalim, panlalaking boses ni Liu Lei na parang cello.

"Mrs. Liu.... Kung ganito ang kaso simula ngayon, malinaw na ikaw ang legal na asawa ko."

Hindi nakaimik si Bella!

D*mn it... Halos hindi nga ako kumikita ng libo-libo, milyon pa kaya? Jusko!

Nang matapos ng lalaki ang kanyang pangungusap, itinaas ni Bella ang kanyang ulo, nagulat at namumula ang mukha niya.

Wala talaga akong dapat sisihin dito maliban sa pagiging mahirap!

Siguradong babayaran ko ang katangahan kong toh habang buhay!

Anyways, ganito siguro pala ang pakiramdam ng tamaan ng kulog!

D*mn it.... Hay naku Bella, bat kaba kasi naglaro ng apoy... Ayan tuloy

"Ubo, ubo, ubo..." Walang tigil na umubo si Bella, na takot na takot. "Mr..... Mr. Liu... Parang hindi talaga toh tama!Nagkamali ba ako ng pagkaunawa... Ikaw... Gusto mo talaga akong maging asawa? Ayaw mo ng divorce? Bakit?"

Iniabot ni Liu Lei ang kanyang kamay nang mapansin niya ang pag-ubo nito. Marahan niyang tinapik ang likod ni Bella. "Oo, tama nga ang pagkaunawa mo."

Bella: "_" For real?

Sumabog ang utak ni Bella at nawalan siya ng kakayahang mag-isip...

"Hangga't legal na asawa kita, Sana alam mo Mrs. Liu na hindi kana makakalapit ng higit sa isang metro sa sinumang lalaki hangga't hindi tayo naghihiwalay. Kung sino man ang tumawid sa hangganan ay...."

Kinakabahang tanong ni Bella, "Ay ano?"

"Mapapahamak." Malamig na bulong ni Liu Lei. Puno ng galit at kawalang-awa ang kanyang mga mata.

Habang sinusubukang lapitan siya ng lalaki, ang gulo ng isip ni Bella. Walang kamalay-malay na sinubukang iwasan ni Bella si Liu Lei, ngunit ang kanyang bagong titulo bilang asawa nito ay hindi pumayag sa kanya.

Dahil sa pagnanais din niyang mabuhay ay naninigas ang kanyang katawan. Malinaw na kilala na niya ang lalaking ito. Baka mamatay siya kapag na-offend niya ito.

Pero hindi niya talaga maintindihan... Kung hindi sana niya nakita ang repleksyon niya sa rear-view mirror halos isipin na niya na siya ay ang pinakamagandang babae at ang desisyon ni G. Liu na pakasalan siya ay tunay na makatwiran lang pero ang totoo ay kabaligtaran talaga.

Mukha pa rin siyang nakakatakot na mangkukulam o demonyong nakatakas sa impiyerno!

Grabe ang weird talaga ng taste ng lalaking ito.

May ilang bagay lang ang maaaring maging dahilan ng lalaking ito!

Maaaring gusto lang niyang paglaruan siya pagkatapos ay itapon siya ng diretso sa impyerno o mas malala pa ay baka gusto niyang ibenta ang organs ko! businessman naman siya diba, kaya may posibilidad toh? Or baka din...

Natahimik si Bella saglit at lumingon kay Liu Lei. Walang kamalay-malay, nasabi niya, "Mr. Liu, malabo ba ang paningin mo?"

Hindi nakaimik si Liu Lei!

Peru ang lahat naman ng mayayamang lalaking ito ay nagpapalit ng babae tuwing ibang araw. Ito ay ganap na normal, di ba?

Baka after few months ay bibitawan na niya ako at sumama sa ibang babae... 99% possible iyon diba?

Sa pag-iisip nito, medyo nakahinga ng maluwag si Bella.

"Mrs. Liu, ano sa tingin mo?" Sumulyap si Lu Lei sa kanya, naghihintay ng kanyang tugon.

Walang imik si Bella.....

Ano sa tingin niya? Syempre kung siya lang naman tatanongin malaking oo, may problema nga sa paningin ang lalaking toh!

Peru sa ngayon walang magandang laman ang utak niya!

Siya ang walanghiyang babae...na humingi ng kasal bilang gantimpala. Pagkatapos, pagkatapos matanggap ang gantimpala ay gusto niya ng divorce agad!..

Matatanggihan pa kaya siya nito? At sabihin kung ano? Na ayaw niya talaga ng marriage life at isang wild, one night stand lang ang gusto niya sa lalaking toh?

Sa sandaling ito, naramdaman ni Bella na parang nag-aapoy ang kanyang puso. "Ako... Ang tingin ko.... ako ay talagang... Sobrang mapalad at um thankful talaga ako sa kabaitan mo, Mr. Liu..."

Ano bang pinagsasabi mo self!?

Hindi kailan man sumagip sa isip niya na si Liu Lei, na kilala bilang hari ng underworld, ang pinaka-malupit na lalaking nilalang na nabubuhay sa mundong ito ay magiging napakainosente at dalisay pagdating sa mga relasyon.

Kahit sino ay halatang magtatagumpay sa panliligaw sa lalaking toh!

Kahit na ang isang pangit na mukhang halimaw na tulad niya ay hindi isang exception!

Ang mga kamay ni Liu Lei, na marahang tinatapik ang likod ni Bella ay natigilan sandali. Tila pinag-iisipan niya ang bagay na ito. "Talaga Mrs. Liu?" pagbibiro niya.

Sagot ni Bella, "Oo nga! Kaya nga Mr. Liu hindi mo ba dapat pag-isipang mabuti ito? Dahil naniniwala ako na dapat mong isaalang-alang ang tungkol dito. At isipin ito nang higit pa sa dalawang beses o tatlong beses."

Napatingin si Liu Lei sa babae. "Mrs. Liu, so are you trying to give me a hint that staying with me for a lifetime is more wiser?"

Hindi nakaimik si Bella!

For a lifetime???

Jusko! Bakit siya nagkaroon ng nakakatakot na pag-iisip?

Halos umiling si Bella. "No, no, no... Hindi iyan ang ibig kong sabihin. I have no intention to stay with you whatsoever! HINDI,... Ibig kong sabihin, hindi ko intensyon na hindi ka bayaran Mr. Liu. Iyan ay masyadong walang utang na loob at kasuklam-suklam!"

"Hindi sapilitan ang pananatili." pagsingit ni Liu Lei.

Napatulala si Bella.

Omg ang obvious na ng pinahihiwatig ko! Bat sumablay??? Hindi naman sigurado ganun ka bobo ang lalaking ito diba?

Kaya lang aliwin ni Bella ang sarili sa pag-iisip na hindi niya kailangang mamatay ngayon.

"Ma... Maaari ba akong humingi ng isang maliit na kahilingan? Dahil sa trabaho ko, baka pwedeng ilihim nalang muna natin sa iba ang relasyon natin." Inayos ni Bella ang kanyang sarili at nabawi ang isang maliit na bahagi ng kanyang rasyonalidad. Una niyang dinala ang pinakamahalagang punto.

"Hinding-hindi maaapektuhan ang trabaho mo at buhay. Hindi ako makikialam sa mga gawain mo" saad ni Liu Lei, "May iba pa ba?"

Nakonsensya si Bella nang magsalita si Liu Lei nang maingat. "Wala nang iba...sa ngayon..."

Ang asawang ito ay lumitaw nang wala sa oras...parang isang buhawi...

Ang susunod niyang layunin sa buhay ay ang kumita ng pera, at pagkatapos ay ang makipaghiwalay kay Liu Lei!

•́ ‿ ,•̀

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status