Share

Kabanata 108

"Papa, Fred, bilisan mo po. Ang bagal n'yo po sabi ni Mama."

"I'm coming, Anak," pasigaw kong sagot kay Widmark.

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng kwarto, narinig ko na ang boses niya na minamadali akong bumaba.

Paano kasi, napuyat ako kagabi. Buti sana kung si Gwin ang dahilan ng puyat ko pero hindi. Si Tonyo ang dahilan.

Siya lang naman ang narinig namin ni Patrick kagabi na lumagpak. Pinakaba pa kami ng tarantado.

Akala namin, si Mitch at mga tauhan niya ang naglakas loob na pumasok sa mansyon.

"Bakit ba ang tagal mo, Fred?" tanong ni Gwin. Nagsalubong ang mga kilay at humalukipkip. "Paano 'yan? Aalis tayo na hindi ka man lang nakapag-breakfast."

"Sorry, nakatulog kasi ulit ako paglabas mo kanina. Sa hospital na lang ako mag-coffee," malambing kong sagot, sabay kamot sa ulo.

Dinaan ko sa lambing ang paghingi ko ng sorry, para hindi tuluyang magalit si Gwin.

"Ano ba kasi ang pinaggagawa n'yo kagabi at matagal kang natulog? Hindi ko na nga napansin kung anong oras ka bumal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status