"Dammit, Hikari! Stop crying for Pete's sake!"Marahang iminulat ko ang mata ko nang may marinig akong mga tao na nag-uusap sa piligid ko. Agad namang sumalubong sa mata ko ang isang pamilyar na kisame.Marahang inilingos ko ang ulo ko at nakitang umiiyak si Hikari sa isang tabi. Nasa harapan nya naman si Dark na nakaupo sa isang upuan at may bandage sa kamay.What the hell happened?Bigla ko namang naalala na di sinasadyang naitulak nga pala ako ni Hikari sa hagdan kanina sa second floor. Pero bakit nandito si Dark? Teka asan ba ako?Iniangat ko ang ulo ko at ginala ang tingin sa buong paligid. Saglit akong naliyo at naramdaman ang sakit ng katawan ko. Pero nakapagtatakang ito lang ang sakit na nararamdaman ko. Hindi man ganoon kataasan ang hagdan sa school namin pero nahulog parin ako.Nang makita ko ang kurtina na nakapaligid sa akin napag-alaman kong nandito pala ako ngayon sa clinic ng school namin at nakahiga na naman sa clinic bed sa ikatlong pagkakataon.Tsk. Suking-suki na ak
"Does that mean you are choosing him over me?"Humugot ako ng isang malalim na hangin at binuga iyon para maiwasan ang di inaasahang pagluha ng mata ko.Naalala ko na naman kasi ang itsura kanina ni Michael bago ko sya iwan sa school at sumama kay Dark pauwi. Puno ng sakit iyon at tila di makapaniwalang nagawa ko syang suntukin.Gusto ko mang sagutin ang tanong nya at sabihin 'oo', ngunit nag-aalangan ako kung iyon nga ba ang lalabas sa bibig ko. Baka hindi na lang kasi katawan ko ang tumraydor sa akin. Baka pati na rin ang puso ko.Sa tingin ko kasi, ang pagmamahal ko sa kanya ay nababalutan lang ng takot at galit dahil sa mga nangyari. Pakiramdam ko ano mang oras mawawala ang nakabalot na iyon at mapapatawad ko na syang muli tulad ng parating nangyayari.At bago pa mangyari 'yon, gagamit ko ang takot at galit sa puso ko para sa wakas ay makalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya. At sana sa oras na mangyari iyon, maaari na akong maging masaya.Mariing kinagat ko ang labi ko at p
Ilang araw na ang nakalipas simula nang mag-away kami ni Michael. Simula nang mangyari 'yun, sa tuwing nagkikita man kami sa room o kung nagkakasalubong sa hallway, hindi kami nagpapansinan. Hindi ko sya iniimikan at ganun din naman sya. Naging hangin ang turingan namin na isa't-isa't. Ni hindi man lang nagtatama ang mata namin kahit isang beses. Alam kong nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa amin na may problema kami ni Michael ngunit mas pinipili nalang siguro nilang manahimik at huwag mangialam. Look's like our friendship is really over... Napangiti ako ng mapait dahil sa naisip ko. Ito naman ang gusto ko, di'ba? Ngunit bakit ganito kabigat sa pakiramdam? Siguro ay nasasayangan lang ako sa haba ng panahon na pinagsamahan namin. Siguro ay sa una lang ito at kapag naglaon, nakakasanay ko din ang ganitong sitwasyon naming dalawa. Mawawala na ang nararamdaman ko para sa kanya at pag nangyari 'yon, magiging masaya na akon Pero ganito ba talaga muna kasakit ang dapat maramdaman
"Don't touch me..."Nanatili akong tulala sa kawalan habang patuloy na umuulit sa isipan ko ang mga salitang sinabi kanina sa akin ni Michael. Napakalamig pa ng tingin na ipinupukol nya sa'kin ng mga oras na 'yon na para bang hindi nya ako kilala.Wala tuloy akong nagawa kundi bumitaw sa pagkakahawak sa kanya at tingnan nalang sya habang naglalakad pabalik sa mga kateammates pa namin.Siguro ay nagulat ako dahil hindi iyon ang inaasahan ko na irereact nya. Akala ko ay magagalit lang sya sa akin at sisigawan ako.Pero hindi sya nagalit at hindi rin sya sumigaw. Sinabi nya lang ang mga salitang iyon gamit ang malamig na boses. At dahil doon, pakiramdam ko ay itinaboy nya ako palayo sa kanya.Aaminin ko, natakot ako sa ginawa nya dahil si Michael pa naman iyong tipo ng tao na kapag hindi na nya gustong makausap ang tao, ibig sabihin lang nayon ay sawa na sya sayo.Hindi na sya maaapektuhan sa taong iyon at aakto na parang hindi sila magkakilala.Pero ano bang karapatan kong matakot? Hindi
