Share

5 wag mong guluhin ang oras

Margaret's POV

Natatamad akong gumising ng maaga, wala naman akong gagawin at ayokong  may kasabay kumain sa lamisa ang annoying na boy. Kasi kagabi sa hapag kainan na stress lang ako lalo na yong friend ni Cedric na dito pala  nag-babakasyon niyaya ni pinsan, kala daw kasi nya di na naman kami  paparito kaya masyadong boring daw.

Naiisip ko naman ngayon  ang annoying at gulo buhay ko. This is supposed to be vacation pero parang hindi.

Bandang alas nwebe na ko  lumabas ng kwarto syempre inayos ko muna ng sarili ko. Di kaya ko lumalabas ng kwarto ng di presentable ang ayos  parang artesta lang syempre.

Matapos kumain lumabas ako mag-iisip ng pagkakaabalahan.

"O pinsan sama ka samin mamasyal!" Sabi ni Cristy ng nakatawa

"Oh not that carnival thingey." Maarte kong sagot 

"Don't worry beautiful mamasyal lang tayo sa bukid." Pag papa cute pa nong Ace inirapan ko nga.

"Kayo na lang I prefer my slipper to be putik free." Maarte kung sagot

"O sige ikaw bahala, kung ayaw mong madumihan. Marunong ka namang

icompany si lola diba? And beside di ka naman nagsasawa sa kwento ni lola." 

Nakatawang sabi ni Cedric. Namutla ako, bigla ko kasing naalala nong last visit namin dito. Nag nosebleed ako sa kwento ni lola as in for real nosebleed talaga! Halo-halo kasi ang salita nya parang di tagalog na ewan. Kaya nga yan ay isa sa di ko gusto dito. Wag kayo love ko lola ko noh talagang di lang kaya ng power ko.

Walang choice na sumunod ako sa mga pinsan ko total di pa naman ako  nakakapag-libot sa lugar na to, lagi na lang kasi akong nag-kukulong sa kwarto.

Ilang oras, Ang pagod ko, halos nalibot na namin ang buong lupain ni lola bukod sa palayan eh mangilan-ngilan na puno na iba't-ibang bunga.

Pero may lugar na nakakuha ng atensyon ko. Ang katabing lupain ng kay lola, kaya lang nakabakod ito at sabi ng mga pinsan ko bawal lumagpas sa bakod masungit daw ang mga trabahante ng may-ari ng hasyenda. So it means baka mas lalo ang may-ari right? 

Kaya lang sadyang pinanganak akong pasaway, kaya di nila ko napigilan. Humanap ako ng madadaanan at sila dahil takot, iniwan nila ako. Bahala sila!

Every step parang yong puso ko may sayang nararamdaman, ewan ko ba imbes kabahan ganon yong felling ko, kaya naman parang di mawala ngiti ko.

"May nag-sabi na ba sayo na mas maganda ka pag nakangiti."

Biglang nag-salita kaya napalingon ako agad. Tsk si Ace pala. Ang gulat ko talaga nasa harap ko na  sya.

"What are you doing here?" Masungit kong tanong.

"Sinundan ka, ano  pa ba?"

"Di ko kaylangan ng company mo get lost!"

Nakakaubos ng dugo tong lalaking to.

"Nope, Baka mapano ka."

Matigas nitong sabi.

"Ano namang mangyayari sakin dito?"

Sabay lagpas ko dito at sa inis at gigil ko embes patiran ko ang bato natisod ako. Naghintay akong bumaksak kaya lang nasalo ako ni Ace.

Nakakahiya man kaylangan i-maintain ang postura.

Inayos ko ang tayo ko.

"That's what im talking about my dear."

Letcheng lalaki to naka chansing, tinulak ko nga at patuloy sa paglalakad alam kong sumusunod pa rin sya.

Annoying.

Napahinto ako ng makarinig ako ng tunog ng gitara at guess what? 

The song? Kinakanta nya.. Na naman kagaya kahapon sa mall. What weird is parang pareho ng boses. Ano ba naman to parang destiny ko yata na makilala yong guy na yon.

Hinanap ko kung nasaan ang kumakanta. Mukhang malapit lang sya.

Ah sa may burol na yon!

Tanaw ko ang maliit na burol at dahan dahang inakyat. Di naman mahirap maliit lang kasi.

"Marge san ka pupunta baka may bangin jan!" 

Sigaw ni Ace na di ko pinansin bahala sya. May mag-gigitara kaya don, kung may bangin di sana deads na. Nang makaakyat ako inikot ko ang puno ng mangga masyadong malaki kasi at mukhang nasa likod  ang guy. Hinayaan ko lang syang kumanta, ang sarap kasing pakinggan  ng boses nya nawawala ang bad aura ko sa lalaking to. Matapos nyang kumanta di pa rin ako makakilos. Im totally tanga buti na lang di sumunod si Ace kasi naman.

