CHAPTER 107VIN POVHindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil parang may kulang sa akin. Simula kasi ng magising ako ay masakit na ang ulo ko at parang galing ako sa napakahabang pagtulog. Ni hindi ko nga maalala ang aksidenteng nangyare raw sa akin kaya nagtatanong pa ako kay Mama kung ano ba talaga ang nangyare sa akin. Hindi ko rin makilala ang babae na kasama nila na magbantay sa akin na nag ngangalan na Bella. Sa tuwing tinititigan ko eto ay hindi ko talaga maalala kung sino ba eto. Pinipilit ko naman na maalala kung sino eto pero wala talaga.******Pagkagising ko ay agad na tumambad sa akin ang mukha ni Nicole na nakatitig sa akin. Napangiti naman ako rito. Kinumusta pa ako neto at may sinabi sya na tungkol daw sa kasal namin at dahil hindi ko namn iyon maalala ay sumang ayon na lamang ako rito. Narinig ko pa ang pagtutol ni Bella at nagkasagutan pa sila Nicole.Nainis naman ako sa pagsasagutan nilang dalawa kaya pina alis ko na lamang eto. Pero habang paalis eto ay hindi
CHAPTER 108BELLA POVKanina ko pa gustong umiyak pero pinipigilan ko lamang ang sarili ko. Sobrang sakit na makita na iba ang gustong makasama ng taong mahal mo tapos pinaalis pa ako nito doon sa ospital. Wala na rin naman akong nagawa pa kundi ang umalis na muna dahil ayoko naman na magalit eto sa akin.Sobrang sakit na sa isang iglap ay nawala lahat ang mga alaala ni Vin na kasama ako. Napapatanong na lamang ako kung bakit ako pa talaga ang nakalimutan ni Vin? Bakit hindi na lamang si Nicole.Inihatid naman ako ni Sarah dito sa aming bahay. Wala ang mga kasama ko rito dahil may mga pasok sa trabaho. Hindi rin naman nagtagal si Sarah dito dahil kailangan daw nyang bumalik kaagad sa ospital dahil baka kung ano pa raw gawin ng kapatid nyang si Nicole. Nagpapasalamat naman ako dahil kahit papaano ay may handa pa rin pala na tumulong sa amin ni Vin kung nagkataon.Nang maiwan akong mag isa dito sa aming bahay ay dumiretso na ako sa aking higaan. Pagkaupo ko pa lamang dito ay hindi ko na
CHAPTER 109THIRD PERSON POVPagkahatid ni Sarah kay Bella ay agad na syang bumalik sa ospital. Sa totoo lang ay kanina pa nya gustong gusto n hilahin si Nicole pauwi s knila. Naiinis na sya lalo sa kapatid nya dahil s ginagawa neto ngayon.Pagkarating nya roon ay naabutan nya na nasa labas ng kwarto ni Vin si Nicole kaya dali dali nya etong linapitan."Mabuti naman at nagkaroon ka pa ng hiya at iniwan mo si Vin ngayon," agad na sabi ni Sarah kay Nicole. Agad naman na nag angat ng tingin si Nicole nang may magsalita sa harapan nya at nakita nya ang ate Sarah nya kaya napairap na lamang sya rito."Bakit ba hindi ka na lamang umuwi ate? Bakit ba sinusundan mo ako rito?" iirap irap na tanonh ni Nicole sa ate Sarah nya."Hindi ako uuwi hanggat hindi kita kasama. Nicole hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Inaabuso mo ang kalagayan ni Vin ngayon. Hindi pa nya maalala ang ibang bagay tapos ikaw eto at ipinipilit na naman ang kasal na yan. Pwede bang itigil mo na lamang ang kahibangan mong y
CHAPTER 110Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay lalabas na ng ospital si Vin. Ilang araw din nag stay sa ospital si Vin at talagang palaging nasa tabi nya si Nicole. Umaalis lamang eto tuwing uuwi para maligo at magpalit ng damit pagkatapos ay babalik na rin kaagad ng ospital.Si Bella naman ay pumupunta roon pero palaging hinaharangan ni Nicole at ayaw palapitin man lang kay Vin. Minsan ay nakakalapit si Bella kapag wala si Nicole pero hindi naman sya kinakausap ni Vin."Okay naman na po sya Mrs. De Villa. Medyo okay naman na po ang mga sugat nya. Tanging ang kanyang amnesia na lamang po ang ating problema sa ngayon. Advice ko lamang po ay wag nyo syang bibiglain. Dahan dahanin nyo lamang po sya para unti unti pong bumalik ang mga nawala nyang alaala. Minsan po ay maaaring makaramdam po sya ng pagsakit ng ulo lalo na po kapag may mga alaala po sya na bumabalik at normal lamang po iyon kapag po nakaramdam sya ng ganoon ay pagpahingahin nyo po muna sya," pagpapaliwan
