Share

CHAPTER 04: Stay With Me

"Kalma... Kalma... Kalma lang okay.... Gosh paano ba naman ako kakalma?!"

Gulat na bulong ni Bella sa sarili habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Sa huli... Hindi mapigilang ni Bella na kagatin ang sarili niyang labi nang mag-abot ang mga titig nila ni Liu Lei. Mukha siyang madudurog. “Mr. Liu... Uhm ikaw... P-pwede ba wag mo muna...i mean w-wag mo naman akong titigan ng ganyan? Hindi talaga ako mapakali sa tingin mong ganyan."

Shoot...Ba't napaka mapang-akit ang mga mata nito!?

Isang panandaliang ngiti ang sumilay sa mukha ng lalaki. "Sige."

Makalipas ang ilang sandali ang sasakyan ay muling naging isang patay na katahimikan. Kinuha ni Liu Lei ang ilang mga dokumento kasama ang kanyang salamin sa mata.

Nanatiling nakaupo ang lalaki sa tabi ng bintana ng sasakyan. Ang batik-batik na sikat ng araw ay dumaloy sa mga dahon ng puno at ang sikat ng araw ay bumagsak sa kanyang malayong mukha.

Itinaas ni Liu Lei ang manggas ng kanyang puting kamiseta at kaswal na pinagkrus ang kanyang mga paa.

Pagkatapos ay sinimulan niyang ilipat ang lahat ng kanyang atensyon sa dokumentong nasa kanyang kamay. Without minding Bella na kasalukuyang nakaupo at tahimik na nakatingin lang sa kanya.

Sa pananaw ni Bella, hindi lang nakabawas sa kahanga-hangang aura ni Liu Lei ang simpleng salamin na nakapatong sa tungki ng ilong nito, ngunit mas lalo pa talaga pinagmukhang seductive ang lalaking toh.

Hindi nakaimik si Bella!

Bakit parang mas lumala?!

Pakiramdam niya ay hindi na siya talaga mapapakali sa buong araw.

Sumang-ayon naman ang lahat sa industriya ng entertainment including her na maaaring nakakamatay talaga ang hitsura ng ilang artistang lalaki. Gayunpaman, matapos makita ang lalaking ito, itong lalaking pinakasalan niya ngayon lang ay siguradong maaaring magpatawag pa at magtanggal ng mga kaluluwa.

"Anong iniisip mo?" Naramdaman ni Liu Lei na may kakaibang expression siya.

Lumabas agad si Bella sa kanyang pag-iisip at sinubukang ayusin ang kanyang mga iniisip. Ang kanyang puso ay tumitibok nang maingat siyang nagtanong, "Paumanhin, Mr. Liu. Hindi naman yata ito prank diba? Kasi sa tingin ko ay nauntog ko ng malakas ang ulo ko sa kalsada at ngayon hindi na tama ang iniisip ko... Humihingi talaga ako ng tawad Mr. Liu... Hindi ko dapat inabuso ang kabaitan mo, hindi ko dapat humiling ng ganoong bagay tulad ng pagpapakasal, kaya sa palagay ko..."

Habang nagsasalita si Bella dumapo ang kanyang mga mata sa kaakit-akit na adam's apple ng lalaki. Hindi niya napigilan ang sarili na mautal. "ka...kaya..pa..palagay ko... Ay..."

Binaliktad ni Liu Lei ang mga dokumento sa kanyang mga kamay at matiyagang sinabi, "Magpatuloy ka."

Sa sobrang pagsisikap, dahan-dahang nakuha ni Bella ang kanyang sarili habang sinabi niya. "Sa palagay ko Mr. Liu, our marriage wouldn't work. Mas... makakabuti kong magdi-divorce... nalang tayo habang mas maaga pa... Hindi ko talaga sinasadyang masayang ang oras mo kaya..."

Tanong ni Liu Lei, "Kaya?"

Mungkahi ni Bella, "Paano kung...kung luluhod nalang ako ngayon at magkow-kowtow. Okay lang ba?"

