Share

Chapter 44 (Part 2)

Continuation…

Sana pala ay ginawa ko na ito kanina pa.

“Hindi ba ‘yan matatapos kakadaldal? Para na akong nahihilo sa boses niya!” si Delton na nginisihan ko na lang.

Nasa isang malaking kwarto kami, na mukhang opisina pa nga dahil sa iilang gamit lamang na nasa loob. Isang lamesa, isang swivel, isang shelf sa gilid na may kakaunting mga libro at isang painting ng ahas sa isang tabi. Kitang kita ko na at alam na alam ko na ang hitsura no’n kahit sa malayuan dahil iyon din ang imahe ng ahas na nasa mga atok at leeg nitong mga kasama ko.

Nilingon ko ang malawak na dagat na nasa harapan namin. Ang nasa likod ng mesa at isang swivel ay isang malaking glass window na abot tanaw ang dagat sa harapan. Ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan ay umaabot pa rin hanggang dito, kahit nasa pinakaitaas kaming kwarto, at kulob ang opisina.

“Sino ang may-ari nitong kwarto?&rdquo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status