Malakas na tinulak ni Yvonne si Alaric. Gumulong ito pababa sa sahig at dinig pa niyang umaray pero wala siyang pakialam! Mas uunahin niyang itago ang sarili. Walang tigil sa pagkabog ang puso niya at kahit alam niyang hindi siya kasya sa ilalim ng kama ay pinagkasya niya ang sarili doon. Nasilip pa niya ang pagtayo ni Alaric, hawak hawak nito ang balakang. Mukhang napuruan ang Lolo niyo!Umusog pa siya sa gitna pero halos hindi makahinga noong muling humiga sa kama si Alaric. Balak pa yata siyang patayin sa timbang nito!Naipit sa lalamunan niya ang pagrereklamo matapos makita ang pagpasok ng tatlong pares ng paa. Ang naka-heels ng mataas ay siguradong kay Margarita. Ang nakasuot ng kumikinang na leather shoes ay kay Don Frederick. Iyong naka-tsinelas ay baka si Apollo."Where is your girl?!" dumagundong ang boses ng matanda pero mukhang hindi naman tinablan si Alaric. Dinig pa niyang humikab ito."Nagtago—I mean, I'm alone here," naiinip nitong sagot."Liar! Hindi ka na ba magbabago
Naikuyom ni Levi ang mga kamao matapos marinig mismo sa Lolo niya ang balak ni Michael Montenegro sa kanya. Alam naman niyang gusto talaga nito siyang maging manugang upang may mag-manage sa kumpanya nito. Pero ang malaman na gagawin lang siya nitong utusan at galamay ay nagpapa-init ng ulo niya."So you're saying that I will inherit his company?" litong tanong niya sa kanyang Lolo.Nasa opisina sila at pinatawag nito para lang sabihin iyon. Minamadali kasi ni Michael Montenegro ang kasal nila ni Margarita samantalang wala naman silang relasyon ng anak nito."Not inherit. Bibigyan ka niya ng share sa kumpanya, but he will still own it. Most of the profit will go to him," paliwanag ng kanyang Lolo bago sumandal sa swivel chair nito."In short, gagawin niya akong utusan? For what? So he could live a stress free life and let me suffer handling his company? Siya at ang pamilya niya ay maglulustay ng pera na pagpapaguran ko? No way, Lo. I won't accept it—""Alaric! Think about it. Malaki p
"You want me to get my wife pregnant?" mahinang tanong ni Levi kay Aldo.Gusto nitong mambuntis siya ng dragon na g*go lang ang alam na itawag sa kanya? Tss."That's the only way, Alaric. You can stop the evilness of Frederick Castellanos once you give him a great-grandchild."Napatigil siya sa pag-inom. Gusto naman talaga niya ng anak. Ang problema ay kung papayag kaya si Yvonne? Baka bumuga iyon ng apoy."Pero kailangan mong magmadali kung susundin mo iyon. Matagal ang nine months, Alaric. Kailangan mong mag-umpisa agad," paalala pa nito.Napangisi siya. Matagal na siyang nag-umpisa. Hindi nga lang sigurado kung may nabuo na.Tumikhim siya, "How? I mean, how to make that sure?""Be a sharp shooter, don't pull out," suhestiyon nito bago tapikin ang balikat niya.Maliit siyang nanguso. Nakaalis na ang Kuya Aldo niya pero iyon pa rin ang nasa isip niya. He's not sure if Yvonne is ready to be a mother. Tatanggapin ba talaga sila ni Frederick Castellanos kapag may nagka-anak na sila?Nap
"Ano ba, Alaric! Bitiwan mo nga ako! Ano bang pakialam mo kung gusto kong kausapin si Michael Montenegro ah?!" Pumiglas si Yvonne mula sa mahigpit na hawak ni Alaric sa kanya. Hindi niya naman alam na nandoon ito. Nagulat na lang siya sa tanong nito kanina. Ni hindi pa siya nakasasagot ay hinila na lang siya nito basta palabas. Hindi tuloy siya nakapag-schedule ng appointment para makausap ang ama niya."What the hell are you doing here?!" may diing tanong nito muli noong makarating sila sa parking lot."Mag-a-apply ng trabaho. Bakit ba? Gusto kong magtrabaho sa kumpanya niya," pagsisinungaling niya.Hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoong pakay niya. Baka ikagalit pa nito kapag nalaman nitong anak siya ni Michael Montenegro."You don't need to work. May coffee shop ka. Iyon ang asikasuhin mo," mariing sagot nito bago siya pinapasok sa sasakyan nito at mabagsik pang sinara ang pinto.Napairap siya't nagsuot ng seatbelt."If you want, sa akin ka magtrabaho. Bawat halik, may bayad