"Carlo, inom ka pa!" Sabi ni Coach at muling tinagayan ng alak ang baso ko. Marahas na napailing naman ako sa ginawa nya, "De, tama na po. Hindi po ako pwedeng uminom ng marami, magagalit po 'yung Tita ko." Sabi ko na lamang. Ang totoo nyan, ayos lang naman kay Tita kung iinom ako basta limitahan ko lang daw. Ako lang talaga ang may ayaw uminom ng madami dahil di ako gaanong sanay. "Teka, nasan na ba si Michael?" Biglang tanong ni Coach kina Ailan na nagkukwentuhan tungkol sa nangyari sa game kanina. Napatingin naman 'yung tatlo sa kanya. Napansin ko na napasulyap muna si Ailan sa'kin, "Bigla pong nawala pagkatapos ng game, eh!" Sabi nya. Kinuha ko 'yung baso na tinagayan ni Coach ng alak kanina at ininom iyon sa sobrang inis. Alam ko naman kasing kaya wala dito si Michael ay dahil iniiwasan ako nito. Eh di wag sya pumunta! Ano naman? Pabor pa nga sa'kin 'yun. Naramdaman ko bigla ang mainit na pag guhit ng alak sa lalamunan ko nang lunukin ko iyon. Nagtaka pa ako dahil hindi na
"You're not even holding on in the first place."Nang sinabi nya ang mga salita iyon, di ko magawang sumagot. At sa sobrang katahimikan at kalasingan, di ko na rin namalayang nakatulog na ako sa kinauupuan ko.Bakit nga ba hindi ako nakasagot?Siguro ay dahil alam ko din sa sarili na tama ang sinabi nya.Sa lahat ng nangyaring ito, ako ang may pinakamalaking kasalanan. At hindi lang sina Ailan, JR at Marvin ang naging duwag, pati ako na rin.Nasabi ko na ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Hindi pa.Kaya naman hinding-hindi kami magkakaintindihang dalawa kahit ano pang sabihin at gawin namin. At kaya din para syang walang pakilam sa feelings ko dahil wala naman syang alam na nasasaktan nya ako.All along, puro paninisi lang ang ginawa ko kahit isa rin naman ako sa may mga kasalanan. Kung una palang nilinaw ko na ang lahat, hindi kami hahantong sa ganito...Bigla akong naalimpungatan nang naramdaman ang paglapat ng likod ko sa isang malambot bagay. Dahan-dahan ko namang iminulat ang
"Carlo, I love you."Marahang iminulat ko ang mata ko nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko."Putangna lang." Mahinang mura ko habang sapo ang ulo ko nang bigla ako nakaramdam ng sobrang pagkahilo. Shit, hangover.Mariin kong ipinikit ang aking mata at nanatiling nakahiga muna ng ilan pang minuto. Hinayaan ko muna saglit ang pag-intak ng ulo ko at huminga ng malalim.Makailang-minuto, sinubukan kong tumayo ngunit agad ding napahiga nang di makagalaw ang katawan ko. Naisubsob ko naman ang mukha ko sa matress na hinihigaan ko nang bumalik sa utak ko ang dahilan kung bakit ako sobrang nanghihina ngayon.Maya-maya ay narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto ng kwartong kinalalagyan ko."You're finally awake." Rinig kong sabi ni Michael na kapapasok lang ng kwarto. "Drink this. This will surely help." Sabi pa nya at may kung anong nilapag doon sa side table.Mabilis naman sa alas-kwarto kong binato ng unan si Michael. Nanatili parin ako nakadapa sa kinatatayuan ko dahil
"It's almost time." Pagkausap ko sa sarili ko at humugot ng malalim na hangin. Malapit na matapos ang lunch time at kailangan ko nang bumalik sa room. Tsk.Buti nalang at hindi namin kaklase iyong tatlong gunggong dahil kapag nagkataon, hindi talaga ako aattend ng klase dahil sa sobrang kahihiyan.Sino ba naman ang hindi mahihiya kung marinig kayo ng boyfriend mo ng ibang tao na nagmamake-out? Di ba mapapahiya naman kahit sino?Namula naman ako sa naisip ko. I'm so stupid. Bakit ko nga ba ginamit 'yung term na boyfriend eh hindi naman kami mag-boyfriend ni Michael?Pero ano na nga bang stado ng relasyon namin ngayon? Sure, we've already did 'that' for a few times pero wala pa namang sinasabi si Michael kung mag-ano na ba talaga kami ngayon? Ayoko namang mag-assume dahil baka mamaya mapahiya lang ako or worst, baka magalit sya ulit."I'd better go." Muling pagkausap ko pa sa sarili ko at akmang aalis na dito sa rooftop nang biglang may pumasok."Carlo." Gulat na sabi ni Dark at tila na