Tumawa ng mahina si Liu Lei. "Mrs. Liu, isa akong businessman. Marahil ang pagluhod at pagyuko ay hindi magbibigay sa akin ng anumang benepisyo at magdudulot lamang ito ng hindi pagkakaunawaan at iskandalo sa public eye. Ano sa tingin mo?"

Mukhang nagtatampo si Bella. "Uh oo nga, tama. Peru kahit na iuntog ko ang ulo ko sa pader hanggang sa dumugo ito, alam kong wala itong silbi para sayo at magdudulot lang ng problema diba? Gayunpaman hindi ko na talaga alam kung paano pa ako hihingi ng tawad at kunin ang apruba mo para sa ating diborsyo."

Ang mga mata ni Liu Lei ay kumikinang habang tahimik na pinagmamasdan si Bella. Ang kanyang mga mata ay parang malalim na karagatan, hindi maarok at misteryoso. "Gusto mo ba talaga ng divorce?"

"Oo..." Mabilis na tumango si Bella.

"Mayroong dalawang paraan upang makuha mo ang aking pag-apruba."

Agad namang kuminang ang mga mata ni Bella habang maingat na nagsusumikap. "Dalawang paraan? Ano yun?"

Si Liu Lei ay hindi maarok at misteryosong tao. Kaya naman, sa tuwing kakausapin niya ito, siya ay parang nasa tenterhooks.

Hindi sumagot si Liu Lei. Natigilan siya saglit bago nagsalita. "Simple lang ang mga paraan, Mrs. Liu... It is either magbabayad ka ng compensation today or stay with me until you able to pay."

Huh?! Ano daw?

Masyadong nataranta si Bella na bumuo ng anumang salita.

Tang*na! Ibig ba niyang sabihin hindi ako makakaalis hangga't hindi ako nagbabayad ng kabayaran?!

What the h*ck... Hindi naman masyadong mahal ang pagpaparehistro ng kasal no? Sigurado akong mababayaran ko ito ngayon.

Nang walang pag-iisip pa, nagmamadaling tumango si Bella. "Sure sure, magbabayad ako ngayon! Magkano ba ang kabayaran Mr. Liu?"

Lumawak ang ngiti ni Liu Lei na parang sunod-sunod na alon. "Limang million lang naman Mrs. Liu."

Huh?

Napakurap-kurap si Bella habang pinagmamasdan si Liu Lei ng hindi makapaniwala. Nauutal niyang sabi. "Li... Limang milyon!"

D*mn ang mahal niyan!

Bakit?

Bat parang mura lang kung sabihin?

Pero...pero bakit ba ang naman mahal?!

May 'British Guiana 1c Magenta' ba ito? O nilagdaan ba ito gamit ang 'Fulgor Nocturnus'???

"Daniel..." Sinenyasan lang ni Liu Lei si Daniel na tahimik lang na nakaupo sa driver seat, para ipaliwanag ang sitwasyon.

Naiintindihan naman agad ni Daniel ang kanyang amo. "Madame, bago pa narehistro ni master at ikaw, madame ang kasal niyo ay ipinaalam na sa akin ng young master na ihanda ang paghahanda ng isang simpleng kasal, na literal na nagkakahalaga lamang ng mahigit sampung milyon. Pero don't worry madame, kailangan mo lang naman bayaran ang compensation which is five million lang. Ang kabayarang ito ay para lamang sa pagkalugi ng young master."

Bella: "_" Simpling kasal tapos 10 million? sinong niloloko niyo ha?

Tapos kasalanan ko ba? Sino bang ang nagsabi sa lalaking ito na gumawa ng advance arrangement!

Sa huli, nilunok ni Bella ang inis at nauutal na nagsalita habang kinakabahan siyang tumingin sa lalaki. "Mr. Liu, sorry talaga pero...ahm... mahirap lang talaga ako... wala akong pera....so....um"

Napaangat ang mga labi ni Liu Lei. "In that case, hindi na natin kailangang maghiwalay, mananatili ka muna sa akin hanggang sa magkaroon ka ng sapat na pera para bayaran ako Mrs. Liu..."

(。ŏ﹏ŏ)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status