CHAPTER 111"Hi Vi-vin," sabi ni Bella ng makapasok sya sa kwarto ni Vin. Kinakabahan talaga sya na kausapin si Vin dahil natatakot sya na baka ipagtabuyan na naman sya neto."Gusto mo raw ako maka usap," agad na sabi ni Vin."O-oo sa-sana," kandautal na sagot ni Bella. Napabuntong hininga naman si Vin at umupo na sya sa sofa doon sa kanyang kwarto."Maupo ka," pag aaya ni Vin kay Bella. Agad naman na naupo si Bella sa may tabi ni Vin."Vin hi-hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero Vin makikiusap sana ako sayo sana wag ka munang pumayag na matuloy ang kasal nyo ni Nicole hanggat hindi pa bumabalik ang alaala mo," pakiusap ni Bella kay Vin. Pinipilit nyang huwag maiyak sa harapan ni Vin. Liningon naman ni Vin si Bella."Bella pasensya ka na pero hindi talaga kita maalala. Nakiusap na rin naman sa akin si Mama tungkol sa bagay na yan. Sisikapin kong pakiusapan si Nicole dahil ang alam ko ay pinapa asikaso na nya ang kasal namin," sagot ni Vin."Vin handa akong tulungan ka na maalala
CHAPTER 112"Ano po ang nangyare kay Vin tita Valerie?" Tanong ni Bella kay Valerie ng makita nya na nakatulog na si Vin."Siguro ay may mga naaalala na sya. Sabi kasi ng doktor nya ay normal lamang daw ang pananakit ng ulo ni Vin kapag may mga naaalala na sya," sagot ni Valerie."Talaga po? Ibig sabihin po ba nyan ay maaaring naaalala na nya ako?" Sagot ni Bella na tila ba nabuhayan sya ng dugo dahil sa sinabi ni Valerie."Oo hija. Maaaring may naalala sya kanina kaya biglang sumakit ang ulo. Alam ko hija maaalala ka ni Vin. Hindi ka man nya maalala sa ngayon alam kong nakikilala ka naman ng puso ng anak ko," nakangiting sagot ni Valerie at hinaplos pa nya ang pisngi ni Bella."Sana nga po ay maalala na nya ako tita," malungkot na sagot ni Bella at yumakap pa sya kay Valerie.*********Mabilis naman ng lumipas ang mga araw. Ilang araw na lamang at araw na ng kasal nila Nicole at Vin.Madalas pa rin na pumunta si Bella sa bahay nila Vin pero hindi pa rin sya naaalala neto. Noong nakar
CHAPTER 113Sumama naman na muna si Vin kay Nicole dahil kailangan daw nilang pumunta sa simbahan. Hinarang pa sila ni Bella pero wala rin namang magawa si Bella dahil hindi talaga nagpapigil si Nicole dahil kailangan daw talaga nilang magpunta ni Vin sa simbaban hinayaan na lamang din nya ang mga eto kesa mag away na naman sila ni Nicole sa harapan ni Vin.Naiwan naman si Bella sa bahay nila Vin. Sakto naman na kaaalis lamang nila Vin ng dumating si Valerie."Hija kumusta si Vin?" agad na tanong ni Valerie ng makita nya si Bella sa kanilang sala."Tita dumating po si Nicole at isinama nya po si Vin. Kailangan daw po nilang pumunta sa simbahan. Hinarangan ko naman po sila kaso hindi po talaga nagpapigil si Nicole," sagot ni Bella. Iiling iling naman si Valerie."Ayaw talagang tumigil ng Nicole na yan hanggat hindi sila nakakasal ng anak ko. Sana talaga ay bumalik na ang alaala ni Vin dahil oras na makaalala na ulet ang anak ko ay eto na mismo ang kusang lalayo sa Nicole na yan. Wag ka
CHAPTER 114Nang maiwan naman sila Valerie at Nicole ay hinintay muna ni Valerie na makalayo si Vin bago nagsalita."Nicole hija sigurado ka na ba talaga na gusto mong mapangasawa ang anak ko?" tanong ni Valerie kay Nicole. Ngumiti naman si Nicole rito."Opo tita. Gusto ko pong maging asawa si Vin. Noon pa po ay hinahangaan ko na siya. Kaya po ng magkaroon ako ng pagkakataon na hilingin sya kay dad ay hiniling ko na po talaga eto," nakangiti pa na sagot ni Nicole."Hija nag aalala lamang ako sa magiging buhay nyo ni Vin dahil hindi naman talaga kayo nagmamahalan. Sagrado ang kasal Nicole. Hindi basta basta ang pag aasawa hindi yan isang pagkain na kapag ayaw mo na ay maaari mo ng iluwa. Please hija pag isipan mo na munang mabuti habang may ilang araw pa bago ang kasal ninyo ni Vin," mahabang paliwanag ni Valerie kay Nicole. Gusto nya kasing makumbinsi ang dalaga na wag munang ituloy ang kasal. Napabuntong hininga naman si Nicole dahil sa sinabi ni Valerie sa kanya."Tita pasensya na p