Totoo ngang sineryoso nito ang aircon dahil pagpasok ni Bea sa kwarto ay niyakap siya ng lamig. Iniwang bukas iyon ni Alaric."Geez," bulong niya dahil sa lamig. Pinagkalakas-lakas yata ni Alaric iyon.Kinagat niya ang labi at umupo sa kama. Ang upo niya ay naging higa. Parang gusto na lang niyang matulog. Ang sarap sa pakiramdam at nakakaantok ang lamig. Hinila niya ang kumot at binalot ang sarili roon. Pero noong muling maalala na malakas ang aircon sa kuryente ay napabalikwas siya ng bangon."G*go talaga, pagbabayarin pa ako ng mahal sa kuryente," bulong-bulong niya bago pinatay iyon.Dapat pala ay binilang niya ang bawat hininga niya kanina para pinabayad niya kay Alaric. Tutal ay iyon naman ang sinabi nito kanina.Nakatayo pa siya sa harap ng aircon noong tumunog ang cellphone niya. Nangungunot ang noo niyang kinuha iyon at agad na sinagot matapos makitang si Alaric iyon."Gusto mo na ba ng yakap, My aber? Nilalamig ka na ba?" bungad na tanong nito.Napairap siya, "Pinatay ko na
"Estella? The hostess?" walang tuwang tanong ni Michael Montenegro sa kanya.Kumuyom ang kamao ni Yvonne. Confirm na kilala nito ang nanay niya pero bakit parang wala naman itong pakialam?"Nakilala niyo po siya sa club—""And you are her daughter?" putol muli nito sa sasabihin pa niya.Pilit siyang ngumiti. Huwag mong sabihing itatanggi siya nito? Humigpit ang pagkakakuyom ng kamay niya dahil sa naisip."And I am your daughter, Mr. Montenegro," walang kurap na bigkas niya.Umawang ang mga labi nito. Kitang-kita niya ang wrinkles nito noong biglaang manliit ang mga mata nito sa kanya."Gaano ka kasigurado na anak nga kita? Iba-iba ang lalaki ni Estella, baka isa sa mga iyon ang ama mo, Hija," kalmadong tugon nito.Nagtagis ang mga ngipin niya. Sabi na nga ba't itatanggi siya nito! Nasayang lang ang oras niya."Isa ka rin po sa mga naging lalaki niya. Posibleng kayo ang ama ko—""Posibleng ako, posibleng hindi rin ako," may diing sabat na naman nito.Nanggigil na siya na hindi siya nit
Agad na napasinghap si Yvonne at mabilis na pinunasan ang mga luha niya. Bago pa man siya iharap ni Alaric ay mabilis na niyang kinalas ang yakap nito. Magtatanong lang ito kapag umiyak pa siya lalo."Hindi mo ko papansinin?" may tampong tanong nito.Napairap siya pero hindi nga ito sinagot. Baka kasi sisigok pa siya kapag nagsalita. Nagtungo na lang siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig. Humarap siya sa lababo at nilagok iyon."Why are you crying, Missy? You can tell me, hm," masuyong bulong nito mula sa kanyang likod.Nanginig ang kamay niyang may hawak ng baso. Muling nangilid ang luha niya sa narinig. Gusto talaga niyang magsabi upang mawala ang bigat sa puso niya pero hindi si Alaric ang tamang tao na pagsabihan.Nahigit niya ang hininga matapos siya nitong kulungin sa pagitan ng lababo at katawan nito. Kita niya pa ang mga kamay nitong humawak sa lababo, sa magkabilaang gilid niya. Namumuti ang mga kamao nito, gigil na nakahawak sa lababo."Who the h*ll made you cry?" mad
Hindi makasagot si Yvonne sa tanong ni Alaric sa kanya. Aaminin naman niyang na-miss niya ito lalo na't higit sa isang linggo niya itong hindi nakita at nakasama pero hindi niya sasabihin iyon."Missy," muling paos na tanong nito matapos makalakas ang suot niyang bra.Napapikit siya noong agad na dumapo ang palad nito sa isang d*bdib niya at madiing gumalaw roon. Nanuyo ang lalamunan niya. Hindi siya makapaniwalang humantong sila sa ganito samantalang umiiyak lamang siya kanina. Baka ito talaga ang salubong nito sa kanya, kaya lang ay umiyak siya kaya't hindi naituloy pero naitawid naman nito ngayon.Naningkit ang mga mata niya at mabilis na hinawakan ang braso nito, "Ito ba ang balak mo kaya mo ko inuwian?" may inis na tanong niya kahit pa pigil niya ang ungol.Tumigil ito at pinakawalan ang d*bdib niya. Pinantayan nito ang tingin niya. Kumunot pa ang noo nito."What? Of course not. I am just concern, My aber. I can feel that you want me to.... ravish you," bulgar nitong sagot na lal