"Nagustuhan mo ba?"

nyahhhh! guess who? 

******

Xander's POV

Alam ko nandyan na sya kaya lalo kung pinagbutihan ang pag- kanta, sana maramdaman nya para sa kanya ang kanta ko. 

Nang natapos na ko kumanta tinanong ko sya  kung nagustuhan nya ba. 

Di to agad sumagot sandali itong natulala nakatingin lang to sakin. Malamang nagulat sya at nakita nya ko dito.

"Marge!" Sigaw ng bagong dating. Teka si Ace to ah ang lalaking kinaiinisan ko kasi laging nakabuntot kay M.

Teka ano ginagawa ng kumag na to dito? Si M lang dapat mag-isa  ngayon, and we're suppose to be alone.

Pero nakakatawa lang  di naman sya pinapansin ni M. Tsk.

"Julius is that you?"

Nangiti ako kasi naalala nya ko.

"M pano ka nakarating dito?" Kunwa kong tanong.

"It's doesn't matter, di naman ako takot sa may-ari na e-trespassed ako. Di naman ako mag-isa dalawa tayo.. Ay meron pa palang asungot."

Taas kilay na tingin pa ni M kay Ace.

"Sinong asungot? Ako ba tinutukoy mo marge?"

Naka pout na man na tanong ni Ace.

"May iba pa bang bumubontut sakin?"

Natawa na talaga  ako, kung kanina dahil sa trespass thing nito at ngayon sa pang babanas nya kay Ace. Pano kung malaman nya kaya anak ako ng may-ari ng lupaing tinatapakan nya ngayon.

But it doesn't matter. Ang cool nya pang sumagot. Nakakatuwa talaga sya.

"Upo ka."

Sabi ko at umusog ako para makaupo sya.

"Oh I have your favorite baka gusto mo?"

Alok ko kahit para talaga sa kanya ang dala kong cake.

"Bakit may dala ka nyan?"

Tanong nito. Patay ano palusot ko.

"Ah, Eh..."

Napakamut ako.

"Siguro fav mo rin noh!"

Magandang palusot

"Yes actually."

"Kung ganon kaya pala di mo tinanggihan bigay ko kahapon kasi favorite mo rin?" Tanong ko pabalik.

Yon po ay palusot.

"Magkakilala kayo?" 

Singit ni Ace 

"Pwede ba Ace kita mo na nga nag-uusap malamang mag-kakilala."

Na ha high blood na si M kaya inabutan ko sya ng isang slice ng cake para huminahon. Naisip ko lang parang baliktad kami ni Ace ng sitwasyon noon kasi sakin high blood si M noon at malambing  kay Ace. Pero mas maganda  naman siguro to diba? Kaysa  sa awayin nya ko tulad noon. 

"Well my dear buti napansin mo!"

Nagulat ako ng biglang sumulpot ang bata yong tyanak kahapon at tinanong yon. I mean yong weird na bata. Tumingin ako kay M  pero para itong istatwa.

"Don't worry di nila  ako nakikita o naririnig. Pinahinto ko ang oras."

Paliwanag nito at nakahinga ako ng maluwag bago nagsalita.

"Ano ibig mong sabihin sa napansin ko rin?" 

"Ano pa ba i-di yong sitwasyon." 

"So ano may problema ba don? Teka wag mo sabihin nagugulo na ang mundo! Ano kinalabasan? Ano? Ano?"

Natataranta kung tanong  kulang na lang  lumuhod ako.

"Relax.. Wag ka masyado mataranta diba sabi ko sayo this is your second chance so na sasayo na  kong makabubuti sa inyo ng M mo o hindi ang mga move's mo. Hindi sayo umiikot ang mundo Xander kaya kung may mabago kunti lang naman. Kaya lang kailangan mo pa rin magingat."

"Pero wala bang clue or pwede bang malaman kong mawawala pa rin sya sakin pagkatapos ng lahat?" 

"Don't you think masyado ng marami naitulong ko sayo. Look Im not god for real I'm only god of love kaya kita tinutulungan at wala na kong pwedeng sabihin kasi magugulo ang oras pag-ginawa ko yon kaya ang masasabi ko lang good luck. Alam mo na isa akong mataas na uri ng anghel kumpara sayo na tao mas magugulo ko ang oras. Pero sana kahit tao ka wag mo masyadong guluhin ang oras. Baka mapadali ang kinakatakutan mo."

Yon lang at nawala na naman to and everything move again sayang di man lang ako naka kiss kay M.

At ano bang ibig sabihin ng batang yon naguguluhan na ko?

Takte ano ba yon nakakakaba. Ano na mangyayari? Gusto ko tuloy yakapin si M. Takot na takot talaga ako. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status