Share

Muling ibalik
Muling ibalik
Author: Memories

1 Pag-babalik

Xander's Pov

Sabi nila lahat ng bagay at tao my lugar may pwesto, may panahon at oras makakapagpasaya man sayo o hindi. Gaya na lang ng araw sa umaga bwan sa gabi, ang tubig sa ilog umaagos at ulan ay pumapatak, ang tao ay nabubuhay at namamatay... But Im not buying it kasi kung ganon? Bakit kinuha agad ang mahal ko? Ang lugar at pwesto pati panahon at oras nya ay dapat sa tabi ko. Kaya isa lang ang ibig sabihin LIFE IS A BIG BULLSHIT UNFAIR!

Sandali ko lang syang nakasama pero kinuha na lang sya bigla. Marami pa kaming gustong gawin at puntahan. Marami pa syang pangarap na gustong tuparin. 

Kung maibabalik ko lang ang oras. 

Pero kahit anong gawin ko di na ko makakabalik sa oras na yon. Yong masaya at kasama ang mahal ko.

Kahit hirap na hirap inakyat ko pa rin ang burol na kong saan madalas kami noon ni mahal ang hirap kumilos pag matanda ka na, ang daming masakit at tila ba ang bigat ng katawan mo.

Nang makaakyat na ko umupo agad ako ng marating ko ang tuk-tuk ng burol pinagmasdan ko ang paligid.

Hinga malalalim...

Sinadya ko talagang di galawin tong lupa ko dito sa probinsya para kahit lumipas man ang taon wala pa ring mag bago gaya pa rin noon. Kapagka di ko na kaya ang pangungulila ko sa kanya ito lang ang lugar na gusto kong puntahan. 

"Mahal ko naririnig mo ba ko sana kunin mo na ko di ko na kaya. Bakit ba umabot na ko ng ganitong katanda pero ito ako nandito pa rin. Mahal ko mahal na mahal pa rin kita"

At napaiyak na naman ako.

"Mahal mo talaga sya ano?"

Ang gulat ko ng biglang sulpot ng tyanak este bata sa gilid ko. 

"Naku muntik na kong atakihin sa puso. Iho di ka ba tinuroan ng magulang mo? Magpasin tabi?"

Tumawa lang ang tyanak. Sarap batukan. Pasalamat sya bata sya. 

Sinira nya na ang pag sesente ko tinawanan pa ko. Aba naman...

"Wala akong magulang dahil di naman ako bata. kasi anghel ako at kaya ko nandito Para I grand ang wish mo kasi good boy ka umabot ka ng ganyang katanda pero di nag babago ang puso mo mahal mo pa rin sya di ka tumingin sa ibang babae, hanggang ngayon na malapit ka ng ma dead."

"At isa pa you still on god's way kahit kinuha nya ang pinakamamahal mo kaya bilang god of love matutupad ang wish mo! sana this time wag mo sayangin."

Hinipo ko ang noo ng bata baka may sakit eh,

"Iho wala ka namang lagnat bakit parang nagdedeleryo ka?"

Alam nyo ginawa ng bata? Binatukan ba naman ako aba iba na talaga bata ngayon ang liit pa nag dada drugs na mga addict na, pumapatol pa sa matanda.

Buti pa noong ako pang bata ang bait ko, medyo masungit nga lang at pilosopo pero mabait ako promise.

"Sige na aalis na ko."

Sabi ng bata at ang gulat ko ng mawala itong parang bula. Namalik mata lang ba ako?

Pero bigla na lang yong puso ko naninikip na parang di ako makahinga kaya ipinikit ko na lang ang aking mata. Pagdilat ko mga ilang minuto lang naman, nag- iba ang lugar na kinaroroonan ko parang mall tapos may dala akong gitara.

Teka ano to? Kahit matanda na ko mayaman naman ako di ko kyalangan mamalimos at isa pa di na ganon kaganda ang boses ko matanda na kaya ako...

Umupo ako sa upuan, parang ang gaan ng pakiramdam ko parang di na ko nang hihina at parang... Ang lakas ko parang.... Pakiramdam ko bumata ako uli baka genie yong bata kanina, isa kasi sa wish ko ngayong matanda na ko ang bumalik ang lakas ko pero mas una ang matigok na ko para makasama ko na si mahal. Teka...

Baka tigog na ko? Kaya parang ang gaan ng felling ko. Baka di mall to baka nasa langit na ko! Di naman pwedeng imperyo kasi wala naman akong nakikitang apoy. Grabe lang ganda pala ng heaven ano? Parang mall lang,

Nilabas ko ang gitara ko sa lalagyan at nag hanap ng magandang pwesto.

Nagsimula na kong tumugtog ng paboritong kanta ni mahal na kahit luma na ito lagi kong kinakanta madalas kasi sabi ni mahal pakiramdam nya hinaharana ko sya palagi pag kinakanta ko to.

Gitara by. Parokya ni edgar

Kaya lang di pa ko natatapos kumanta biglang my nag vibrate sa bulsa ng pantalon ko,

Agad kong kinuha at ng basahin ko ang msg. si mommy?

Tama ba si mommy ko tumatawag?

Aba may cellphone sa langit high-tech. Pero di pa touch screen.

Siguro kaya tumatawag si mom para mag kita na kami? Kaya naman dali dali kong sinagut.

"Hello mom?"

"Juleous Xander anak asang lupalup ka ng mundo. Umuwi ka na at mahuhuli na tayo kaylangan nating sabay umuwi sa probinsya. Pagagalitan ako ng dad mo pag di kita sinabay."

Mangali-ngali kong sabihing na wala ko sa mundo na nasa langit na ko. Kay lang ang dal-dal ni mommy di ako makasingit.

Tsk my no other than my mom...

Teka probinsya daw ba kami pupunta? Diba nasa langit na kami?

Ako po ay naguguluhan nalilito at malapit ng mag collapse ang utak.

"Iho please alam kong pasaway ka pero kaylangan eleven o'clock nandito ka na sa bahay.!"

At bigla namatay ang cp ko. Tsk! Dead bat?

"Anong oras naba?"

Hanap ng orasan tumayo ko at bumaba tingin sa kaliwa at kanan.

Sino tatanungin ko? Nakakahiya naman.

Ako lang pinag titinginan ng mga girls parang nakakita sila ng artista.

Alam kong gwapo ako pero nong kabataan ko pa yon at take note dami kong funs kahit di ako artisa.

"Hello! Ikaw si Prince Xander diba?"

Abay kilala ako nong bata.

Kaya tumango lang ako kahit nakakahiya, tagal ko na kayang code name yon at matagal na rin akong di tinatawag na prince Xander.

"Hayeee! Sabi nila suplado ka daw di naman pala,"

"May date ka ba? Gusto mo ako na lang date mo!"

Kinikilig na sabi ng babae. Habang ako ay napaubo.

Tama ang babaeng to suplado ako dati at masungit mayabang rin at marami pang iba pero ng makilala ko si mahal ko nag bago na ko..

Teka anong sabi ng batang to? Adik rin ba tong batang to? Date daw ba? Kami....

Mukha nya date nya! Ang layo nya kaya sa mahal ko, at isa pa layo ng edad namin, siraulo tong batang to ahh! Paluin ko to sa pwet. Makita nya.

"Tss tss."

"Sorry miss may pupuntahan pa kasi ako." Yon na lang ang sabi ko at tumalikod na ko,

Ang werd talaga.

Parang Kanina ko pa napapansin yong boses ko iba, sandali nga makapunta nga sa banyo, baka na iihi lang ako o ano.

Kung ano- ano ang nangyayari sakin ngayon? Teka uli kung multo na ko bakit ako na iihi?

"Ahh baka ganito talaga parang nasa earth lang."

Nag libot ako at nang makita ko ang banyo agad akong umihi tapos pumunta ko sa may lababo at nag hugas ng kamay.

Tumgin ako sa salamin at yuko. Sandali nga.

Tumingin ako sa likod ko wala namang tao. Pero bakit may nakita akong mukha ng bata?

Tumingin uli ako sa salamin... Tingin sa likod.... Sa salamin uli.... "Oh jesus!!!!"

"Waaaaaaahhhhhh..." Sigaw ko habang nakaturo sa salamin.

Subra talaga ang takot ko kaharap ko ang bata kong pag mumukha! Ang gwapong gwapo na si ako!

Sigaw pa rin ako ng sigaw buti na lang walang tao kundi para akong baliw.

Pero totoo ba to? Kinurot ko sarili ko at pinag sasampal.

"Aray! Putik ang sakit"

"Ano bang nangyayari? Ganito ba sa heaven?"

Lumabas ako hahanapin ko na si mahal walang duda patay na ko! As in dead, chugi. Pero pano si mommy? Hinihintay ako.

"Bala na si batman basta mahanap ko si mahal."

Napadaan ako sa labas ng at.. Ano ba showing nila mga luma na pang 2014 pa. sariwa pa sa akin ang mga taon ng nakilala ko si mahal. 

Tatawa na dapat ako kaya lang napaisip ako. Teka??? Parang may di tama.

Kaya nag duda na ko nagtanong- tanong ako at sa 20 na taong tinanong ko isa lang ang sagut...

Today is APRIL, 17,2014.

Hindi pwede, 2055 na sa panahon ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status